Agham
TATLONG SA SAMPUNG BAGONG DOPPLER RADAR FACILITY NG PAGASA ITATAYO NA
Posted on July 21st By michael balaguer
Bunsod ng kabi kabilang kapalpakan umano sa pagtaya ng panaho at kung paano, gaano karami at saan babagsak ang ulan o mararamdaman ang malakas at makabunot bahay na hangin ng humigit kumulang 20 bagyo taun taon, pinangunahan ng bagong kalihim ng DOST ang unang pagpupulong kasama ang JICA sa pagtatayo ng tatlo sa sampung Doppler radar stations ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration bilang bahagi ng patuloy na modernisasyon ng ahensya.
Kaagapay ang Japan International Cooperation Agency, ang nasabing tatlo sa binabalak na sampung Dopler Radar tations at ilalagay sa Aparri, Cagayan; Virac, Catanduanes at Guian sa Samar. Sa tulong ng nasabing mga radar ay maari ng eksaktong mai predict ang dami ng ulan, direksyon ng hangin at kung gaano kalakas ang magiging epekto nito sa tatamaang lugar, maari ding magamit ang mga datos buhat sa nasabing teknolohiya upang mabigyang babala ng tama ang ilang apektadong sector upang ang mga delubyong nangyari noon bunga ng natural na kalamidad ay di na maulit.
Nabatid na sa ibayong dagat ay gumagamit na ng mga ganitong teknolohiya at mas makabago pa ang ilan, sa bansa ngayon, panahon na ayon sa ilang dalubhasa na pag ibayuhin natin at gawing makabago ang ating pagtaya ng panahon bunsod ng mga nangyaring kalamidad na malimit tumama sa bansa. Nabatid rin na humigit kumulang dalawampung bagyo ang dumaraan sa ating bansa taun taon at dahilan lamang sa galling ng Pilipino sa pagtaya ng panahon bagaman may kakulangan sa kagamitan ay nagagawa nating I-predict ang magiging daanan ng bagyo magiging mas epektibo ang mga dalubhasa kung may kaagapay na mga makabago ring kagamitan.
Sa talumpati ng bagong kalihim ng Department of Science and Technology Mario Montejo sa pagdiriwang ng 2010 National Science and Technology Week sa manila Hotel, kanyang nabanggit na di tayo dapat dumipende sa mga kagamitang buhat sa ibayong dagat at maiging pag ibayuhin ang natural na kakayahan ng ating kagawaran ng agham upang bumuo at mapag ibayo ang teknolohiyang narito na ngunit kanyang pinagdiiinan na dapat na I-modernisa ang pagtaya ng panahon particular ang PAGASA.
Latest Articles
- Araw ng mga puso 17th Anniversary ng PhilHealth at 600 Nurse kailangan ng PhilHealth
- swedish at pinoy legislators nagsulong kontra corporal punishment at NCD’s dapat susugpuin ayon sa PCP
- Malaking pangamba dulot ng nawawalang kagamitan sa Mayon, sniper 420 feature (video) at Plantasyon ng Niyog, Imbakan ng CO2










