Agham
LBSCFI, PCAARRD, FPRDI at DOST4 pinangunahan ang NSTW sa Los Banos; Utak Negosyante, Kakulangang Sangkap Sa Komersyalisasyon ng Teknolohiya at Panunumpa ng mga bagong opisyales ng LBSCFI sabay sa pagdiriwang ng Syensaya 2012
Posted on July 19th By michael balaguer, mary jane olvina-balaguer
Sa kasalukyang pagdiriwang ng National Science and Technology Week 2012 na binuksan kamakailan sa SMX Pasay City, binuksan naman sa University of the Philippines sa Los Banos, lalawigan ng Laguna ang NSTW.
Nagbigay ng pangunang pananalita si Department of Science and Technology Assistant Secretary Ma. Lourdes P. Orijola bilang representante ni Secretary Mario G. Montejo.
Sa kanyang talumpati inihayag niya ang kahalagahan ng Los Banos Science Community sa pagpapalaganap at pagpapakilala ng malaking papel na ginagampanan ng agham at teknolohiya sa buhay ng Pilipino. Sa panayam ng pahayagang ito na makikita sa video binabanggit na isang mahalagang sangkap sa apat na science communities ng bansa ang Los Banos dahil sa mga mahalagang institusyong pang edukasyon at pagsasaliksik na nakatayo dito na di lamang nagsisilbi sa bansa kundi pati sa ibayong dagat partikular sa Timog Silangang Asya.
Ang mga nag organisa ng NSTW na may may temang “Syensaya 2012: Mas Masaya sa Syensaya” ay ang Los Banos Science Community Foundation Inc. (LBSCFI), Philippine Council for Agriculture, Aquatic and natural Resources Research and Development (PCAARRD), Forest Product Research and Development Institute (FPRDI) at Department of Science and Technology Southern Tagalog (DOST Region 4).
SAMANTALA,
Kaugnay rin ng NSTW sa Los Banos, isa ang International Rice Research Institute na naging bahagi ng pagdiriwang bilang isa sa mga multi nasyunal na institusyon ng pagsasaliksik na nagpapakadalubhasa sa bigas. Sila ang nagbibigay ng pangunang pagsasaliksik at pag aaral na kanila namang ipinapasa sa Philippine Rice Research Institute ng Department of Agrikulture sa aplikasyon nito sa bansa.
Ayon sa panayam ng pahayagang ito kay V. Bruce J. Tolentino, Deputy Director General for Communication and Partnership ng IRRI, ang kanilang ahenya bagamat pandaigdigan ay itinalagang magturo sa mga mananaliksik sa ibat ibang panig ng Asya upang mapanatili at maparami ang ibat ibang uri ng bigas na maipapakain sa daigdig. Makikita sa video ang panayam kay Tolentino sa kasagsagan ng pagpapalit ng opisyales ng Los Banos Science Community Foundation Inc. kung saan ang kanilang institusyon ay kabilang.
———————————————————————————————————————-
Isang kakatwang bagay ang katotohanang napakaraming Aghamista, Mananaliksik at Imbentor dito sa bansa ang may kahanga-hanga at magandang mga likha ngunit tila di naibabahagi sa karamihan o naibebenta dahilan sa kanilang kawalan ng kaalaman sa pagigiging negosyante o ang kakayahang ibenta ang kanilang produkto.
Ito ang humigit kumulang masasabi nating dahilan kung bakit ang karamihan ng mga produktong nasa pamilihan ngayon ay kung di buhat sa dayuhan ay hindi gawang Pilipino.
“Integrating technopreneurship in UPLB Academic Programs towards cultivating an entrepreneurial mindset” ayon sa pahayag ni Josephine M. Bo. Inisyatibo raw ito ng University of the Philippines Los Banos dahil nakikita nilang ang pagkakaroon ng tinatawag na entrepreneurial mindset ng mga dalubhasa ang kailangan o ang nawawalang sangkap, wika nga nila ay “missing Link” para mai liwat ang mga teknolohiya sa komersyal na pamilihan upang pagkakitaan ng may akda at hindi matengga na lamang pagkatapos na bunuin ng ilang taong pag aaral, pagsisikap at pagpupunyagi.
Napatunayan at nasubukan sa pag aaral ni dr. Dinah Pura T. Depositario, Associate Professor ng Department of Agribusiness Management ng College of Economics and Management.
Kanilang napatunayan na ang ang pagkakaroon ng edukasyong pang entreprenyur ay kailangan ng mga dalubhasa upang ang kanilang mga ginawang teknolohiya ay kanilang maayos na madala sa pamilihan at mai-commercialised.
———————————————————————————————————- ———-
Nilikha ang LBSCFI sa bisa ng Executive Order no. 784 ng Pangulo taong 1984. ito’y itinatag ng DOST na may layunin magbahagi ng kani-kanilang kaalaman at dalubhasa 23 miyembrong ahensiya na nakabase sa Los Banos.
Kasabay nito ngayon ang pagdiriwang ng National Science Technology Week (NSTW) batay naman sa Presidential Proclamation 2214 taon 1982 at na–ameyendahan bilang Republic Act 169 na magkaroon ng taunan selebrasyon tuwing ikatlong linggo ng Hulyo.
Pinamunuan ni Department of Science and Technology Assistant Secretary Maria Lourdes Orijola bilang kinatawan ni Secretary Mario G. Montejo ang oath taking ng incoming Los Banos Science Community Foundation Inc. (LBSCFI) nito Hulyo 18, 2012 sa unang tatlong araw ng pagbubukas ng Mas Masaya sa Syensya’12 sa Baker Hall, UP Los Banos, Laguna.
Naging Emcee si Ms. Christina Joy Mendoza ng Philippine High School for the Arts at sa pagkanta ng choirs na kanilang mag aaral, gayundin sa mga miyembro ng ibat-ibang ahensiya sa Los Banos Science Community na lalong pinagtibay.
Sa nakalipas na pamunuan ng LBSCFI na mula sa UPOU ang Pangulo, Pangalawang-Pangulo sa DOST 4, Kalihim sa PCAARRD, Treasurer sa SEARCA at mga board mula sa IRRI, LGU, ERDB, UPLBFI.
Ang bagong hanay ng panunungkulan ang presidente na mula sa UPLB , bise presidente sa IRRI, kalihim sa PCAARRD, ingat yaman sa SEARCA at mga board mula sa UPOU, DOST IV, ERDB, PhilRice, at FPRDI.
Habang kinapanayam ng Diaryong Tagalog si Dr. V. Bruce J. Tolentino Deputy Director General for Communication and Partnerships ng International rice research Institute (IRRI) kasama si Ramon A. Olivares bilang Executive Assistant. Bilang tugon sa food security ang IRRI at PhilRice bilang pundasyon ng at may agham na teknolohiya ang IRRI ang gumagawa ng basic research at ang PhilRice naman ang applied research.
Batay sa lathalaing ibinahagi ng PCAARRD na isinulat ni Butch S. Pagcaliwagan, naging epektibo ang rationalization plan nitong Hunyo 22, 2011 sa Executive Order no. 366 na maging kapakipakinabang ang pagbababa ng mga pag aaral at paglinang ng serbisyo ang pagsibol ng Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources research and Development (PCAARRD) ng DOST na nagbibigay ng siyensiya solusyon sa sektor agrikultura, likas na yaman lupa at tubig. Samantalang kamakailan nagdiwang ng unang anibersaryo sa temang “working towards greater productivity” ang binahagi ni Executive Director Patricio S. Faylon. Dahil sa pagsasama ng Philippine Council for Agriculture, Forestry and Natural Resources Research and Development
(PCARRD) and the Philippine Council for Aquatic and Marine research and Development (PCAMRD) na maging (PCAARRD).
“Hinihikayat din ang pag –gamit ng kawayan o bamboo sa intervention ng agham tulad ng wood recycling ang isa sa mga proyekto ng Forest Products Research and Development Institute (FPRDI) ng DOST” wika ni Ronelia O. Lalap Public Assistance Coordinator.
Ang banana peduncle fiber ay isa sa produkto ng biotechnology na magagamit sa paggawa ng bahay ang ibinahagi ni Lerma L. Moran ng National Institute of Molecular Biology ng UPLB.
Tags: los banos, NSTW LBSCFI
Latest Articles
- Traditional Javanese Massage and Beauty Care narito na sa Pilipinas
- IT-BPM Road Map para sa taong 2012 hanggang 2016 inilunsad ng DOST-ICTO IBPAP; Next Wave Cities ng 2012 ipinakilala ng DOST-ICTO, IBPAP at DOST-IBM Supercomputer makapagpapalakas sa R&D capabilities ng bansa
- Maling Impormasyon Binigyan pansin “CREAMSILK COMMERCIAL ni Heart Evangelista”; Stem Cells Therapy Dapat at Epektibo nga ba? at Flagship New Zealand telecoms event set to break all records
- BulSU Technology-based University para sa Bulakenyo; DOST-SEI’s Geo-Marine Science Camp wows 59 students, teachers at Globe Telecom Stays Committed To Corporate Sustainability

