Agham

malnutrisyon nakatakdang wakasan sa Antipolo, Sugpuin ang malnutrisyon!-FNRI-DOST at B-day ni Buddha, Araw ng mga Ina at anibersaryo ng Tzu Chi gaganapin sa Marikina

Posted on May 12th By michael balaguer, mj balaguer,


(makikita sa video ang panayam kay Cupang Baranggay Captain Jennifer Reyes sa araw ng feeding program na pinangunahan ng DOST-FNRI, Antipolo LGU at Alagad partylist sa isang pulong balitaan sa loob ng kanilang baranggay hall)

ginanap kahapon ng umaga ang isang aktibidad kung saan nakatakdang wakasan ang malnutrisyon sa bahagi ng lalawigan ng Rizal partikular sa lungsod ng Antipolo. Sa Baranggay Cupang inilunsad ang PINOY program ng Food and Nutrition Research Institute ng Department of Science and Technology, mga representante ng pamahalaang lungsod ng Antipolo, ang Chairman ng Baranggay Cupang pati ang mga partylist na Alagad at 1Sagip.

kabilang sa mga nagsidalo ay sina Dr. Mario V. Capanzana (Director ng FNRI), si Engr. Robert Dizon (ASec ng DOST), Dr. Antonio Reillo Jr. (Antipolo City Health Officer na nag representa kay Antipolo City Mayor Nilo Leyble), Hon. Jennifer A Reyes (kapitan ng Baranggay Cupang) konsehal Nonoy Penaranda ng Baranggay Cupang at ang representante ni Congressman Rodante Marcoleta ng Alagad Partylist.

bata-fnri

Ayon sa pag aaral ng FNRI, napakaraming malnourished na bata sa nasabing baranggay kaya doon nila ginawa ang kanilang feeding program. inaasahan naman nilang magtatagumpay ito sa kabila ng higit sa mas maraming malnourished ang nasabing baranggay sa kanilang inaasahan.

isa sa mga dahilan ng pagiging malnourished ng mga bata sa nasabing baranggay ay ang laki ng bilang ng populasyong walang hanapbuhay at umaasa lamang sa iisang kumikita sa kanilang pamilya. Tinutugunan naman umano ng pamahalaang lungsod at ng baranggay ang suliraning ito ngunit aminado rin silang di nila kayang gawin mag isa kaya malaking pasalamat nila sa mga kagawarang gaya ng DOST, DOH, DSWD at mga partylist na gaya ng Alagad sa pagtulong ng mga ito pero di naman umano isinasara ng baranggay ang kanilang pintuan sa pribadong sekto na maaring makatulong sa kanilang suliranin sa nutrisyon ng kanilang mga kabataan.

DSC06905

“Sugpuin ang malnutrisyon”

“It’s time to break this cycle through DOST’s Pinoy program” pahayag ni Sec. Mario Montejo.

“Malnourished kids are sickly, do not perform well in school, and have unhealthy worldview. When they grow up, they will become unproductive and raise malnourished families. The cycle will just keep repeating itself” dagdag pa ng kalihim.

Ayon sa pag aaral ng Food and Nutrition Research Institute ng Department of Science and Technology( FNRI-DOST) taon sa bawat 2 sa bawat 10 batang pilipino na  bagong panganak hanggang limang taon  ay kulang sa timbang kaya sila malnourished.

Bilang pagtugon sa problema ng malnutrisyon  sa pamamagitan taon kulang ng programang DOST PINOY o package for the improvement of nutrisyon of young children.Nagkaroon ng paglungsad sa Barangay Cupang Antipolo  Rizal kaagapay ang Alagad Partylist sa pagpapakain ng complementary food blends at snack curls sa 253 bata may edad 6 hanggang 35 na buwan sa loob ng apat na buwan ang nabiyayahan ng proyekto.

DSC06906

———————————————————————————————————————-

kaarawan ng Buddha, Araw ng mga Ina at ang anibersaryo ng Tzu Chi Philippines ang nakatakdang ganapin May 13 sa Marikina Sports Center kung saan dadaluhan ng ibat ibang mga panauhing nais maging bahagi ng nasabing napakalaking okasyon.

ilan sa mga magiging saksi, batay sa pulong balitaang ginanap kamakailan sa nasabing lungsod rin ay si Mayor Del De Guzman (Marikina Mayor) at ang mga taga Tzu Chi Foundation Philippines sa pangunguna ni Mr. Alfred Li.

DSC06852

isang mahalagang pook ang marikina na tila malapit sa puso ng Tzu Chi dahil nasa lugar na ito nakatayo ang kanilang recycling facility. nakilala ang nasabing organisasyong pang relihiyon dahil sa malawakan nitong adbokasiya sa pagreresiklo na kanilang ibinabalik bilang mga damit at kumot.

bantog rin ang grupo na nagkakaloob ng mga serbisyo sa mga nasunugan sa ibat ibang bahagi ng kamaynilaan, volunteer work kabalikat ang Department of Social Welfare and Development sa pagtulong sa mga nasalanta ng kalamidad.

DSC06854

sabi ni Mayor Del de Guzman, everything daw can be recycled kaya nga sabi ni mr. Alfred Li, target nila ngayon ay 10,000 recyclers na magsesegregate sa Marikina at San Mateo. Melting glass takes a lot of energy dagdag pa ng punong ehekutibo ng Marikina at may mga makukuha naman raw na trabaho sa recucling. ang Tzu Chi Earth savers ay magkakaroon ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng Marikina at San Mateo tungkol sa segregation. sa ngayon sabi ni Li, may 500 recyclers lamang sila pero mas nais nilang hasain ang moral values ng tao, kaugnay nito ay may ginagawa naman raw para sa kapakanan ng mga taong grasa at street children ang DSWD.

ilan sa mga nakahanay na aktibidad ng grupo ay ang paghuhugas ng paa, grand parents day habang ayon kay Mayor de Guzman, pinalalakas nila ang industriya ng sapatos sa pamamagitan ng pagbibigay ng insentibong pinansyal sa mga entreprenyur.

Tags: fnri-dost

Latest Articles