Balita

NIPSC, Isang Taon Bago ang Inaabangang Ika-3 Dekadang Pagkakatatag; 8th Singing Idol at 1st Dance Duo Finals sa NIPSC at ika- 30 taon ng NIPSC inaasahan maging Pamantasan

Posted on September 12th By mary jane olvina-balaguer (with photos from michael n balaguer)


DSC07778

( nasa larawan sina: publisher ng www.diaryongtagalog.com, Prof. Shiela May Cantara,  Dr. Portia Begaso at Prof. Marissa Limson habang sinasaksihan ang Finals ng Singing Idol at Dance Duo kuha mula sa kaliwa)

“Bravo” sa mga talentado mag-aaral ng haiskul at kolehiyo na nakiisa at naging alive and kicking ang gabi ng lahat ng manood pati mga faculty member  ay tuwang tuwa sa pagiging creative sa performance ng mga estudyante.

DSC07805

(isa si Winston Lee sa mga nagsilbing hurado sa nasabing patimpalak at binigyan ng Certificate of Recognition ni Dr. Edna T. Suganob, Dean of Instruction and Dean of Graduate Education, Dr. Leonisa G. Babas, Director, Students and Auxiliary Services at Dr. Helen A. Gasapo, Dean ng Teacher Education Department)

Patikim na gabi palang sa pagdiriwang ng 29th Foundation Day ng Northern Iloilo Polytechnic State College Sa Bayan ng Estancia, Iloilo. Bumida ang mag aaral na may potensiyal talagang  maging star in the near future.

DSC07811

(nasa larawan sina Prof. Erwin C. Caton, Chairman ng Dance Duo kasama ang mga nagwagi at Dr. Leonisa Babas)

Sa kauna unahang dance duo na nilahukan ng 10 pares  ay nagchampion mula sa Teacher and E ducation Department sina Jan Daryl Layda at Christina Fenis. Ist runner up naman sina Jed Gasendo at Michael John Rogales. At 2nd runner up sina Ariel Bolohabo at Peter John Oliver Alarcon  mga BS in Marine Engineering.

DSC07813

(ang nagwagi sa singing Idol) Gayundin tila talent audition sa isang big event ang mga golden voice ng mga singer na estuyante at  sa pangarap at reach the sky na kinanta ng kampeon na si Sarah Jane Vidal mula sa Teacher and Education Department.

Ang 1st runner up na si Mae Valerie Sabido at 2nd runner up winner sa singing competition ay si Karen Jean Panes ng BS Business Administation. Tumanggap din ng trophy at cash prize at mga nanalo kaya wala umuwi luhaan.

DSC07812

At kahit mga mobile campuses mula sa Isla Gigantes  ay nakiisa. Lucky 5 at masuwerte ang gabi para sa mga winners at over all champion mula sa Teacher and Education Department.

———————————————————————————————————————-

DSC07828

(nasa larawan sina: Estancia Vice Mayor Rowena Placencia,  NIPSC President Emeritus  Dr. Wenceslao O. Sison Jr, Atty Andre C. Palacios, Chief of Staff ni Cong. Juan Edgardo Angara ng Lone District of Aurora, NIPSC President Dr. Joel Limson, 5th District Iloilo Board Member Nielo Tupas at Estancia Mayor Rene S. Cordero at Mrs. Hilda A. Magtiza, NIPSC Vice President for Administration and Finance)

“NIPSC at 29: Soaring High Towards Competence and Excellence” ang tema ng Ika-29 taong pagkakatatag ng Northern Iloilo Polytechnic State College, isang taon bago ang Ika-30 taong pagkakatatag nito buhat sa kanilang main campus sa Estancia, Iloilo na nagtagal mula September 12-14 2012.

DSC07776

(nasa larawan ang mga sumali sa singing idol na kapwa magagaling at maipagmamalaki ng NIPSC) September 11 pa lang ay naghahanda na ang paaralan. Habang abala ang buong mundo sa paggunita nang nakaraang pag atake ng sinasabing mga terorista sa bansang Amerika, ginanap naman ang pinag isang patimpalak ng “Singing Idol” at “Dance Duo” na pinangunahan ni Prof. Erwin C. Caton bilang Chairman ng Dance Duo, habang  nagbigay rin ng pangunang pananalita ang Director ng Student and Auxiliary Services na si Dr. Leonisa G. Babas.

DSC07836

Habang sa Day 2 o Sept 12 ay binuksan ang programa ni Dr. Hermogenes R. Guanco, Vice President for Academic Affairs sa kanyang pambungad na pananalita kasunod na ang pananalita ng kanilang Punong bayan na si Mayor Rene S. Cordero ng bayan ng Estancia kung saan naroon ang NIPSC.

Si Provincial Board Member Nielo C. Tupas ng Ika 5 distrito ang nagpakilala sa panauhing pandangal nilang si Aurora lone district congressional Representative Juan Edgardo M. Angara, Chairman ng House Committee on Higher and Technical Education na nagsalita tungkol sa kalagayan ng edukasyon ngayon sa bansa at nagbigay ng pagbati sa anibersaryo ng paaralan.

Kaugnay nito, si Dr. Joel P. Limson naman na Pangulo ng NIPSC at SUC President II ang pormal na nagbukas ng NIPSC Foundation Celebration. Foot Parade, Thanksgiving Mass, mga event pampalakasan, talent search ang isinagawa kabilang ang Academic and Visual Arts Contest pati ang search for Ginoo at Mutya ng NIPSC 2012 nagpapatunay na sa ating mga paaralan dapat at balanse ang arts and sciences.

———————————————————————————————————————-

Sa nakaraan prelude para sa pagdating ng ikatlong dekada ng Northern Iloilo Polytechnic State College (NIPSC)  positibo ang pamunuan ng paaralan sa pagsusulong ng panukalang bill nina kinatawan Niel Tupas ng 5th district ng Iloilo at co-author si Rep. Juan Edgardo ” Sonny” Angara  ng Lone District ng Aurora sa  tulong ni Sen. Edgardo Angara na maging isang ganap na unibersidad ang NIPSC sa malapit na hinahanap.

Gayon din sa hanay ng Local Government Units (LGUs) umaasa rin ang Alklde ng Bayan ng Estancia Rene S. Cordero at nakababatang kapatid ni Cong.Tupas na si Nielo “Bong Bong” C. Tupas, 5th district Board Member na  1st legacy ang pagiging pamantasan kung ito masasakatuparan.

“Im proud of NIPSC, It’s matter of maximizing potential, matter of believing ourself so we can be the best” ayon kay Bokal Bong Tupas.

Inaasahan ang pagtaas ng bilang ng mag aaral kapag na University pangkat sa kasalukuyan na may humigit kumulang 8000 estuyante ang NIPSC. Tinututukan naman ni NIPSC President, Dr. Joel Patnubay Limson ang nasabing bills sa October 9, 2012 ang deliberation sa Senate Committee.

“We will be expecting an increase in budget for State Universities and College in 2013 which could help improve the performance of our schools in global ranking. President Aquino’s proposed budget for SUCs next year is P37.1 billion, up 43.6 percent from P25.8 billion this year” pahayag ni Andre Palacios, chief of staff at kinatawan Cong.Sonny Angara na magbasa ng kanyang mensahe para sa NIPSC.

Tags: nipsc-29

Latest Articles