Agrikultura
coffee festival sa benguet ngayong hulyo; NOVARTIS programa kontra malaria kabalikat ang Shell Foundation at accomplishment ng NEA maaring kasama sa SONA
Posted on July 20th By mary jane olvina-balaguer, michael balaguer
Si Benguet Province Governor Nestor Fongwan sa talumpati niya nitong nakaraang Coffee Festival na ginanap sa Benguet State University Campus sa bayan ng La Trinidad, kasama ng www.diaryongtagalog.com ang Philippine Council for Agriculture, Aquatic and natural Resources Research and Development (PCAARRD) ng Department of Science and Technology (DOST).
Coffee FIESTA kasama sa buong buwan ng Hulyo sa 25th Anniversary ng CAR
Ang 1st Farm and Industry Encounters through the Science and Technology Agenda (FIESTA) sa bouong Cordillera Administrative Region (CAR) ang banner project upang maging coffee industry ng Cordilleras. Kasabay din ng National Greening Program sa 2011 ang pagtatanim ng kape sa 548 hektarya. Ang pagtatanim na 4 na milyong kape. Tulad ng Arabica coffee na may mataas na preso at aroma na tumutubo sa mataas na lugar tulad ng Cordilleras at ilang mataas na lugar sa Visayas at Mindanao.
Kabilang sa mga nagbigay ng cultural presentation ay ang mga kabataang ibaloi galing sa School of Living Tradition. Sa tatlong malalaking probinsiya sa CAR ang Benguet, Mountain Province at Kalinga na may malaking produksyon ng kape kumpara sa Ifugao, Abra at Apayao. Mula sa Arabica Cofee dumadaan sa proseso ng pulping, fermenting, drying, moisture, measurement, hulling, sorting/grading bago maging green coffee bean. “Hindi lang in demand ang paggamit ng organic ito nasa batas o ang Republic Act 10068 as early of 2005. Kaya sa 30,000 hektarya lupa taniman ditto ang seedling ng kape ay sudsidies ng LGUs sa halagang walong piso kada isang piraso na sa original na halaga na 25-50 pesos.” Sabi ni Lolit Bentres,Provincial Agriculturist ng Benguet Province. “Apat na bilyon halaga ang nawawala sa Pilipinas taun taon sa pag I-import ng 40000 metric ton ng kape mula sa Vietnam at Indonesia. Dahil sa tinatayang 65000 metric ton konsumo sa isang taon na 25000 metric ton lamang ang produksyon kaya ito malaking oportunidad” sa presentasyon ni Pacita U. Juan, Co Chair Philippine Coffee Board. Minungkahi rin ni Juan ang The Benjamin Dimas School of Coffee na magturo sa bagong siyentista at mananaliksik na maging eksperto para sa susunod na henerasyon.
Ang pagtuturo sa mga unibersidad ng coffee basics, cupping at farming.”WE must join hands and have one goal, one regional brand, one story C.A.R coffees, The pride of northern Philippines” .”Tatlong barangay din sa La Trinidad ang organic coffee at kaisa sa coffee grower association” sabi ni Felicitas Ticbaen ,municipal Agriculturist, La Trinidad, Benguet. “ Dapat alam kung saan imarket ng farmer ang coffee, lahat nandito professional walang fermer,magsuccess kung may mga farmer” ang obserbasyon ni Fredelyn D. Benito, 3rd year college BS Agri Business student ng Benguet State University. ‘To ensure production of coffee beans na quality coffee, to set one of the best coffee around the world with strong S and T content initiate for making difference” ayon kay Lily Ann D. Lando, Director, Applied Communication Division ng PCAARRD. “We use coffee as erosion control, also use as source of income the commercial value of coffee to be a major souce of income, the best coffee blend, on the process of rehabilitation of small scale mining. It is good to plant coffee to rehabilitate” pahayag ni Nestor Fongwan , Governor ng Benguet. Sa buong Pilipinas may apat na uri ang kape ang Arabica, Robusta na pinagmamalaki ng Kalinga at ilang mababang lugar sa CAR, Excelsa at Liberica na maari talagang maging coffee industry ang buong bansa.
———————————————————————————————————————-
Pumasok na ang panahon ng tag ulan at pag dumarating ang panahong ito ay dumarami ang kaso ng mosquito born diseases na kabilang sa mga tinatawag ng duktor na NTD’s.
Kamakailan ay nanguna ang isang kumpanyang parmasyutikal kabalikat ang isang foundation upang kung hindi bahagya ay tuluyan nang mawakasan ang pananalasa ng ilang Neglected Tropical Disease sa bansa particular ang Malaria na di kawasang napakarami nang kababayan natin ang pinatay at patuloy na pinupuksa sa mga ngayon at nakaraang panahon.
Nanguna ang kumpanyang NOVARTIS kabalikat ang mga dalubhasa sa kalusugan, manggagamot at aghamista ng Shell Foundation upang lumikha ng mga programang naglalayong wakasan ang Malaria sa ibat-ibang bahagi ng bansa, panimula nila sa hilaga kung saan duon inilunsad.
Makikita sa mga video ang humigit kumulang pagkakasunod sunod ng mga pagpapaliwanag at pagtalakay sa ibat-ibang programa na naisakatuparan ng pagtutulungan ng nasabing dalwang malalaking organisasyon. Kabilang ang Malaria sa isa sa mga sakit na nakamamatay na lubhang kinatatakutan ng marami, di lang sa mga bansang tropical gaya ng Pilipinas kundi pati na rin sa temperate regions bagaman, tropical disease talaga ito.
Sinasabing nuong ikalawang digmaang pandaigdig bagaman di kumpirmado, mas marami pang napuksang sundalong nakikibaka ang nasabing sakit (malaria) kaysa mga tama ng punglo sa mga mandirigma ng ibat-ibang nasyon sa Europa at Asya, patunay na mabilis makapatay ng tao ang nasabing sakit na di naman maika kategorya bilang Virus o Bacteria bagkus ay isang uri ng parasitiko na humihimpil sa isang host organism upang magparami at kalaunan ay lamunin ang kanyang host.
Operation Kulambo, isa sa maraming programang inisyatibo ng grupo kabalikat ang mga Local Government Unit sa mga liblib na lokasyon ng bansa upang protektahan ang mga mamamayan sa sakit na Malaria. Ang mga kulambo ay treated ng insecticide at talagang ligtas gamitin ng mga mamamayan dangan lang umano ay maari din magkasakit ang mga ito kung di gagamitin ng maayos ang nasabing kulambo. Ipinakita ng isang dayuhang network kamakailan ang kalunos lunos na kalagayan ng ilang bansa na infested ng Malaria kung saan sa halip na gamitin ang kulambo sa tao ay ginagawa nila itong kulungan ng manok at kambing.
Ilan sa mga nag present ng kanilang power point presentation ay sina Dr. Antonio B. Bautista, Deputy Project Manager ng Pilipinas Shell Foundation Inc., Dr. Maria Teresa Dioko, Market Access and Pricing Manager ng NOVARTIS, mga kawani ng NOVARTIS at mga naimbitahang mamamahayag na kabilang sa nagko cover ng agham at teknolohiya.
———————————————————————————————————————-
Ang elektrisidad ay mahalaga at isa sa pangunaghing pangangailangan sa buhay. Kaya sa Pilipinas ay may Rural Rlectrification (RE) programa na 9.1 milyon bahayan at 47 milyon Filipino ang nabiyayahan sa loob ng 42 na taon.
Ang National Electrification Administration (NEA) na nagbibigay ng trchnical, institutional at financial (FIT) assistance sa 119 Electric Cooperative (EC) sa buong bansa. Sa kasalukuyang NEA Chairman Jose Rene D. Almendras, NEA Administrator Edita S. Bueno, mga board member na sina : Wilfred L. Billena, Joseph D. Khonghun, at Jose Victor E. Lobrigo.
Ilan sa mga EC ng NEA ay Ilocos Norte Electric Coop.Inc.(INEC),Ilocos Sur electric coop Inc. (ISECO), La Union Electric Coop Inc. (LUELCO), Batanes Electric Coop (BATANELCO), Cagayan I Electric Coop Inc (CAGELCO I), Benguet Electric Coop Inc (BENECO), Tarlac I Electric Coop Inc (TARELCO I), Tarlac II Electric Coop Inc (TARELCO II), Nueva Ecija II Area 2 Electric coop Inc (NEECO II-A2), Peninsul;a Electric Coop Inc (PENELCO), Pampanga I Electric Coop Inc (PELCO I), Pampanga Rural Electric Service Coop Inc (PRESCO), Batangas I Electric Coop Inc ( BATELEC I), Batangas II Electric Coop Inc (BATELEC II), Oriental Mindoro Electric Coop Inc (ORMECO), Tablas Island Electric Coop Inc (TIELCO), Iloilo I Electric Coop Inc (ILECO I), Iloilo II Electric Coop Inc (ILECO II), Antique Electric Coop Inc (ANTECO), Capiz Electric Coop Inc (CAPELCO), Central Negros Electric Coop Inc (CENECO), Negros Oriental I Electric Coop Inc (NORECO I), Bantayan Island Electric Coop Inc (BANELCO), Cebu I Electric Coop Inc (CEBECO I), Cebu II Electric Coop Inc (CEBECO II), Cebu III Electric Coop Inc (CEBECO III), Province of Siquijor Electric Coop Inc (PROSIELCO), Camotes Island Electric Coop Inc (CELCO), Bohol I Electric Coop Inc (BOHECO I), Bohol II Electric Coop Inc (BOHECO II), Leyte II Electric Coop Inc ( LEYECO II), Leyte IV Electric Coop Inc (LEYECO IV), Leyte V Electric Coop Inc (LEYECO V), Biliran Electric Coop Inc (BILECO), Samar II Electric Coop Inc (SAMELCO II), Zamboanga del Sur I Electric Coop Inc (ZAMSURECO I), Zamboanga del Sur II Electric Coop Inc ( ZAMSURECO II), Misamis Occidental II Electric Coop Inc (MOELCI II), Misamis Oriental I Rural Electric Service Coop Inc (MORESCO I), Misamis Oriental II Rural Electric Service Coop Inc (MORESCO II), Lanao del Norte Electric Coop Inc (LANECO), Davao del Norte Electric Coop Inc (DANECO), Davao del Sur Electric Coop Inc (DASURECO), Davao Oriental Electric Coop Inc (DORECO) South Cotabato I Electric I Electric Coop Inc (SOCOTECO I), South Cotabato II Electric Cooperative Inc (SOCOTECO II), Agusan del Norte Electric Coop Inc (ANECO), Agusan del Sur Electric Coop Inc (ASELCO), Siargao Electric Coop Inc (SIARELCO), Dinagat Island Electric Coop Inc ( DIELCO), Surigao del Sur II Electric Coop Inc (SURSECO II).
Sa slogan ng NEA “ Energizing the countryside, electrifying the future” sa Sitio Electripikation Project na isa si Manolyo Fajardo ng Acceleration Total Electrification Office ang nagbahagi ng accomplishment ng NEA.
“Maaring maibahagi ni President Aquino sa SONA ang accomplishment ng NEA dahil nito nakalipas na huling quarter ng 2011 sa 800 milyon nag quota ang Pangulo ng 1,410 na maseserbisyuhan ng kuryente lumagpas pa at umabot sa 1520 ang nagawa ng NEA” ayon kay Judith Alferez Department Manager,Public Affairs Office ng NEA.
Pero sa kasalukuyan isa sa problema ng NEA na ang pag- franchise sa Electric Cooperative ay sa NEA at simula 2003 ito nasa Kongreso na. Dagdag pa ni Alferez. Talagang nagpapalaganap ng elektripikasyon sa ating bansang Pilipinas.
Tags: coffe festival, gov fongwan, nea
Latest Articles
- Law to provide better health research and quality service for Filipinos; Clean-up of post election garbage appealed and Solon warns the public from buying imported frozen meat
- BulSU Technology-based University para sa Bulakenyo; DOST-SEI’s Geo-Marine Science Camp wows 59 students, teachers at Globe Telecom Stays Committed To Corporate Sustainability
- Kailan ang Tugon kay PD Tonog?; Liberal Party President May Kinikilingan…

