Agham
kalagayan ng HIV/AIDS ngayon sa bansa, nuclear energy makapagliligtas sa Pilipinas at SSS union holds 1st national convention (larawan lamang)
Posted on January 11th By michael balaguer, mary jane olvina at raffy rico
Isang nakakatakot na sintensya ang magkaroon ng sakit na walang gamutan o wala pang naiimbentong gamot para dito. Isa sa kinatatakutang sakit liban sa kanser ay ang pagkakaroon ng Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS) na nagsisimula sa isang impeksyon na tinatawag na nagsimula sa isang virus na kuntawagin ay Human Immune-deficiency Virus (HIV).
Sa paliwanag ni Edsel Maurice T. Salvana, MD, DTM&H, Assistant Director ng Institute of Molecular Biology and Biotechnology, National Institutes of Health ng University of the Philippines Manila at Adjunct Professor for Global Health ng University of Pittsburg sa Pennsylvania, USA. bagaman maraming infected ng HIV sa ibat ibang bahagi ng Asya gaya ng Thailand, dito sa atin ay nananatiling mababa ang may mga karamdamang ito.
Sa lingguhang health forum na ginaganap tuwing martes sa lungsod Quezon muling ipinahayag ni Dr. Salvana kasama ang ilang resource speakers at persons with HIV na nananatili pa ring mataas ang bilang ng nasabing karamdaman sa bahagi ng MHM sector o ang man having sex with man.
Ayon sa kanilang pag aaral at sa mga nagpapatest buhat sa sektor na ito, closely monitor nila ang bilang ng mga may sakit at wala habang ang mga heterosexuals naman ay wala silang matibay na datos. Bagaman ayon sa doktor ay mataas ang bilang ng mga may HIV sa homosexual males mas nauunawaan naman umano ng mga ito ang kahalagahan ng pagprotekta sa sarili at paggamit ng condom sa pakikipagtalik.
Dagdag pa niya ay marami nang napigilang kamatayan ang kanilang ipinamamahaging libre na Anti Retroviral Drug at napatunayan rin na epektibo ito, ang kaunting hinanakit lamang ni Salvana sa pag avail ng nasabing gamot partikular ng mga may karamdamang HIV positive ay ang nararanasang diskriminasyon ng pasyente na ayon sa kanya ay nararapat ng baguhin.
———————————————————————————————————————-
Ngayon nalalapit na ang pagtatapos ng taon, Maraming mga Pinoy ang nag aasam ng maganda buhay sa 2012 year of the dragon. Ano nga bang bukas ang naghihintay kay Juan Dela Cruz?
Mapalad ako sa pamamagitan ng isang kaibigan ay nakasalamuha ang isang organisasyon ang save the nation movement.
Sa pangunguna ni Mr. Butch Valdez na naglalayon ibahagi sa kapwa Pilipino ang ideya kung paano maisasalba ang atin bansa sa pamamagitan ng renewable energy. Dahil nakakalumo katotohanan na sa buong mundo ang Pilipinas ang may pinakamataas na nakokonsumo kuryente sa buong mundo.
Kung kaya isa ito sa mga dahilan ng pag aalinlangan ng mga investor na mamuhunan at magnegosyo sa Pilipinas. Paano nga ba natin makikita ang pagmamahal sa bayan?
Sino nga ba ang mga bagong bayani ng ating lahi na maiaangat ang kabuhayan ng mga susunod pang henerasyon. Ang inisiatibo na magmumula sa ating sarili.
Ayon kay Engr. Lemy Roxas “ kapag pinagana natin ang mga renewable sources ng enerhiya, garantisado ng malaki ang matitipid sa koryente at mananatili sa bansa ang 70% ng mga mechanical engineer natin na ngayon ay nasa ibayong dagat”
Ang renewable energy na cost efficient ay kinabibilangan ng,mura na isa sa mga posibleng solusyon na gaganda ang ating ekonomiya.
Ang Save the nation movement na binubuo ng mga sumusunod: Philippine Larouche Sociey, Atoms for Peace Philippines, Filipino Inventor Society, Philipppines Society of Mechanical Engineers, Institute of Integrated Electrical Engineers, Philippine Science Journalist Mega Manila Chapters.
Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito :Science driven infrastructure based massive food production program, implementaion of cheap and renewable energy at moratorium of foreign debts ay makakabangon na ang Pinas.
Maganda ehemplo nito ang bansang Argentina na first world class country ngayon na advance sa technology. Walang impossible kung magkakaisa at magiging bukas ang isipanb ng bawat mamayan ng atin bansa. Sa mga gusto bumisita at mas malawak na impormasyon sa www.savethenation.com.ph (mj balaguer)
———————————————————————————————————————-
Tags: aids/hiv, nuclear s4s
Latest Articles
- IT-BPM Road Map para sa taong 2012 hanggang 2016 inilunsad ng DOST-ICTO IBPAP; Next Wave Cities ng 2012 ipinakilala ng DOST-ICTO, IBPAP at DOST-IBM Supercomputer makapagpapalakas sa R&D capabilities ng bansa
- Maling Impormasyon Binigyan pansin “CREAMSILK COMMERCIAL ni Heart Evangelista”; Stem Cells Therapy Dapat at Epektibo nga ba? at Flagship New Zealand telecoms event set to break all records
- BulSU Technology-based University para sa Bulakenyo; DOST-SEI’s Geo-Marine Science Camp wows 59 students, teachers at Globe Telecom Stays Committed To Corporate Sustainability


