Agrikultura

Komperensya sa Agro-Turismo ng SEARCA, L’OREAL (banyagang kumpanyang pang kosmetiko) pinarangalan ang dalwang babaeng aghamista at FIESTA ng Kape sa Benguet kasama ng PCAARRD

Posted on July 5th By michael n. balaguer


DSC07113

Paraan kung paano makaka akit ng pag asenso ng bayan sa pamamagitan ng turismong pang agricultural. Ito humigit kumulang  ang tema ng pangunang pambansang komperensya tungkol sa pagsasaliksik tungkol sa turismong pang agricultural na nilahukan ng ibat ibang pamantasan sa bansa. Ginanap sa Unibersidad ng pilipinas sa Los Banos, Laguna partikular sa South East Asian center for graduate studies in Agriculture (SEARCA). Medical turismo sa ilalim ng agro turismo, maaring maging bahagi rin ng tatalakayan o babalangkasing mga programa ang tungkol sa herbal medicines gaya ng pinasimulan ng Pascual Laboratories sa Nueva Ecija bilang kanilang Corporate Social Responsibility.

Layunin ng nasabing komperensya ang makabuo ng mga pamantayan para sa agro turismo, kailangan nilang lumikha ng mga panuntunan upang makapag qualify sa pag asenso ng kanayunan sa pamamagitan ng turismo sa pang agricultural. Ilang malalaking farm na may mga elemento ng isang resort halimbawa ang pangunahing tinututukan ng Kagawaran ng Agrikultura at Kagawaran ng Turismo sa pagpo promote ng bansa upang makapasok sa kategoryang pang agro turismo, isang lumalaking sector na siyang pinagkukunan ng pagkakakitaan ng maraming bansa sa mundo lalo sa bahaging ito ng timog silangang Asya. Sa ibang bansa, bantog na ang nasabing sector, ilang mga farms ang nagtatanim ng karaniwang produkto gaya ng organikong mga gulay at mga hayop na di binigyan ng growth hormone o di binigyan ng mga sintetikong bitamina, mga gulay na pinatutubo gamit lamang ang organikong pataba buhat sa mga dumi ng hayop na pinagsama sama, mga nabubulok na basura at vermin compost o ang paggamit ng mga bulate upang lumikha ng pataba sa lupa. Dahilan sa bantog na nga ang paggamit ng organikong pestisidyo at herbisidyo, uso na rin di lamang sa mga mayayaman o may kaya ang paggamit ng mga produktong organiko sa agrikultura pangisdaan, paghahayupan at maging sa mga halamang gamot o herbal.

Layon ng nasabing kauna unahang komperensya na palakasin ang nasabing umuusbong na sector upang makadagdag sa promosyon ng bansa sa pandaigdigang pamilihan. Sa mundo ngayon, kapansin pansin na lahat ng bahaging maaring ipagmalaki ng nasabing mga nasyon ay kanilang ipinagbabando. Sa bansa natin, na maraming magagaling na manggagamot at pagamutan, ipinakilala ang turismo Medikal, kabilang na rito ang mga farm na nagtatanim ng mga halamang gamot. Sa dami ng mga dayuhang nagsisipag aral sa ibat- ibang pamantasan sa bansa mula Luzon hanggang Mindanao, amini man ng ating mga dalubhasa o hindi, bantog pa rin ang bansa sa larangan ng turismong pang Edukasyon. Inaasahan ng mga nagsidalong mga representante buhat sa ibat ibang pamantasan at ahensya ng pamahalaan na sa pamamagitan ng unang komperensyang ito ay tuluyan nang mapalalakas ang umuusbong na sector ng Agro-Turismo sa isang bansang gaya ng sa atin na pangunahin ay Agrikultural.

SAMANTALA,

DSC07194

Nagkaloob ng parangal sa dalwang natatanging aghamistang babae ang bantog na kumpanyang pang kosmetiko na nakabase sa bansang Pransya. Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng United Nations Education Scientific ang Cultural Organization (UNESCO) nuong 1998 at L’Oreal Foundation, ang isang sangay ng kilalang L’Oreal Cosmetics company upang kilalanin ang mga natatanging babae sa agham na kanilang tinaguriang For Women In Science (FWIS) sa mundo.

Sa bansa, nakipagtulungan ang UNESCO at L’Oreal sa Department of Science and Technology (DOST) simula nuong 2009 upang ipagmalaki ang mga nagawa at mga kontribusyon ng mga kababaihan sa larangan ng agham at teknolohiya. Sinabi nilang mahalaga ang agham at teknolohiya para sa pag unlad ng sangkatauhan at mahalaga rin ang kontribusyon ng kababaihan sa nasabing sector na ngayon ay unti unting dumarami at lumilikha ng ingay sa isang sector na kahit nuon pa man ay dominado na ng mga lalaki.

“ang FWIS ay isa sa mga matibay na programa ng L’Oreal sa daigdig ngayon dahilan sa pinahahalagahan nito ang pangunahing sangkap ng aming kumpanya, ang DNA (deoxyribosenucleic acid), ang agham at ang kababaihan. Sa pamamagitan ng aming programa, nakalikha kami ng pamayanan ng mga kababaihan na naitutulak ang agham  sa mas malayo na may mithiing gawing mas maiging mamalagi sa daigdig” ayon kay L’Oreal Philippines Managing Director Luc Olivier Marquet sa pagkaliwat na sa wikang Pilipino.

Pinarangalan sina Ms. Aletta T. Yniguez PhD. Nakatanggap ng FWIS National Fellowship Grant sa kanyang research proposal na may titulong ” Enhancing Robustness of Plankton models and monitoring system by understanding fine scale biophysical processes”. Layon nitong makatulong upang mabawasan ang mapaminsalang algal bloom sa ibat ibang bahagi ng bansa sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya ng kompyuter.

Si Dr. Yniguez ay may PhD sa Marine Biology at Fisheries sa Rosenstiel School of Marine and Atmospheric Science, University of Miami, Florida, sa Amerika at nagkamit rin ng Maytag Fellowship at ngayon ay kasalukuyang Assistant Professor sa Marine Science Institute sa Unibersidad ng Pilipinas. Habang ang isa pang ginawaran ng parangal ay si Ma. Cecilia G. Conaco Ph.D sa kanyang research proposal na may titulong “Dynamic Gene Regulation in Marine Sponges”. Layunin nitong kilalanin ang mga novel sponge genes at ang mga mekanismo nitong nagiging dahilan upang mamonitor at maka adapt sa kapaligiran. Si Dr. Conaco ay may PhD sa Molecular and Cellular Biology sa Stony Brook University sa New York, USA at nagkamit rin ng Excellence sa Neuroscience Research Award, Neuroscience Research Institute, UCSB.

Inanyayahan ng L’oreal Foundation, DOST at UNESCO ang mga kababaihang aghamista at mananaliksik na sumali at maging bahagi ng FWIS upang dumami ang mga kababaihang umaangat sa larangan ng pananaliksik sa agham at teknolohiya na maaring makatulong sa sangkatauhan. Nabatid na ang panimula ng L’Oreal ay payak mula sa kauna unahang sintetikong pangkulay ng buhok na lumago bilang isa sa nangungunang kumpanyang pang kosmetiko na nagpapaganda sa mga kababaihan sa mundo.

KAUGNAY NITO,

DSC07232

Isang kilalang produkto sa mundo ang kape. Sa kasamaang palad, iilang bansa lamang ang nagpo prodyus nito at di sapat ang suplay upang tumugon sa napakalaking demand ng mga taong adik sa kape. Isang masarap na inumin ang kape at sa bansa, mas maraming umiinom nito kaysa sa gatas at tsaa. Apat ang uri ng kape na tumutubo lamang sa ilang piling lugar sa daigdig. Sa mga uring Arabica, Robusta, Excelsia at Liberica o ang ating bantog na kaeng Barako, biniyayaan ng Diyos ang Pilipinas na ang lahat ng uring nabanggit ay tumutubo sa ating bansa at pinakikinabangan ng ating mga magsasaka.

Nitong nakaraang 5-6 ng Hulyo sa Benguet State University (BSU) ng la Trinidad sa Benguet, pinan gunahan ng Highlands Agriculture Resources Research and Development Consortium (HARRDEC), Philippine Council for Agriculture, Aquatic and natural Resources Research and Development (PCAARRD) ng Department of Science and Technology (DOST) ang Cordillera Coffee FIESTA o (Farms and Industry Encounters through the Science and Technology Agenda) na may layunin na pag isahin ang mga nagpo prodyus ng kape sa buong Cordillera Autonomous Region (CAR). Ayon sa pambungad na pananalita ni Dr. Lily Ann D. Lando ng Applied Communication Division ng PCAARRD na nagrepresenta sa kanilang executive Director na si Dr. Patricio Faylon, napakaraming nagpo prodyus ng kape sa Cordillera area sa Benguet na bantog sa Arabica Blend at Kalinga na Robusta Blend sa coffee fiesta, magkakaroon ng pagtutulungan ang mga magtatanim at iba pang sector upang palakasin ang industriya ng kape di lanmang sa CAR kundi pati na rin sa ibang bahagi ng bansa.

Nagpakita ng presentasyong pang cultural ang mga kabataan ng School of Living Traditions sa pagsayaw ng mga tradisyunal na pagsayaw ng Benguet at Klinga, pagpapakita ng paraan ng pagro roast ng kape buhat sa Benguet Organic Coffee Arabica Enterprises Limited (BOCAELI) at Sagada Arabica Coffee Council (SACC) nagbigay ng mensaheng inspirational si Dr. Virgilio Bautista co-chair ng RDC at representante ng pribadong sector,  Pacita C. Juan ng Philippine Coffee Board at Benguet Province Governor Nestor B. Fongwan. Isang coffee drinking nation na matatawag ang mga pilipino at sa lahat ng mga gawain sa bansa, maging pang bahay o pang negosyo, sa trabaho o libangan lamang, palaging may naihahaing kape. Di totoong nakaka nerbyos ang kape dahil ang active ingredient nitong caffeine ay makikita rin sa ibang inumin at di rin totoong hindi ito maaring ipainom sa sanggol dahil ilang mga mahihirap na ina na nagpapasuso ng anak ang nagpapainom ng kape bilang milk substitute gawa ng laki ng halaga ng infant formula at sa awa ng Diyos, may mga sanggol na sumuso ng kape na ngayon ay malusog at matagumpay.

Tags: l'oreal, searca at pcaarrd

Latest Articles