Agrikultura
DAR, GK, TESDA, PGB Nagkaisa Para sa Kapakanan ng ARB; NAMRIA at NDRRMC mahalaga para sa Disaster Risk Reduction, Mitigation at Adaptation at 2 Delinquent Employer, wanted matapos hatulan quilty sa hindi pagreremit ng SSS contribusyon ng mga empleyado
Posted on September 10th By mary jane olvina-balaguer (with videos from michael n balaguer), michael n balaguer
Bunsod ng pagnanais na iangat ang kalagayan ng mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARB), nagkaroon ng kasunduan at paglalagda Memorandum of Understanding ang Department of Agrarian Reform (DAR) at Gawad Kalinga (GK) sa pakikipagtulungan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Provincial Government of Bulacan (PGB).
Matatagpuan sa Gawad Kalinga Enchanted Farm sa Bgy. Encanto, Angat, Bulacan matatagpuan ang lugar kung saan ginanap ang lagdaan. Layunin rin nitong itaas ang produksyon ng mga magsasaka sa pamamagitan ng pagtulong ng mga Social Entrepreur. Ginanap ang paglalagda nitong Sept 9 2012 sa nasabing lugar kung saan naglalayong palawakin ang mga marketing channels ng ibat-ibang commodities lalo na sa lalawigan ng Bulacan.
Kabilang sa mga naging bahagi sina DAR Sec. Virgilio Delos Reyes, Gawad kalinga Founder Tony Meloto, TESDA Director General Sec. Emmanuel Joel Villanueva at Bulacan Governor Wilhelmino M. Sy-Alvarado at iba pang mga bisitang dumalaw sa farm na ayon sa mga taga doon ay semi-organic ang production.
Palay, kape, gulay, tanglad, citronella, pandan, kamote at ube ang mga itinatanim sa lugar at target nilang tamnan ng palay ang 80 ektarya, 75 ektarya sa gulay at 100 ektarya pang kape. Ang ginawa nila sa Bulacan ay gagawin rin sa 2000 GK communities sa buong bansa.
Ang mga Social Entrepreneur ng GK buhat sa ibat ibang paaralan at kolehiyo ay magsisilbing Marketing Arm ng proyekto sa ang TESDA naman ang kanilang Technical Arm na magmimintina sa mga gamit panakaha na ipagkakaloob ng DAR, ayon sa pagpapaliwanang ni Sec. Delos Reyes sa video.
Ayon naman kay Meloto, sana sa pamamagitan ng kanilang mga programang ito ay dumating ang panahon na mai angat ng mga Pinoy ang kanilang buhay, mabawasan o lubusang mawala na ang kahirapan at ang mahalaga ay mailapit ang pamilihan sa prodyuser at alisin ang mga middle men upang lumaki ang kita ng magsasakang Pinoy.
Makikita sa video si NAMRIA Chief ISD Ms. Concepcion Bringas upang ipakilala ang kanilang ahnesya. Kanyang ipinakilala ang kanilang ibat-ibang produkto, serbisyo, digital at analog na mga mapa maging printed on paper o soft copy na maaring mabili sa kanilang mga tanggapan.
Sa ginaganap na Gender-Responsive Disaster Risk Reduction and Management Training para sa mga Media pagkatapos magkaroon ng bukas na talakayan tungkol sa gender-responsive DRRM, kasunod na ipinakilala ni Ms. Romina Marasigan, Hepe ng MPAT, OCD ang tungkol sa National Disaster Risk Reduction and Management Act. (NDRRM) Framework Plan.
Tinalakay rin niya ang paraan ng Information Dissemination Protocols during disaster operations, tungkol sa tanggapan ng Civil Defense, ang papel ng mga media sa DRRM at iba pa. Samantalang nagpresenta naman ng kanilang ahensya ang NAMRIA o ang National Mapping and Resource Information Authority, ang pambansang nangangasiwa sa pagmamapa sa buong bansa na nasa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pangunguna ni Ms. Conception Bringas, Hepe ng ISD NAMRIA habang si Benjamin Balais, hepe naman ng DMD NAMRIA ang nagpaliwanag tungkol sa Map Appreciation basics.
———————————————————————————————————————
Paglabag sa Social Security System (SSS) ang kinakaharap ng nawawalang may ari at direktor na si Venancio S. Bagtas ng St. Louis de Montfort School (SLMS) sa #69 Village IV Deparo Road, Caloocan CIty na umaabot na 120,405.60 sa quilty hindi pag remit ng contribution mula 2002 ng mga empleyado na umaabot 217,132.97 at 3% interes. Sa paghatol ng quilty verdict umaabot na 751,239.65 na penalties at unpaid contribution at 7 buwan pagkakakulong sa sala ni acting presiding judge Fernando T. Sagun Jr.
Samantalang pati punenarya ay hindi nakaligtas sa hindi pagreremit ng SSS ng mga empleyado ng Blessed Memorial Services Purok 2 Luzon ave. Certeza Compound Bgy. Culiat Quezon City na simula 2007 na 250 035 00 na umaabot sa 398 961.38 sa 3% sa sala ni Ma.Luisa C. Quijano- Padilla, presiding Judge.
Hindi rin nagiging matagumpay na masugpo ng SSS ang mga kawatan mga kumpanya dahil walang naglalakas loob na magreklamo ang pagbabahagi ni Atty Santiago Dionisio Agdeppa, legal council ng SSS. Sa kabila ng mga pagsisikap ng ahensyang tunay na makapaglingkod sa kanilang mga kawani ng pribadong sektor, di magawang makapag serbisyo ng SSS ng maayos dahil patuloy pa ring namamayagpag ang mga tiwaling kumpanya na di naghuhulog ng tamang kontribusyon gawa ng hangga’t maari ay ayaw nang kumibo ng mga biktima nila.
Patuloy pa rin naman ang imbestigasyon at pagsasampa ng kaso ng ahensya sa mga tiwaling kumpanya habang patuloy na nagseserbisyo sa pangkalahatang kawani ng pribadong sektor. Kaugnay nito, dahil ang atas sa Government Service Insurance System (GSIS) at SSS ay halos magkatulad liban sa ang isa ay sa pribado samantala ang isa ay sa publikong sektor, may mga balitang pag iisahin na lamang umano ang dalawang ahensyang ito, ngunit ayon mismo sa bibig ng Pangulo ng SSS, wala pa silang napag uusapan tungkol sa nasabing isyu maging ang ang sinasabing inihahandang panukalang batas o resolusyon sa mababang kapulungan ng kongreso ay wala pa namang linaw.
———————————————————————————————————————
-
Tags: gk-dar-tesda-pgb
Latest Articles
- Traditional Javanese Massage and Beauty Care narito na sa Pilipinas
- IT-BPM Road Map para sa taong 2012 hanggang 2016 inilunsad ng DOST-ICTO IBPAP; Next Wave Cities ng 2012 ipinakilala ng DOST-ICTO, IBPAP at DOST-IBM Supercomputer makapagpapalakas sa R&D capabilities ng bansa
- Maling Impormasyon Binigyan pansin “CREAMSILK COMMERCIAL ni Heart Evangelista”; Stem Cells Therapy Dapat at Epektibo nga ba? at Flagship New Zealand telecoms event set to break all records
- BulSU Technology-based University para sa Bulakenyo; DOST-SEI’s Geo-Marine Science Camp wows 59 students, teachers at Globe Telecom Stays Committed To Corporate Sustainability








