Agham

Langka FIESTA sa VSU Leyte, Rootcrop lalo ang Kamoteng-kahoy okay pang Biofuel, Buwayang Balak Ilagay sa Wildlife Tinututulan at video ng nakaraang PAGASA presscon

Posted on August 7th By mary jane olvina-balaguer


jackfruit fiesta2

Ipinagdiriwang ngayong Jackfruit FIESTA (Farms and Industry Encounters Through Science and Technology Agenda) sa VSU (Visayas State University) kasama ang Philippine Council for Agriculture, Aquatic and natural Resources Research and Development (PCAARRD-DOST) at Department of Agriculture.

Layunin nitong palakasin ang pagpapakilala sa nasabing prutas at ang mga benepisyo nito sa kalusugan ng tao. Ginanap nitong Agosto 6-7 2012 sa VSU Campus sa Baybay, Leyte.

Ang kauna unahang Regional Jackfruit Forum and Agribusiness Roadmap Development Workshop na ginanap kasabay ng nasabing aktibidad kasama ang mga dalubhasa sa akademya, industriya at Lgu ay may layuning itaasa ng kalidad ng inaaning langka sa bansa ngayon.

May inaasahang magiging malaking pakinabang ang mga magtatanim ng langka sa bansa ayon sa DOST-PCAARRD at ng DA at may maliwanag na hinaharap ang umuusbong na industriya ito sa export, particular ang mga tanim na maggagaling sa Region 8 o Eastern Visayas. (mj balaguer)

DSC07511

———————————————————————————————————————-

Cassava o kamoyteng-kahoy sa ating wika ang tinitignan ngayon ng mga dalubhasa sa ibayong dagat na isa sa mga promising plant na maaring gamitin pang Biofuel.

Matatandaang tinututulan ng ilang mga kritiko ang paggamit ng mga halamang kinakain gaya ng Tubo (sugar cane), Mais (corn), Cassava (kamoteng-kahot) sa paglikha ng Ethanol na nuon at ngayon ay ginagamit sa pagpapatakbo ng sasakyan bilang panggatong.

Magiging threat raw sa food security ng bansa ang paggamit ng nasabing mga halaman bilang biofuels contributors pero ayon sa batas ay nasama na nga ang mga ito.

Bunsod nito ay wala na ring magagawa ang ilang magtatanim dahil kung di naman sa biofuels ay numero unong ginagamit naman ang kamoteng-kahoy sa feeds sector, 80% porsyento nito at ang natitirang 20% ay sa pagkain na lamang bilang starch.

Ilan sa mga rootcrop na bantog at may promising future ay ang Ubi (yam), Kamote (sweet potato) bukod sa kamoteng-kahoy na ginagamit panghalo sa ice cream. May mga pag aaral na rin ang Food and Nutrition Research Institute (FNRI-DOST) at ang PCAARRD upang mapalakas ang rootcrop industry kabalikat ang Department of Agriculture sa pamamagitan ng Philippine Rootcrop Research Training Center. (mj balaguer)

———————————————————————————————————————-

Kamakailan ay ipinalabas ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na dahil sa record holder na pinakamalaking buwaya itong si “Lolong”, ilalagay na nila ang nasabing Guiness Record Holder sa Parks and Wildlife sa Quezon City para Makita ng maraming tao.

Tutol sa panukalang ito ang ilang mga magulang na nangangamba sa seguridad ng nasabing liwasan dahil sa alam na dinadayo ito ng mga bata.

Pangamba nilang maaring di makayanan ng seguridad ng nasabing pasilidad kung magwala ang buwaya at makapaminsala. Komento ng ilang mga magulang at mga nakapanayam ng pahayagang ito, para lang umano sa pagpapasikat ang ginagawa ng kagawaran ng kapaligiran upang sumikat sila at sumakay sa kasikatan ng nasabing buwaya na hindi inalam mabuti ang magiging buti o sama ng kanilang pinapanukala.

Bayat naman sa panayam ng isang taga DENR na nakapanayam rin ng pahayagang ito, di naman umano magdedesisyon ang kanilang ahensya na di pinag isipan maigi ang pro’s and cons ng nasabing pinapanukala, bahaging kinatigan naman ng ilang environmentalist.

Mali na nga umano na alisin sa natural habitat ang nasabing buwaya ngunit kung kung aayusin maigi ang seguridad ng nasabing buwaya kagaya ng kasalukuyang kulungan nito sa Mindanao, maaring maging kampante at panatag ang loob ng mga komokontra sa panukala. (mj balaguer)

———————————————————————————————————————

Makikita sa dalwang magkasunod na videos ang mga kaganapan sa pulong balitaang ginanap sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kung saan ipinaliwanag nina Department of Science and Technology (DOST) Secretary mario G. Montejo at PAGASA Administrator Nathaniel Servando ang dahilan sa pagkakaroon ng maiksing low pressure area o kung tawagin nila ay meso cyclone na tumama sa Kamaynilaan ng nakaraang Linggo.

Tags: langka fiesta, pagasa meso cyclong, rootcrops at vsu

Latest Articles