Agham
BALIK SCIENTIST, BIOETHANOL PROPONENT AT GEOCHEMISTRY EXPERT MALAKI ANG MAITUTULONG SA BAYAN
Posted on July 16th By abdul malik michael n balaguer
isang makabagong teknolohiyang pang extract ng bioethanol buhat sa asidong likha sa isang bahagi ng isaw ng kalabaw ang ipinakilala sa pamamagitan ng Balik Scientist Program (BSP) ng Industrial Technology Development Institute (ITDI) ng Department Of Science and Technology (DOST) na kasalukuyang sponsor ng Mariano Marcos State University (MMSU) sa Ilocos Norte.
Ang nasabing teknolohiya ay maaring makalikha ng bio ethanol buhat sa rumen fluid ng nasabing mga hayop sa pamamagitan ng pag extract ng sugar sa mga ito na siyang nililikha bilang ethanol. Sa pamamagitan ng pag aaral at pananaliksik ni Dr. Florello Abanes at pakikipagtulungan ng Philippine Carabao Center (PCC) at Central Luzon State University (CLSU) nagawa ang pilot test ng kanilang teknolohiya.
Sa kanilang pag aaral, ang 20% ethanol ay maaring makapagbigay ng maayos at magandang pagpapatakbo sa makina ng isang sasakyang gumagamit ng gasolina. Batay sa biofuels act of 2006, ngayon ang mga sasakyan ay tumatakbo na sa 10% ethanol na inihahalo sa gasoline ngunit sa teknolohiyang ito, ang 10% ay maaring umigi sa 20%.
Sa ngayon, ang pinagkukunan ng biofuel ay sugarcane, corn at jatropha, dahil ang cassava ay sinasabi nilang direktong nagkukumpitensya sa pagkain ang threat sa food security ng bansa, gayun din naman ang asukal at mais na karaniwan naman ding pamalit sa bigas sa ilang lugar sa kabisayaan.
Ayon kay Abanes, ang kanilang pangunahing layunin ay kilalanin ang bioethanol technology nila at ang commercialization nito ay susunod na lamang, hindi na rin halos mahalaga ang hindi pag katig ng malalaking oil players sa kanilang teknolohiya dahil may iba pa namang pinaggagamitan ng ethanol bukod sa additive sa gasoline. Ibinigay na halimbawa ay ang ginagawang mga pang init sa mga pagkain o food warmer, mga heater sa laboratoryo atbp.
Isa pang teknolohiya ay ang biomass production na makapag e extract ng bioethanol sa damo na hinahaluan ng carabao rumen upang mag accelerate ang decomposition at makalikha ng methane at sugar na ginagawang ethanol.
Patuloy pa ang pag aaral at pagsasaliksik sa teknolohiyang ito at ayon kay Dr. Abanes, kung magkakaroon ng sapat na pondo ang kanyang grupo ay maari pang mapag ibayo ang kanilang pag aaral at malaki ang maitutulong nito sa bansa sa larangan ng energy generation.
Ayon naman kay DOST Asec. Ma. Lourdes Orejola, sa ganang kanya, dapat ay madagdagan ang budget ng kanilang kagawaran particular ang programang Balik Scientist upang madala sa bansa ang mga henyo ng ating lahi na nagpapagal sa ibayong dagat at sa halip na sa atin maibahagi ang kanilang karunungan ay naibabahagi ito sa ibang nasyon.
Kaugnay nito, isang dalubhasa buhat sa Yale University na ngayon ay nasa University of the Philippines Diliman ang nagbahagi ng kanyang karunungan sa larangan ng Computational Geo Chemistry kung saan ngayon ay narito sa bansa bilang isa sa short term Balik Scientist.
Si Dr. Mihali A. Felipe ay isang expertong nagbabahagi ng kanyang kaalaman sa pagtaya ng mga bagay-bagay na malaki ang kinalaman sa komposisyon ng lupa, mga mahalagang mineral at katubigan. Isang dalubhasa sa water and rocks, si Felipe ay nagtrabaho bilang laboratory Manager sa Amerika bago inanyayahan sa balik Scientist program ng Department of Science and Technology.
May kinalaman sa matematika, ang area of expertise ni Felipe ay maaring makatugon sa suliranin sa sector pagmimina sa bansa na ayon sa ilang dalubhasa ay kulang sa pagsasaliksik bago simulan ang pagbayo ng mga kabundukan kaya ang nagiging resulta ay pagkasira ng kapaligiran.
Ayon kay Felipe, ang kanilang ginagawang pagsasaliksik ay sa larangan ng theoretical at computational lamang at ang aplikasyong praktikal ng mga ito ay kanilang hinahayaan lamang sa kanilang mga kaagapay sa pagsasaliksik o kung maari itong I-commercialized ay hindi na bahagi ng kanilang trabaho wala ng eksperimentasyong ginagawa sa bahagi nila.
Ang larangan ni Felipe ay lubhang kailangan sa mga bansang kagaya ng sa atin na ang pangunahing kailangan ay katiyakan sa pagmimina, ang mga pook kaya ng Mt. Diwalwal na bantog na gold mine ay kailangang matiyak ang kinaroroonan ng gintong miminahin upang hindi magsakripisyo ang kapaligiran.
Tags: balik aghamista, biofuels
Latest Articles
- DOST developed immersion freezer to help food industry, Reducing dependence on fossil fuels essential for sustainable progress in small island developing states, says UN Secretary-General and UNDP’s Himalayan Meltdown wins top prize at International Film Festival
- Firm that started work on corn hybrids pushes durable corn varieties, DOST’s First Tuklas Lunas Center and DOST Makibayan to raise the productivity of the metals industry
- SSS bares guidelines of P7-B educational loan facility, PhilMech to commercialize soon organic solution to banana crown rot and Stop the Hacking of Foreign Websites Frowned Upon by Government
- Kakayahan ng Kabikulan bilang “producer” ng niyog pinahusay ng pamahalaan, DOST installs new Doppler radar in Catanduanes and DOST’s MakiBayan program to raise PH productivity










