Agham
PAGGUNITA, ANO ANG MGA NATUTUNANG ARAL? IKA 20 ANIBERSARYO NG JULY 16 1990 LINDOL GINUNITA SA PHIVOLCS
Posted on July 21st By michael balaguer
Sa temang “harnessing lessons towards an earthquake resilient nation”, ginunita sa tanggapan ng Philippine Institute of Vulcanology and Seismology sa pamamagitan ng isang symposium ang mga aral ng nakaraang paglindol na naganap sa bansa noong 1990.
Ang dalawang araw na aktibidad ay hinati sa mga pagtalakay na buhat sa ibat ibang dalubhasa sa larangan ng seismology na ang pangunahing layunin ay makakuha ng aral buhat sa mga kaganapang nagging bahagi ng malagim na kasaysayan ng lindol noong july 16.
Pinangunahan ni Dr. Renato Solidum, administrator ng Philippine Institute of Vulcanology and Seismology ang nasabing aktibidad na kaalinsabay na rin ay ang pag uulat sa mga nagawang pagbabago sa building code ng bansa pagkaraan ng malagim na trahedya. Kabahagi ang ilang mga dalubhasa sa Geophysics vulcanologists at ilang mga eksperto, tinalakay ang ilang mga napapanahong tema na tamang mag tulad sa mga kaganapan ng nakaraang pagyanig.
Ayon kay Dr. Solidum, mas naging maingat ngayon ang bansa pagkatapos ng july 16 quake dahil sa bagong building code, maaring hindi maging totally safe kung sa usapang walang mamamatay ngunit mas maigi umano ang monitoring ngayon dahil sa makabagong teknolohiya. Maaring hindi nga mai predict ang lindol dahil ito ay isa sa mga natural na kalamidad na di pa maaring mahulaan kung kailan darating ngunit ang teknolohiya upang masuykat ang lakas ng yanig ay mahalaga at mayroon nito ang ahensya.
Tags: Department of Science and Technology
Latest Articles
- DOST developed immersion freezer to help food industry, Reducing dependence on fossil fuels essential for sustainable progress in small island developing states, says UN Secretary-General and UNDP’s Himalayan Meltdown wins top prize at International Film Festival
- Firm that started work on corn hybrids pushes durable corn varieties, DOST’s First Tuklas Lunas Center and DOST Makibayan to raise the productivity of the metals industry
- SSS bares guidelines of P7-B educational loan facility, PhilMech to commercialize soon organic solution to banana crown rot and Stop the Hacking of Foreign Websites Frowned Upon by Government
- Kakayahan ng Kabikulan bilang “producer” ng niyog pinahusay ng pamahalaan, DOST installs new Doppler radar in Catanduanes and DOST’s MakiBayan program to raise PH productivity










