Agham

NOVARTIS BIOTECH SEMINAR GINANAP

Posted on July 16th By bugs bonay


Isang primyadong kumpanya ang nag organisa ng isang leadership seminar na patungkol sa biotechnology at ito ay ginanap sa isang bahagi ng asean institute of management nitong july 7 2010.

Ilang kilalang aghamista at mga dalubhasang may kinalaman sa biotech ang nagsidalo kabilang ang mga mamamahayag na nagkokober sa nasabing tema kabilang ang PSciJOURN MegaManila, Department Of Science and Technology at mga pulitikong gaya ni Senator Edgardo Angara na noon ay nagsilbing Kalihim ng Kagawaran ng Pagsasaka.

Ang Novartis Biotechnology Leadership Camp ay dinaluhan rin ni DOST Sec. Dr. Mario Montejo na ini representa ni DOST Usec. Fortunato dela Pena mga represenatante ng Intellectual property Office at Ms. Cristine Liwanag ng Novartis Healthcare Philippines.

Layunin ng nasabing seminar na ipaalam ang mga pagbabago sa larangan ng bioteknolohiya at ang mga silbi nito sa buhay ng kasalukuyang lipunang pilipino sa ibat ibang larangan di lamang sa agham, agrikultura, medisina at kapaligiran.

Mga mag aaral sa ibat ibang pamantasan ang ilan sa nagparami sa mga partisipante sa nasabing seminar.

Ilan pa sa mga nagsidalo ay si Dr. Jaime Montoya ng Philippine Council for Health Research and Development ng DOST, Dr. Francis Chung ng University of the Philippines College of Medicine Department of Biochemistry and Molecular Biology.

Inaasahang magiging positibo ang resulta ng nasabing seminar kung saan ang mga napagusapan at tinalakay ay maisasalin sa tunay na kalagayan ng biotecknolohiya sa bansa na hanggang sa kasalukuyan bagaman ay gamit na gamit na ay pinagdududahan pa ng ilan lalo yaong kaunti lamang ang impormasyong alam patungkol sa nasabing teknolohiya.

Tags: Agham, biotech

Latest Articles

  • banner
  • banner
  • banner
  • banner
  • banner
  • banner
  • banner
  • banner