Balita
Mga Nagnanakaw ng Kagamitan ng DOST mga Mamamatay Tao- Sec. Montejo,Halaman, Pamalit na Pamurga-PCAARRD and ASTI- MMDA-PAG ASA MOA Signing
Posted on January 18th By mj balaguer
Inihalintulad ni Department of Science and Technology Secretary Engr. Mario G. Montejo ang mga kawatan na nagnanakaw ng mga kagamitan ng kagawaran sa mga mamamatay tao. Ito ay kaugnay sa ninakaw kamakailan na ilang metrong kable at 5 piraso ng 12 volt battery ng seismic relay stations na gamit ng Philippine Institute of Vulcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Sto. Domingo, Albay.
“Ang mga ganyang tao ay maari lang maihalintulad sa mga mamamatay-tao. Sa ginawa nilang pagnanakaw ng mga kable ng seismic sensors ay kanilang ipinagwalambahala ang ang buhay ng mga taga-Albay dahil ang mga kableng iyon ay gamit ng lalawigan para bantayan ang aktibidad ng bulkan” Ayon kay Montejo.
Ayon sa opisyal na ulat ang DOST Phivolcs seismic stations sa Legaspi ay walang natanggap na impormasyon buhat sa istasyon nila sa Sto. Domingo nang Dec. 14 ng nakaraang taon dahil nga ninakaw ang mga kable at 5 piraso ng 12 volt na baterya.
Ang mga relay stations ng Phivolcs ay di binabantayan ng tao at awtomatikong nagpapadala ng data sa kanilang punong himpilan sa Quezon City ng mga seismic at volcanic activities sa nasabing lalawigan.
50% kawalan sa data transmission ang naging resulta ng nasabing insidente ng pagnanakaw at mabuti na lang at di naging aktibo nuon ang Mt. Mayon ayon kay Phivolcs Director Renato U. Solidum. (mj balaguer)
———————————————————————————————————–
Halaman pumupuksa ng peste bulate ang solusyon sa mga problema ng mga nagkakambing sa bansa ayon sa Philippine Council for Agriculture, Forestry and Natural Resources Research and Development(PCAARRD).
Ang mga halamang may saponin o kakayahan mapigilan ang mga endoparasites sa mga kambing na may impeksyon nito.
Sa sinagawang pag aaral ng Central Mindanao University (CMU) na magbabalanse at alternatibong paraan ng pamurga sa mga kambing sa Maramag, Bukidnon. Lalo na hindi sa lahat ng pagkakataaon ay may mga commercial dewormer sa lugar.
Ayon sa pagsasaliksik sa 50 tanyag at 17 di tanyag na halaman kinulekta sa tag ulan at tag araw na panahon na may saponins kaysa sapat na pamurga. Dagdag pagsusuri na sa pagdidiyeta ng mga hayop na kakain ng halaman ay malaking tulong upang mapigilan ang mga peste bulate at mapurga ang mga kambing sa ikabubuti ng pagkakambingan.(MJ BALAGUER)
———————————————————————————————————————————
GUADALUPE, MAKATI CITY – Kinatawan ni Chairman Francis N. Tolentino ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Secretary Mario G. Montejo ng Department of Science and Technology (DOST) ang kahalagahan ng Flood Monitoring forecasting network ng Memorandum of Agreement.
Sa isinagawa information education and communition ang Efficient Flood Control Operation System (EFCOS) at 88 CCTV cameras na nakalat ng MMDA sa buong Metro Manila.
Dapat ay may 6 na oras na warning ang baha o higit pa eventually hindi lang flooded area kung nasaan ang baha na puwede Makita sa simulation sa computer ayon kay Montejo.
Sa pamamagitan ng ASTI dalawa ang isasaayos ng MMDA station , rolling out of 38 water level monitoring sensors(WLMS) at 13 automated rain gauges (ARG) at 2 calibrating unit ng MMDA. Naglalayon ang local flood forecasting at mabili Sang responde sa real time rainfall at water level data.
Ginanap sa MMDA Conference Room ang MOA sa pamamagitan ng Advanced Science and Technology Institute(ASTI) at Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAG ASA). Director Dr. Nathaniel T. Servando, PAG ASA administrator , Dr. Graciano P. Yumul, Jr. Undersecretary for Research and Development, Engr Robert O. Dizon, Assistant Secretary for Strategic Plans & Programs Dr Amelia P. Guevarra, Executive Director of the Philippine Council for Industry ,Energy. Dr Raymund E. Liboro, Director of Science and Technology Information Institute, Engr Denis F. Villorente, ASTI Director, Engr. Arthur Lucas D. Cruz, MIRDC Director at USEC MMDA General Manager Corazon T. Jimenez.(MJ BALAGUER)
Tags: asti
Latest Articles
- DOST developed immersion freezer to help food industry, Reducing dependence on fossil fuels essential for sustainable progress in small island developing states, says UN Secretary-General and UNDP’s Himalayan Meltdown wins top prize at International Film Festival
- Firm that started work on corn hybrids pushes durable corn varieties, DOST’s First Tuklas Lunas Center and DOST Makibayan to raise the productivity of the metals industry
- SSS bares guidelines of P7-B educational loan facility, PhilMech to commercialize soon organic solution to banana crown rot and Stop the Hacking of Foreign Websites Frowned Upon by Government
- Kakayahan ng Kabikulan bilang “producer” ng niyog pinahusay ng pamahalaan, DOST installs new Doppler radar in Catanduanes and DOST’s MakiBayan program to raise PH productivity










