Agham
“Fruits of Love” – kuwento ng MEKENI Foods Corp; Media, malaki ang ginagampanang papel sa paghahatid ng tamang impormasyon Agham- Sec. Montejo ng DOST at Philippine Water 2050-34th ASM ng NAST
Posted on July 11th By mary jane olvina-balaguer (1st and 2nd story), michael n balaguer (last story)
(makikita sa larawan mula sa kaliwa na nakatayo sina Plant Operations Manager ng MEKENI Foods Corporation na si Diosdado “Doods” Garcia, ang manunulat na si Paul Icamina, ang Pangulo ng MEKENI Foods Corporation na si Prudencio “Pruds” Garcia, ang Foreign Correspondent na si Melo Acuna, ang Publisher 1 ng www.diaryongtagalog.com na si Michael N. Balaguer, si Edwin na kaibigan ni Melo Acuna, mula sa kaliwa na naka upo ang Broadcaster na si Susan Layos, ang manunulat na si Melody Aguiba, manunulat na si Estrella Z. Gallardo, Publisher 2 ng www.diaryongtagalog.com na si Mary Jane Olvina -Balaguer at ang Brodkaster na si Mely Tenorio. Kuha mula sa nakaraang plant visit sa award winning at de kalidad na processing plant.)
Porac, Pampanga- Ang wagas na pagmamahal ay nagbubunga ng makabuluhang kahihinatnan tulad ng pamilya Garcia ng Bgy. Balubad, Porac, Pampanga. Hindi hadlang ang kahirapan upang magtaguyod ng magandang pamilya. Sa pag iibigan nina Felix at Meding kapwa titser na nagbunga ng limang lalaki sina: Adrian, Pruds,Lito,Doods at Nards. Ang susumikap at ka babaan loob ng mag asawa guro na nagsimula sa paggawa ng chicharon at tocino upang matustusan ang panggailangan ng mga anak hanggang ito makatapos ng pag- aaral.
Gayundin ang puso maging responsible mamayan ng komunidad at makatulong sa kanilang kabarangay sa sinapit na kalamidad ng pagputok ng bulkan Pinatubo na marami man nawalan ng pag asa at nilisan ang bayan ng Porac kakaibang ang tatlong anak nina Tatang Felix at Imang Meding na umuwi ng Pilipinas ng iaahon ang moral at kabuhayan ng kanilang pamilya at mga kabarangay.
Inspirasyon ang storya ng Mekeni Food Corporation na centro ang paniniwala sa Panginoon sa kanilang pamilya upang maabot at ngayon world class quality meat processor na tatak pinoy. At magbukas ng pinto sa mga tao magkaroon ng trabaho ng may kababaang loob, patas at tapat na employer na makaDiyos.
Ang sekreto ng tagumpay ng magkakapatid na Garcia na walang inggitan,walang kompetesyon dahil sa kanilang nakamulatan ang close family tied at balot ng puso mapagmahal at mapanagutan. Kalidad na serbisyo na may kalidad na produkto na formula Pinoy tulad ng picnic hotdog, chicken tocino, chicken longganisa, beef tapa, bologna, ham, bacons, at ilulunsad ang kanilang garlic longganisa ang ilan sa patok sa panlasa at sa bulsa ng mga Filipino at ng mga ilang bansa tulad ng Dubai na umaabot ng Mekeni Foods. Umaabot sa 100 sa araw araw ang kanilang produksyon sa tulong ng Department of Science and Technology (DOST) sa packaging at label ng kanilang mga produkto.
“Our business is not tocino and hotdog but to encourage people to start business so they stand there children to school, We shall always be a God- centered, family –oriented organization that values humility,fairness and honesty” Ayon kay Prudencio S. Garcia, Presidente ng Mekeni Foos Corporation.
Ginawaran din top revenue district tax payer- corporate category cy 2007 na ginawad ng Bureau of Internal Revenue, District IV. Mayroon rin fabricated mixer machine na tinatangkiling ni Pres Pruds ang gawang Pinoy. Sa kanilang bagong bubuksan na mixer room. Para sa patuloy na lumalaking kumpanya sa 25,000 hektaya planta na may 1000 empleyado.
Simbolo rin ng pagmamahal sa bayan at pagiging makabayan sa pangalan Mekeni na salitang Kapampangan na nangangahulugan halika. 80 kms away sa Metro Manila ang first in the Philippines, First in Asia at 2nd sa buong mundo ang ISO 22000:2005 Certification sa Food Safety Management system (FSMS) na certified meat plant, GMP/HACCP o Hazard Analysis Critical Control Point, Grand slam winner consecutive year 2007 na best meat processing plant for “AAA” category. Nito lang February 2012 ay ginawaran ng Gold awards ng Century Quality Era International Awards sa Geneva Switzerland.
Bunga ng pagmamahal tulad sa liriko ng paburitong kanta ni Tatay Felix na seek in first in the vkingdom of God and his righteousness at walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang,tayong lahat ay may pananagutan sa isat isa. Ang maging responsible indibiwal at ngayon kinikilala sa buong mundo sa galing ng mga pinoy na nagsimula sa simple pangarap na may kaakibat na pagsusumikap, pagtitipid, disiplina upang marating ang rurok ng tagumpay.
(makikita sa larawan mula sa kaliwa sina USec. Carol Yorobe, USec. Fortunato Dela Pena, Secretary Mario G. Montejo at USec. Amelia Guevarra sa pulong balitaan sa SMX Pasay City kaugnay ng National Science and Technology Week)
SAMANTALA SA,
SMX, Pasay City- Mahalagang papel ang ginagampanan ng mga kagawad ng Media upang maayos na maihatid ang mga napapanahong impormasyong maka agham. Ito ang wika ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Mario G. Montejo sa pulong balitaang ginanap kamakalawa kaalinsabay ng pagbubukas ng National Science and Technology Week sa SMX lungsod ng Pasay.
Ang National Telecommunications Commission at National Computer Center, Information Communication Technology Office ay kasama na sa pamilya ng DOST. Bukod sa nasabing karagdagang ahensya, nakikiisa na rin ang mga mobile/telecommunications company sa pagbibigay ng mga weather forecast sa taumbayan.
“We will monitor changes, and where to prioritize, if it came from the media, mabigat ang defination ng problema, we look for guidance from the Media, You truly represent kung ano ang kailangan ng tao in the other ways kung paano makakatulong ang science sa publiko. We look at media as our partner” giit ni Sec Mario Montejo.
(nasa larawan si Secretary Rogelio L. Singson ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Annual Scientific Meeting ng NAST)
KAUGNAY NITO SA,
Luneta, Maynila- Kasabay halos ng pagbubukas kahapon ng National Science and Technology Week na ginanap sa SMX, Lungsod ng Pasay, ngayong Ika-11 ng Hulyo ay isinasagawa ang Ika-34th taon ng maka agham na pagpupulong ng mga miyembro ng National Academy of Science and Technology (NAST).
Nagbukas ang poster session at exhibits habang nanguna sa ribbon cutting sina Secretary Mario G. Montejo ng Department of Scxience and Technology, Dr. Emil Q. Javier na Pangulo ng National Academy of Science and Technology (NAST) at Secretary Rogelio L. Singson ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sa nasabing pagbubukas sinundan sina Montejo, Javier at Singson ni Atty. Joey Lina, Pangulo at Director ng Manila Hotel ng isang natatanging pag awit ng mga kantang “This is the moment at You never walk alone”.
Tungkol sa kalagayan ng tubig ang buod halos ng lahat ng mga nagbigay ng presentasyon at ng mga dalubhasang naging bahagi ng nasabing pagpupulong. Mga programa ng pagtitipid, nang suplay, suliranin at mga posibilidad, kalinisan at kung paano maibabahagi na maraming makikinabang at ang posibilidad na magamit na tugon sa suliranin pang enerhiya sa bansa.
Mungkahi na buhat sa ibat ibang dalubhasang naroon sa pulong, nakikita rin ang posibilidad ng Agos Dam sa Infanta at Laiban Dam sa Rizal upang gawan ng Hydro Electric plant na bukod sa makakatulong ng malaki sa water scarcity ngayon ay tunay na magiging solusyon sa pangmatagalang suliranin sa tubig kahit sa katotohanan ay napaliligiran ang bansa ng likas yamang ito.
Kung tubig ang tema sa unang araw ng pulong, kalagayan naman ng biodiversity ang tema sa ikalawang araw kung saan inaasahang tatalakayin ang mga isyung may kinalaman sa mayamang biodiversity ng bansa at ang kaugnayan nito sa sikmura ni Juan Dela Cruz.
(nasa larawan si Atty. Joey Lina President at Director ng Manila Hotel habang aawit ng dalawang bilang (this is the moment at you never walk alone) sa ASM ng NAST sa Manila Hotel)
Tags: media at nast, mekeni
Latest Articles
- Traditional Javanese Massage and Beauty Care narito na sa Pilipinas
- IT-BPM Road Map para sa taong 2012 hanggang 2016 inilunsad ng DOST-ICTO IBPAP; Next Wave Cities ng 2012 ipinakilala ng DOST-ICTO, IBPAP at DOST-IBM Supercomputer makapagpapalakas sa R&D capabilities ng bansa
- Maling Impormasyon Binigyan pansin “CREAMSILK COMMERCIAL ni Heart Evangelista”; Stem Cells Therapy Dapat at Epektibo nga ba? at Flagship New Zealand telecoms event set to break all records
- BulSU Technology-based University para sa Bulakenyo; DOST-SEI’s Geo-Marine Science Camp wows 59 students, teachers at Globe Telecom Stays Committed To Corporate Sustainability






