Agham
2010 NSTW ADDRESS NG BAGONG SEC NG DOST: MAY PERA SA INNOVATION
Posted on July 21st By mike balaguer
Filipinnovation: the way forward- ang tema ng pagdiriwang ngayon ng National Science and Technology Week na pinangunahan ng DOST sa pangunguna ng NSTW committee ngayon na si Usec. Prof. Fortunato Dela Pena. “may pera sa innovation at pagpatronise sa lokal na paggawa”. Ito ang ilan sa bahagi ng mga pahayag ng bagong kalihim ng Department of Science and Technology, Mario Montejo nang magsalita siya sa 2010 celebration ng National Science and Technology week nitong July 19, 2010 sa Manila hotel.
Kaiba sa pananaw ng dating kalihim patungkol sa pag adapt ng mga teknolohiya ng ibayong dagat para sa local market, nais ni Montejo na kumuha ng teknolohiya sa ibang bansa at I adapt ito sa lokal na merkado gaya ng kanyang mga nagawa bilang imbentor at designer noong ito ay nasa pribadong sector pa.
Isang paraan ng kung tawaging ay reverse engineering ngunit hindi tuwiran, ang panukala ng kalihim ay akma sa bansang gaya ng pilipinas na umuunlad pa lamang. Nabatid na ang ganoong paraan ang panimula ng mga bansang maunlad sa asya gaya ng Korea at Japan at China. Ang paglo localized ng mga teknolohiya ay maaring makatulong bukod sa lokal na merkado at sa ibang bansa sakaling maisip ng ilang malikhain nating kababayan na I export ito.
Batay din sa address ni Montejo, nais niyang makilala ang agham ng karaniwang tao at malaman ng masa ang mga kabutihang dulot nito sa pag unlad ng bansa. Sa keynote address ni Sec. Montejo, walong points ang kanyang ipinangakong tutuparin at isasakatuparan.
Una ay ang pag iibayo ng kakayahan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), magde develop ng makabagong tracking system na akma sa ating sitwasyon upang maging tiyak ang pagtaya ng panahon at hindi na maulit ang ilang pagkakamalidulot ng kawalan ng sapat na makinarya.
Ikalawa ay isasa ayos ang pagbabantay sa baha pati ang mga imprastraktura upang makontrol ang baha kung tatama ang bagyo. May kasalukuyang proyekto ngayon ang Department of Public Works and Highways na matagal ng nakatengga, ang CAMANAVA flood control project, isang levi na gawa sa kawayan at hanggang ngayon ay di matapos tapos, maaring makipagtulungan ang kagawaran upang tuluyan na itong matapos.
Bahagi ng talumpati ni Montejo ay ang pagdevelop ng mass transport system upang maibsan ang kakulangan ng sakayang pambayan at maiwasan ang grabeng pagsisikip sa mga makikitid na lansangan at mabawasan ang dami ng dumaraang sasakyan sa mga kalsada sa bansa. Sa ngayon ay apat lamang ang train systems na gumagana sa Kamaynilaan kabilang ang Light Rail Transit lines 1 (Balintawak to Baclaran) at 2 (Recto to santolan), Metro Rail Transit (North Avenue to taft) at Philippine National Railways (Tutuban to san Pedro).
Nabanggit din ng kalihim ang pag aaral upang mawakasan na ang mga karamdamang gaya ng Dengue at ang malnutrisyon sa bansa kaakibat ng pagtulong sa sector pangkalusugan. Sa bahagi ng enerhiya, mga bagong pag aaral kung paano makagawa ng lokal na mga wind mills at iba pang alternatibong pagkukunan ng enerhiya na akma sa lokal na setting at sa huli, imbes na umangkat ng mga counting machines gaya ng Precinct Count Optical Scanners ng Smartmatic, upang tayo na lang sa bansa ang mag manufacture ng sariling atin.
Pangunahin sa bagong kalihim ang “pilipino muna” teknolohiyang sa atin muna bago sa iba maaring hindi nito nabanggit kung paano eksaktong tutuparin ang kanyang mga balakin sa kagawaran sa loob ng kanyang termino ngunit may nakikitang pag asa ang lokal na manufacturing sa mga tinuran ng katatalaga pa lamang na kalihim ng agham at teknolohiya ng administrasyong Aquino.
Tags: Agham
Latest Articles
- Araw ng mga puso 17th Anniversary ng PhilHealth at 600 Nurse kailangan ng PhilHealth
- swedish at pinoy legislators nagsulong kontra corporal punishment at NCD’s dapat susugpuin ayon sa PCP
- Malaking pangamba dulot ng nawawalang kagamitan sa Mayon, sniper 420 feature (video) at Plantasyon ng Niyog, Imbakan ng CO2










