Agham

109th TAONG PAGKAKATATAG NG ITDI, ILANG BAGONG TEKNOLOHIYA SA INDUSTRIYA, IPINAKILALA

Posted on July 21st By bugs bonay


sa pagdiriwang ng anibersaryo ng Industrial Technology Development Institute ng department of Science and Technology kamakailan kung saan dinaluhan ng dating kalihim Estrella F. Alabastro nitong hunyo sa kanilang punong tanggapan sa Taguig, sa ginanap na pulong balitaan, inilunsad ang kanilang bagong bagong Jatropha Biodiesel Processing Facility na nakakagawa ng biodiesel sa pammagitan ng nasabing halaman at ang by-product nito ay naipo proseso rin upang magawang iba pang mas kapaki pakinabang na mga produkto.

 

Ipinakilala rin ang pinakabagong inobasyon, ang kanilang 3rd Generation Biogas Digester na pang residential/ commercial purposes at di lang pang industrial scale na karaniwang kilala ang nasabing teknolohiya. Ayon kay ITDI Director Dr. Nuna Almanzor, ang nasabing mga teknolohiya ay ang pinakabagong teknolohiyang maaring makadagdag sa sulriranin ng bansa sa enerhiya.

 

Nakibahagi rin si Romeo Tolentino (Ret. Lt. Gen.) buhat sa Philippine National Oil Company Alternative Fuel Corporation, President and Chief Executive Officer. Kaalinsabay nito ang ilang technical sessions kung saan ipinakita ng ahensya ang ilan nilang teknolohiya patungkol sa packaging, testing, metrology awareness, energy audit at ang environmental technologies na siyang isinusulong ng ahensya at ng buong kagawaran ng agham sa pangkalahatan.

 

Samantala, sa ika 9 na kumperensyang pang agaham  at pangkalahatang pagkakatipon ng Philippine Association of Microscopists sa ginanap sa International Rice Research Institute nitong nakaraang Mayo, nagwagi ng ika 3rd Prize sa oral presentation at 2nd prize para sa poster presentation.

 

‘formation of polyethylenimine /carrageenan bi-layer as monitored by atomic force microscopy and biomolecular interaction analysis” mula kay Annabelle V. Briones at Toshiori Sato, 3rd place ang nakuha nito sa oral presentation sa Life Sciences at Bioengineering Category. “morphological properties of poly (styrene-ethylene co-butylene) b-styrene (sebs) thermoplastic Elastomer nanographite nanocomposites” mula kay Dr. Marisa A. Pagcaliwagan, Dr. Blessie A. Basilia, ma. Theresa V. Navarro and Rosemarie B. Antinopo kung saan ipinresenta ni TV Navarro, nakakuha ito ng 3rd place sa kategoryang Physical Sciences.

 

Samantala sa poster presentation nagwagi ang “biodegradable thermoplastic starch: preparation and characterization” mula kay Dr. Marissa Pagcaliwagan at Dr. Blessie Basilia, nagwagi ito ng 2nd place sa ilalim ng life science at bioengineering na kategorya. Ang SEM micrograph of starch nano-clay biodegradable plastic na tinagurian ding “cocoon” kung saan ipinakikita ang organikong aktibidad ng plastic matapos ang burial test, ito ang entry ni Dr. Blessie Basilia, nagwagi ito bilang best photomicrograph sa kategoryang Peoples Choice.

 

Kaugnay nito, ang Molino Housing Project Pahase 1 sa Molino Bacoor Cavite ng Industrial Technology Development Institute, layunin nitong mabigyan ng katuparan ang hangad di lang ng mga taga ITDI na magkabahay kundi pati ng karamihan sa atin sa bansa. Ayon sa ulat, lima ang nabigyan na ng kanilang unit habang ang iba ay ginagawa pa, nang pasinayaan ito kamakailan dinaluhan ito ng mga representante ng Bacoor LGU, DENR, PAGIBIG, at DOST.

Tags: Agham

Latest Articles

  • banner
  • banner
  • banner
  • banner
  • banner
  • banner
  • banner
  • banner