Balita
Kabibe Likhang-sining (Shell Craft) Flagship Program ng NIPSC (with Video interview); Archaeological findings sa Gigantes Island yaman ng Pilipinas (with video Interview) at Maraming Isla sa Pilipinas Mas Maganda pa sa Boracay.
Posted on September 14th By michael n balaguer
Nasa video ang panayam kay Prof. Lani Davasol, tumatayong Production Manager ng Island Based Marine Waste Materials Utilization for Women’s Livelihood at ni Dr. Romy A. Billones, ang Local Project Officer ng Island Based Marine Waste Materials Utilization for Women’s Livelihood.
Pinag usapan sa panayam ang tungkol sa kanilang proyekto kung saan ayon sa dalwa ay napakarami ng kanilang raw materials na matatagpuan sa Gigantes Island, itinuturing na waste material na ang mga ito na makikita sa mga larawan ngunit dahil sa creativity ng kanilang designer ay nabibigyang buhay ang nasabing mga crustaessian remains na nagsilbing likhang sining na ay nakatutulong pa ng bahagya upang maibsan ang kahirapan ng buhay sa pulo.
Kabilang sa bahagi ng pagdiriwang ng Ika-29 pagkakatatag ng NIPSC ipinakita nila sa www.diaryongtagalog.com ang isa sa kanilang flagship program na may layuning tulungan ang mga kababaihang asawa ng mga mangingisda particular sa Gigantes Island na sakop ng munisipyo ng Carles, Iloilo.
Sa ginawang Resource Familiarization Tour at Circuit Investment Pitching ng Iloilo Provincial Investment promotion Board at Northern Iloilo Conventions and Visitor’s Bureau di lamang nila ipinasyal ang mga would-be investor sa industriya ng turismo kundi kanila ring ipinakita ang mga tourist spots sa lalawigan na maaring ipantay sa mga magagandang lugar ng ibang probinsya at ang kanilang pinapuntahan ay ang mga isla ng Gigantes sa bayan ng Carles kung saan mismong si Mayor Arnold Betita pa ang nag Brief sa mga grupo ng mga bagay-bagay tungkol sa mga isla.
Ibat-ibang tanawin ang makikita sa ilang pulo ng Gigantes gaya ng Sicogon na ayon sa tour Guide na si Mario Lazarito ay una pang nakilala kaysa Boracay kung saan sa lugar raw na iyon nag Shoot ang pelikula ni Gloria Diaz na “Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa”.
Sumasailalim naman ngayon ang nasabing pulo sa rehabilitation upang ang dati nitong ganda ay muling makilala ng mga turista ayon sa may-ari nitong Sicogon Development Corporation sa pangunguna ni Gere Sarroza (Makikita sa larawan).
Malaking bagay ang maitutulong ng akademya lalo ang Northern Iloilo Polytechnic State College sa pangunguna ni DR. Joel Limson sa development ng Bgy. Asluman dahil dun matatagpuan ang mga supply nila ng kabibe na ginagamit sa kanilang shell craft, may naitayo rin silang mobile school sa nasabing isla.
Sa panayam kay Prof. Shiela May Cantara, taga NIPSC na nagsilbing isa sa mga tour guide ng provincial government na sumama sa mga would-be investor na pagpasyal sa mga pulo kung saan ipinakita rin ang mga nuon ay sinasabing waste buhat sa scallop. Makikita sa video na kanyang ipinakikita ang extent ng dami ng supply na maaring magamit sa paggawa ng mga decorative materials na kanilang display sa main campus ng NIPSC sa Estancia.
Ayon naman kay Prof. Lani A. Davasol, iilan lamang ang kanilang mga artisans na gumagawa at hindi pa trained ang mga ito. Humigit-kumulang 35 kababaihan pati mga mag aaral ng NIPSC ang pangunang benepisyaryo ngunit aminado si Devasol na kulang ang mga gagawa ng shell craft sakaling dumami nga ang demand.
Samantalang nakausap ng www.diaryongtagalog.com si Dir. Wilhem Malones, ng Department of Trade and industry Region 6 upang solusyunan ang suliranin ng GIWAD (Gigantes Island Women Association for Development) tungkol sa patent at trademarking ng kanilang mga disenyo upang di makopya ng mga intsik.
Samantala, sinasabing ang kayamanan ng isang bansa ay maaring masukat sa kanyang pagka alala sa nakaraan o ang pag appreciate sa kasaysayan. Sa Isla ng Gigantes, isang pride ng Pinoy ang makikita bagaman tila ipinagkikibit balikat ng ilan. Ito ang mga pambansang kayamanan ng nasabing pulo na bahagi ng bayan ng Carles sa Iloilo. Mga maliliit na banga o clay jars buhat pa nuong 4 bc ayon sa taya ng isinagawang carbon dating process sa mga ito pati sa nahukay na ataul.
Ang ataul ay may kasamang bangkay, bungo ng tao at mga buto na ayon kay Joel Decano isang tourism officer ng Carles ay brittle na raw o marupok kaya di na nakuhanan ng larawan (makikita ang mga larawan).
Sinasabi ring nagsilbing tanggulan ng mga tropang hapones nuong Ikalawang digmaang pandaigdig ang mga isla kaya ilang mga artifacts na may kinalaman sa giyera ang maari pang makita duon ayon kay NIPSC President Dr. Joel Limson.
Dahil sa eco-tourism ang tila batayang programa ng pamahalaang probinsyal ng Iloilo, inaasahang magiging eco-tourism destination sa mga susunod na panahon ang Gigantes Islands na isang natural wonder batay sa assessment ng mga nakakita na bisita buhat sa inter agency group na inimbita ng kapitolyo.
Sinasabing ang ibang artifacts na nakuha minsang magkaroon ng hiwa hiwalay na archaeological diggings ang ilang amateur archaeologist sa lugar ay inilagak nila sa isang museo sa bayan ng Carles at ang iba ay nasa pambansang museo sa Maynila.
Tunay na isang yaman ng ating lahing Pilipino ang mga kaparehong archaeological sites na dapat ay pangalagaan. Wika nga ng isang academician, ang tunay na saysay ng pagiging isang lahi ay kung alam ng mga ito kung saan sila nagmula.
Maaring magbukas ng pinto upang malaman ng mga Ilonggo kung saan sila nanggaling kung maayos lang na masusuri ang nasabing site ayon kay Dr. Limson.
Maraming nangyaring mahalaga sa kasaysayan nang mga nakaraang panahon na nagpabago sa kasaysayan gaya ng pagkahukay ng Balanghay sa maputik na marshland ng Masaw, Butuan nagsasabing di totoong nagiskubre ng mga espanyol ang Pilipinas sa Limasawa dahil inconsistent ang datos ng mga dalubhasa tungkol sa nasabing teyorya ngunit nabago ang lahat sa pagkahukay ng balanghay.
Ang balanghay ang sinaunang sasakyang pandagat ng ating mga ninuno nuong bumiyahe ang labing-isang datu ng Borneo patungo sa mga isla ng bansa dala ang kanilang mga pamilya, kaya nga ang pinakamaliit na yunit ng pamahalaan ay may pangalang halaw sa balanghay (ang barangay) na kinapapalooban ng isandaang pamilya, halos ganoon din umano ang bilang ng ating mga ninuno nang una silang mandayuhan buhat sa malayong dako ng Borneo.
Isang krus na yari sa lupa na minsan nakuha sa dalampasigan ng Carles ang sinasabing nakakagaling o nakagagamot ang tubig na nagmumula rito. Ayon kay Alvin Abrece ng NIPSC, nakalagak ang nasabing artifact ngayon sa isang simbahan sa Punta Carles na sinasabing milagroso at dinarayo ng mga nais magpagamot, kaugnay nito ay tila sinasapian ang nagma may-ari ng nasabing krus at nakapagsasalita ng ibang wika habang nagmi misa bago manggamot at sinasabing marami na umanong napagaling.
Pinaiigting naman ng Provincial Planning and Development ng Lalawigan ng Iloilo sa Pangunguna ni Mr. Mario Nillos ang tungkol sa pagde develop ng Northern Iloilo for Eco-tourism purposes, kabilang ang mga bayan ng Balasan, Carles at Estancia sa mga minamatahan nilang lugar na maaring mapag invest ng mga resorts at restaurants para sa lokal at dayuhang turista at maging venue ng ibat-ibang aktibidad na makapagbibigay ng kabuhayan sa mga mamamayan.
Kaugnay nito, turismo ang sinasabing isang income generator para sa mga Local Government Unit na talagang may malaking pagkakakataon upang mabigyan ng kabuhayan ang mga mamamayan. Simple at kayang-kaya ng kahit sinong LGU ang mga kaparaanan upang mag excel ang kanilang bayan bilang tourist spot.
Isang malinis na lugar pasyalan o alin mang magandang bahagi ng isang bayan na maaring ipagmalaki sa lokal o dayuhang bisita. Sa bansa isang lugar sa Aklan ang bantog sa buong daigdig dahil sa pino at kulay puti nitong buhangi sa baybaying dagat.
Taun-taon ay dinarayo ito ng ibat-ibang turista sa buhat sa buong mundo pati mga lokal na turista at nagsisilbi rin itong venue ng ibat-ibang pandaigdigang event, conferences, seminars at sa sobrang bantog nito inakala ng ilang dayuhang turista na hindi ito bahagi ng Pilipinas.
Di alam ng marami na maraming lugar sa bansa ang gaya ng Boracay ay may pauting buhangin rin, virgin ang kapaligiran, kaaya-aya ang simoy ng hangin at di siksikan o congested, komersyalisado at halos depleted na ang natural na kapaligiran.
Sa Iloilo lang ay matatagpuan ang mga isla ng Gigantes, ang Tangke at iba pang isla na bahagi ng bayan ng Carles sa Iloilo.
Mystical, Therapeutic at iba pang pagtutulad ang katwiran ng sinuman na nakabisita na sa nasabing mga pulo ayon sa mga tourist guide na nakasama ng www.diaryongtagalog.com nang bumisita sa nasabing mga serye ng pulo sa nakaraang island hopping na nuong una ay bahagi lamang ng tour buhat sa NIPSC upang makita ang kanilang Mobile School.
Ilang beach din sa Luzon gaya nang sa Zambales at hilagang bahagi ng isla ang may kaparehong white sand ngunit ang nagiging problema raw ay di gaanong nade develop o poorly managed kaya di nagiging kasing bantog ng Boracay ngunit kakatwang mas alam pa ng dayuhan ang marami sa ating mga tourist spots kaysa sa ating Pinoy, ito ang layunin sa rehabilitation ng Sicogon Island at ang masigasig na promotion at information dissemination campaign ng lalawigan ng Iloilo.
Tags: boracay-shell craft
Latest Articles
- Law to provide better health research and quality service for Filipinos; Clean-up of post election garbage appealed and Solon warns the public from buying imported frozen meat
- BulSU Technology-based University para sa Bulakenyo; DOST-SEI’s Geo-Marine Science Camp wows 59 students, teachers at Globe Telecom Stays Committed To Corporate Sustainability
- Kailan ang Tugon kay PD Tonog?; Liberal Party President May Kinikilingan…






















