Agrikultura

DAR distributes 300 hectares of agricultural lands in Dinagat Island, Media, winalang kwenta ng isang biyahero ng kahoy at JEEP, BUMALIKTAD, 17 NASAKTAN

Posted on May 18th By dar pas, otonski leander


DAR distributes 300 hectares of agricultural lands in Dinagat Island

The Department of Agrarian Reform (DAR) recently distributed roughly 300 hectares of agricultural lands to 178 farmers in the municipality of Tubahon, Dinagat Island.

Provincial Agrarian Reform Officer Jamil Amatonding Jr. distributed to the farmer-beneficiaries the certificate of land ownership awards (CLOAs) covering the farmlands in Barangay Mabini.

He urged the farmer-beneficiaries to make their newly acquired farmlands productive even as he assured them of government’s help through various support services to enable them to become self-sufficient.

“The support services come in the form of infrastructure projects, agricultural seminars, and credit facilities among others. The government is there to provide you the means to make your new property become more productive,” Amatonding added.

Akbayan Partylist Representative Arlene Bag-ao along with Tubajon Mayor Romeo Vargas and Vice Mayor Simplicia Padrablanca attended the land distribution they described as vital in the government’s crusade against rural poverty.

Vargas advised the farmers to “take care of the lands you receive. You will not only be the ones benefitting from them, but your children and the children of your children as well.”

Amatonding reminded the farmers to pay their obligations and taxes religiously in order for the provincial government to better serve its constituents. He added that the DAR’s provincial office targets to distribute 500 hectares more for this year.

———————————————————————————————————————

BALER, Aurora – Minaliit at winalang kwenta ng isang biyahero ng kahoy ang propesyong pamamahayag ng komprontahin nito noong Lunes ang reporter ng GMA Network na si Ronald Leander habang nagkokober sa isang anti-illegal logging operation ng mga otoridad sa Brgy. San Jose, San Luis, Aurora.
Sa kwento ni Leander, kinompronta siya ng nagpakilalang Danny Gonzales ng Cabanatuan City ng hanapin niya ang may-ari ng ng libo-libong board feet ng mga kahoy habang ikinakarga sa trak.
“Galit na galit siya sa akin habang kumukuha ako ng video at picture, sino daw ba ako, wala daw kwenta ang ginagawa ko, ipahuli ko raw siya kung kaya ko,” kwento ni Leander .
“Kahit may malaking nakasulat na GMA yung suot kong damit, nagpakilala pa rin ako na reporter at sabi nya, walang media media sa akin, media ka lang, wala kayong kwenta, wala kang pakialam at karapatandito, DENR lang ang pwedeng makiaalam dito, sabi nung nagpakilalang Danny Gonzales,” patuloy ni Leander.
Sinabi pa ni Leander na sobra diumanong yabang at napaka-arogante ni Gonzales at ipinagmamalaki ang ENRO at CENRO ng Palanan, Isabela na sinasabing nagbigay ng papel sa ibinibiyahe nitong kahoy.
“Pano ka ba namang hindi mayayabangan e sabi nya, walang sinuman ang pwedeng humuli sa kanya dahil legal daw siya at ang sinuman na humuli sa kanya ay pasasakitin nya ang ulo,” dagdag ni Leander.
Nauna rito, nakatanggap ng mga sumbong sa pamamagitan ng mga text messages si Leander buhat sa mga concern citizen na may iluluwas na kahoy lulan ng isang trak noong Linggo ng hatinggabi na agad naman nitong ipinagbigay alam sa mga otoridad.
Sa pagtugaygay na isinagawa ng mga otoridad, nakita ang mga kahoy na nakatambak sa isang bakanteng lote malapit sa Brgy. Hall ng San Jose sa San Luis, Aurora.
Ikinadismaya ng mga kagawad ng San Luis Municipal Police Office at mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources ang kanilang nakita at nasambit pa ng isang pulis na rumesponde na “sobra naman kapal ng tumira nito” at saka nagimbestiga.
Sa imbestigasyon ng mga otoridad, galing pa ng Palanan, Isabela sakay ng isang bangka ang mga kahoy at dadalhin sa Cabanatuan City.
Matapos dumuong sa pantalan ng Baler, isinakay ang mga kahoy sa isang trak pero ibinababa rin pagdating sa San Luis dahil nagdalawang isip at natakot diumano ang may-ari at driver ng trak sa posibleng gusot na maaari nilang kaharapin ng malamang ikinokober ng media.
Sa pagbusisi ng mga tauhan ng DENR, napag-alaman na “Gmelina” ang naturang mga kahoy at pagmamay-ari ng isang Alberto Gonzales ng Palanan, Isabela at ibiniyahe lamang ni Danny Gonzales.
Matapos ang halos maghapong komprontasyon at pagsisiyasat na isinagawa ng mga otoridad, hinayaan na itong isakay sa ibang trak bagay na ipinagtaka at ikinadismaya ng mga taong nakakita sa mga kahoy.

———————————————————————————————————————-

MA. AURORA, Aurora – Sugatan ang 17 sakay ng isang XLT Jeep na kulay puti at dilaw na may plakang ZJL 843 ng bumaliktad ito noong Biyernes ng tanghali  habang binabagtas ang pabulusok na bahagi ng San Luis Aurora-Maria Aurora-Canili (SLAMAC) Road sa bahagi ng Brgy. Dianawan ng bayang ito.
Sa paunang imbestigasyon ng pulisya ng Ma. Aurora, galing ng San Jose City, Nueva Ecija ang sasakyan sakay ang 17 na magkakamag-anak kasama na ang driver na si Edgardo Martinez, 55 anyos na pawang mga residente ng naturang lungsod para sana dumalo sa kasal ng kanilang kamag-anak sa Baler, Aurora.
Nagbawas diumano ng kambyo (lowgear) ang driver ng dumating sa pababang bahagi ng naturang lansangan subalit nawalan ng preno at bumaliktad ang sasakyan dahil pinilit ng driver na iliko ito para hindi mahulog sa may 30 talampakang lalim ng bangin.
Agad isinugod ng mga residente at nagdaang mga motorista sa Aurora Memorial Hospital ang sugatang mga biktima subalit inilipat sa isang pagamutan malapit sa kanilang lugar.
Magugunita na sa lugar ding iyon nahulog ang isang Elf truck noong Disyembre 2009 na ikinasawi ng 10 tao at pagkasugat ng 17 iba pa na makikipagkasalan lamang sana sa isang kamag-anak sa Maria Aurora.
Oktubre ng kapareho ring taon ng mahulog naman ang isang gasoline tanker at tumapon lahat ang laman nitong 16,000 litro ng gasolina kung saan nasugatan at nabalian ng buto ang driver nito at sugatan rin ang dalawang nitong pahinante.
Noon lamang Setyembre 17, 2011, tatlo ang patay at anim ang sugatan ng mawalan ng preno at sumalpok sa bundok ang isang trak na puno ng mga itatanim na niyog sa So. Dimotol, Brgy.  Dianawan, ng naturang bayan na hindi lamang kalayuan sa lugar na kinahulugan ng jeep.
Ayon sa mga residente, marami pang sumunod at naunang mga aksidente ang nangyari sa pook na iyon kaya dapat na diumanong kumilos ang DPWH upang malimitahan kundi man mawala ang mga aksidenteng nagaganap sa naturang lugar.
Ayon naman kay District Engineer Elmer Dabbay ng DPWH-Aurora, hindi sila nagkulang ng mga warning signs sa lugar at dobleng pag-iingat lang ang dapat gawin ng mga motoristang dadaan sa naturang lansangan.
Pinayuhan rin ni Dabbay ang mga motorista na siguruhing nakakondisyon ang mga sasakyan kung dadaan sa SLAMAC road at huwag magkarga ng hihigit sa sampung tonelada upang makaraan sa Canili-Diayo dam ng National Irrigation Administration.

Tags: aurora, dinagat island

Latest Articles