Agham

DI TAMANG PAG GAMIT NG ANTIBIOTICS, PINAGMUMULAN NG MRSA

Posted on August 23rd By abdul malik michael balaguer (pscijourn megamanila)


Ang hindi tamang pag gamit ng mga antibiotics ang isa sa sinasabing dahilan kung bakit matagal ng present sa ating mga pinoy ang mga baktiryang staphylococcus aureaus at acinetobacter baumannii na bukod sa maari itong maging virolent o nakamamatay sa kabila ng sa unang tingin ay tila karaniwan lamang itong mikrobyo.

Konting kibo’t o kaunting sakit lamang ay iniinda na nating mga pinoy at sa paggawa natin nito ay patuloy tayong gumagamit ng mga antibayotiko. Ayon sa mga doctor, dapat kapag ang prescripsyon ay may ispesipikong panahon hindi ito dapat tinitigilan sa pag gamit hanggang sa panahong tama na wag kukulang o huwag lalabis ngunit, minsan kapag gumagaan na ang pakiramdam ng pasyente, kahit sa kalagitnaan ng gamutan ay tumitigil ang mga ito. Ganyan umano ang nangyayari sa treatment ng tuberculosis sa bansa.

Sa regular na health forum na ginaganap nitong Aug 18 2010 sa lungsod Quezon sa pinangungunahan ni Atty. Joey Hisamoto at ng Philippine College of Physicians kanilang naging panauhin si Dr. Edsel Maurice Salvana, Research Faculty ng National Institute of Health at Associate Professor ng Section of Infectious Disease, University of the Philippines Manila- Philippine General Hospital at kanyang tinalakay ang patungkol sa nasabing topic.

Ayon sa kanyang pagpapaliwanag na may temang “Battling the Bugs. Superbugs” pag tinuran ang sinasabing superbugs, halos pitong ibat ibang baktirya ang maaring matukoy ngunit sa kalagayan sa bansa ngayon, dalawa hanggang apat lamang ang kanyang tinukoy.

Nabanggit ni Salvana na matagal nang narito sa atin ang nasabing mga “bad Bugs” ang staphylococcus aureaus at acinetobacter baumannii, ang karamihang konsentrasyon ng mga baktiryang ito ay nasa ating mga pagamutan. Matatagpuan rin ito sa labas ng ating mga pagamutan, pampubliko man o pampribado, nasa loob rin ng ating mga kabahayan, pampubliko at pampribadong mga sasakyan, sa lansangan at halos kahit sang lugar.

Napalala pa ito ng talamak na polyusyon sa ating paligid na umabot sa puntong hindi na halos natin matukoy ang laki ng kanilang gagawin at ginagawang pinsala sa ating katawan. Sa ibayong dagat, may mga teknolohiya sila sa medisina na ginagawang matukoy ang pinsala ng mga ito sa tao na nagdudulot nga ng pagkamatay kapwa sa mga nakababata o may edad.

Ang Methicillin Resistant Staphylococcus Aureaus (MRSA) ay ang pangunahing nagiging dahilan ng  mga impeksyon sa ospital sa buong daigdig at dumami sa bansang United States of America noong 1994. tumaas din ang bilang nito na nagkaroon ng kaugnayan sa ibat ibang outbreaks sa nasabing bansa kabilang ang mga nasa piitan, mga bakla, mga nasa military ang ngayon ay pati  mga atleta.

Ang mas malalang impeksyon gaya ng Cellulites, deep seated abscesses, septic arthritis, pneumonia at sepsis ay nakukuha kahit malusog ang isang tao, ang mga taong may kumplikadong kundisyong medical gaya ng Diabetes, HIV, chronic skin condition, indwelling catheter, sugat na likha ng pagka opera at decubitus ulcers ay may mas mataas na pangambang ng malalang impeksyon ng MRSA.

Ang tinatawag namang free living Acinetobacter ay makikita sa lahat ng mga bagay, maging sa lupa at tubig. Maari itong maalis sa ilang mga bagay ngunit maari din maka survive ng maraming araw sa loob at labas ng katawan ng tao o bagay. Ang acinetobacter ay lumalabas ngayon na pinakamahalagang multiresistant pathogen maging sa Europa o sa America. May mg ulat ng pagtaas ng outbreaks ng impeksyon kaugnay ng mga strains ng Acinetobacter particular ang mga pasyenteng naisugod sa ICU, ang nasabing mga outbreak ay mahirap makontrol na karaniwang resulta ng multidrug strains.

Sa huli, ipinanawagan na ugaliing maghugas ng kamay at iwasang ilapit ang maruming mga kamay sa gawi ng ilong dahil ayon sa mga eksperto, ito ang karaniwang pinapasukan ng mga superbugs.

Latest Articles

  • banner
  • banner
  • banner
  • banner
  • banner
  • banner
  • banner
  • banner