Agham
Wealth for Health Summit ng PhilHealth Financing Kalusugang Pangkalahatan; NEA Audit Compliant sa loob ng 5 magkakasunod na taon at BPO pinalakas sa Bulacan sa tulong ng DOST-ICTO
Posted on August 2nd By mary jane olvina-balaguer
Pinangunahan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang kauna unahang Wealth for Health Summit na may layuning bigyan ng financing ang kalusugang pangkalahatan sa bansa. Halaw sa mensaheng ipinahatid ni Department of Health Secretary Dr. Enrique T. Ona, isang maganda bagay ang kasalukuyang summit na ginaganap dahilan sa maisasakatuparan na ng administrasyong Aquino ang kanilang programa tungkol sa kalusugang pangkalahatan.
“Streamline the process of licensure of hospitals for philhealth accreditation” para maisakatuparan ang mga programa ng pamahalaan at makatulong sa mga pasyente ayon kay Secretary Ona. “mabawasan ang Maternal Child at infant Mortality sa bansa” upang makasunod sa Millennium Development Goal, dagdag pa ng kalihim at “ we will try our best to directly include the poorest of the poor to enroll in philhealth” para mabigyan ng kalusugang pangkalahatan ang pilipino.
Unang nagbigay ng kanyang pambungad na pananalita ang Executive Vice President at Chief Operating Officer ng PhilHealth na si Atty. Alexander A. Padilla kung saan kanyang sinabi na kailangan ang pagtutulungan ng pribadong sector at pamahalaan upang isulong ang mga programang pangkalusugan gaya ng philhealth upang mabiyayaan ang ating mga kababayan lalo ang mga mahihirap. Ipinakilala ni Mr. Carlito M. Realuyo, Pangulo at General Manager ng SANOFI si Sec. Ona.
Batay sa paliwanag ni Dr. Eduardo P. Banzon, President and Chief Executive Officer ng PhilHealth sa kanyang Philhealth Balanced Scorecard, Corporate Thrust for 2013 and Areas for Collaboration, nais nilang dumating ang panahon na io offer na ang no balance billing sa mga philhealth members sa mga pagamutan na pagdadalhan sa kanila.
Kaugnay nito, dumalo rin sa nasabing summit ang dating Bulacan Governor at Chairman ng Philippine International Trading Corporation na si Roberto Pagdanganan na ngayon ay Chairman ng Medicine Transparency Alliance at Presidente ng Rotary Club of Manila, kanyang sinabi sa www.diaryongtagalog.com na dapat na umanong mapaglapit ang mga kumpanya ng gamot at ang kagawaran ng kalusugan para sa kapakanan ng mamamayan.
Ayon naman kay Dr. Larry Cedro OIC Manager, Charity Clinic and Fund Allocation ng Philippine Charity Sweepstakes Office, gusto raw umano nilang maka access sa databank ng Philhealth para mas lubusang makatulong sa mamamayan. Mula class 4-6 municipalities ay libreng makakapag avail ng ambulansya at class 1-3 ay 40% share ng LGU sa pag a avail ng ambulansyang kanilang ibinibigay dagdag pa ni Cedro. Ang mga serbisyong ibinibigay ng national office ng PCSO ay kapareho ring naipagkakaloob sa mga regional offices nito kaya di na halos kailangang lumuwas pa ng maynila ang mga nangangailangang nasa kanayunan.
Pahayag naman ni Dr. Julius Lecciones, Executive Director ng Philippine Childrens Medical Center at Country Coordinator ng My Child Matters Philippines. May programa silang adopt a child with Leukemia at proposal niyang sana ay may sariling pondo ang Philihealth para sa mga bata na di na kailangang maging miyembro ang kanilang magulang.
Wika naman ni Rochelle Gamboa-Hilario, Marketing and Communications Manager ng Philex Mining Corporation, ang kanilang kumpanya ay matagal nang nag e enrol ng mga kawani nito sa philhealth at ang kanilang social development and management program na katumbas ng 1.5% ng total operation cost ang kanilang inilalaan sa pagtulong sa mamamayan lalo sa bahagi ng kalusugan at edukasyon sa mga lugar na mayroon silang minimina.
Sa pamamagitan ng G-Cash ipinatutupad ng Department of Social Welfare and Development ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o Conditional Cash Transfer Program kung saan ipinadadaan sa G-Cash ang ibinibigay na salapi ng gobyerno sa mga mahihirap na benepisyaryo. Naroon ang Globe Telecoms sa pangunguna ni Valadimir Manuel, Adviser, Corporate Strategy and Business Development at dumalo sila upang tingnan kung ano pa ang maitutulong ng kanilang kumpanya sa sektor kalusugan.
Kaalinsabay nito ay may programang Access Health International ang Ayala Foundation na naroon rin at nakibahagi sa pangunguna ng kanilang representante na si Ms. Mary Rose Rontal. Nakiisa rin si Dr. Carmencita Padilla ng PHG Pediatrics at Philippine Genome Center. Naging bahagi rin ng nasabing summit ang Executive Director ng Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines na si Reiner W. Gloor at Director na si Arthur T. Catli, MD
Isang grupo naman na binubuo ng mga mag aaral buhat sa Ateneo De manila University ang may layuning makapag enroll ng mga piling benepisyaryo sa Philhealth at ang kanilang mga nai enroll ay mga tricycle driver sa Bgy. Pansol Quezon City na kapitbahay lamang ng kanilang paaralan. Nakausap ng pahayagang ito si Ms. Danya Go tungkol sa Project Laan “fighting poverty through health.
Nagbigay rin ng kanilang presentasyon si Cynthia Magdaraog, Presidente ng philippine Society for Orphan Disorder. Ayon sa kanya, ang rare o Orphan disorder ay kundisyon na nakaa apekto sa 1 sa 20,000 indibidwal ito’y pang matagalan, maaring ikamatay, nagtu-tuloy tuloy na maaring maging isang kapansanan kayat kinakailangan ng dalubhasang pag aaruga.
Nagbigay rin ng presentasyon si Dr. Juan Antonio Perez III ng DOH tungkol sa 162 to 52 coalition may programang accelerating collective impact on maternal and child health batay sa kinakailangang MDG targets kung saan binuo ng dating Secretary of Health Dr. Jaime Galvez Tan. Kabalikat rin ang Philippine Business for Social Progress.
Makikita sa video ang Director ng Roots of Health kung saan ang kanilang pagtuturo ng reproductive health at pagtulong medikal ay nagsimula lamang sa tatlong mahihirap na baranggay sa lungsod ng Puerto Princesa sa Palawan. Nagbigay ng kanyang presentasyon sina Amina Evangelista Swanepoel, MIA, MPH Executive Director at nakapanayam naman ng pahayagang ito ang Deputy Director na si Susan Evangelista PHD.
Naging bahagi rin ng nasabing summit ang Alliance of Young Nurses Leaders and advocates international inc. na nagsususlong na di lahat ng nurses ay dapat nasa ospital bagkus ay maaring makapag negosyo o maging entreprenyur sa larangan ng kalusugan. Naroon sina Erickson R. Bernardo, RN chapter mayor ng Bulacan at si Jose Adrelin S. dela Cruz, RN chapter mayor ng Quezon City.
Pahayag naman ni Dr. Cecilia Montalban, Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases, Philippine Foundation for Vaccination na kailangan lahat ng health worker ay mabakunahan ngunit hindi ito natutupad.
———————————————————————————————————————-
Sa loob ng nakaraang limang taong magkakasunod, nanatiling Audit Compliant ang National Electrification Administration ayon sa Commission on Audit. Ang ahensyang nasa ilalim ng Department of Energy ay naatasang magpatupad ng pangkalahatang elektripikasyon sa buong bansa ay patuloy na tumatalima sa itinatadhana ng batas.
“NEA continually strives to live up to its avowed corporate values of absolute honesty, maximum efficiency and total solidarity to be a stable asset to the government. The COA opinion confirms that NEA’s best practices are aligned to good public governance. Together with our partner-electric cooperatives nationwide, NEA constantly finds ways to step up its level of public service.” Pahayag ni National Electrification Administration (NEA) Administrator Edita S. Bueno.
Bunga ng nasabing mga pagsisikap ay ang patuloy na pagsunod at pagsasa ayos ng mga inventory at pati ang mga komento ng COA upang patuloy na maisakatuparan ang mga gawaing elektipikasyon sa kanayunan na siyang inatas sa ahensya. Ang NEA ang kauna unahang government owned and controlled corporation na nag adopt ng Electronic New Government Accounting System (e-NGAS) na likha ng COA nitong March 2005, bunga nito ay ang pagpo proseso ng mga transaksyon ay napabilis, napa gaan at naging transparent.
———————————————————————————————————————-
Higit na pinalakas ang promosyon ng Business Process Outsourcing sa lalawigan sa pamamagitan ng Bulacan Information and Communication Technology (ICT) Council kabalikat ang Philippine National Police, Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry, Department of Public Works and Highways at Department of Science and Technology kamakailan.
ito’y bunsod sa naging pag uusap ng Bulacan LGU, DOST USec. Fortunato Dela Pena at Dating CICT Commissioner Monchito Ibrahim.
Inilatag din ng mga kasapi ng ICT Council ang kanilang planong magkaroon ng “The Next IT-BPO Explosion Destination: Bulacan AVP Competition” at ang kanilang mungkahi na magtayo ng tatlong palapag na gusali para sa IT. Gayundin, nilagdaan ang kasunduan para sa information technology and systems development sa pagitan ng Far Eastern University – East Asia College (FEU-EAC), Provincial Cooperative and Enterprise Development Office (PCEDO) at Liga ng mga Licensing Officers sa Bulacan, Inc. (LLOBI).
“The partnership with various industries and academe is part of our faculty and students’ knowledge and skill enhancement program thru learning application and somehow a corporate social responsibility of the university,” pahayag ni Rossana Adao, direktor para sa Information Technology Education Department ng FEU-EAC.
Tags: wealth for health
Latest Articles
- Law to provide better health research and quality service for Filipinos; Clean-up of post election garbage appealed and Solon warns the public from buying imported frozen meat
- BulSU Technology-based University para sa Bulakenyo; DOST-SEI’s Geo-Marine Science Camp wows 59 students, teachers at Globe Telecom Stays Committed To Corporate Sustainability
- Kailan ang Tugon kay PD Tonog?; Liberal Party President May Kinikilingan…


