Agrikultura
Sipag, Tiyaga at Disiplina susi ng tagumpay- Amb. Antonio Cabangon-Chua; Unang Kumperensya sa pagsasaliksik pang Agri-turismo, ginanap at pinangunahan ng SEARCA at Php 800 000 grant ng L’Oreal sa dalawang babae natatanging kabataan aghamista
Posted on June 21st By mary jane olvina-balaguer
(nasa larawan si Ambassador Antonio L. Cabangon -Chua, CPA PhD, Chairman Emeritus at Founder ng Fortune Life Insurance Co. Inc. sa 2nd year advocacy launch ng “the value of work and discipline na ginanap sa punong tanggapan ng Department of Education, lungsod ng Pasig)
Sipag, Tiyaga at Disiplina susi ng tagumpay
Tila bumalik sa sinaunang panahon ang setting ng Bulwagan ng Karunungan, Department of Education Central Office, Meralco Avenue Pasig City sa ikalawang taon paglulungsad ng Fortune life sa kanilang adbokasiya na the Value of Hardwork & discipline.
“Securing your tomorrow today, the project milestone speak itself since 1997 we make a point that ALC Company is longtime advocacy and my mother is a teacher we have scholarship program in the honor of my grandmother Donya Dominga Lim Cabangon, we continue support project of DepEd” ayon kay Arnold A. Cabangon, President,Fortune Life Insurance Co. Inc.
“Sa mundo ay walang maipapalit sa sipag,tiyaga at disiplina hindi talino hindi sapat ang napag aralan, sipag, tiyaga at disiplina ang batis ng walang hanggang kapangyarihan, Maging mapagmahal sa magulang,guro,kayo guro ang pangalawang magulang hubugin at pilitin makapagtapos ng pag aaral hindi lang para makapag abroad kundi maging negoyante sa sariling bayan” pahayag ni Amb. Antonio L. Cabangon Chua- Chairman Emeritus & Founder Fortune Life Insurance,Co.Inc.
“Hindi lahat ng bagay ay nabinbili ng pera kundi ng puso may malasakit sa kapwa at sa bayan. Maisusulat ang kahanga hanga mga guro tulad ng malapit ng magretirong principal sa isla na tuwing kinsenas ay kumukuha ng bahagi sa kanya sahod para boluntaryo bumili ng kaysame sa silid ng paaralan at ang gurong muslim na sinalo ang saksak ng isang sira ulo para iligtas ang kanyang mga mag aaral na maipagmamalaki natin sa buong mundo ang pagka pilipino dapat tularan,pamarisan ,tinatanim ang butil na hindi makikita kaagad agad ang bunga subalit sa ating mga puso” sinabi naman ni Bro. Armin L. Luistro, Secretary ng Dep Ed.
Ginawaran din ng pagkilala ang mga guro sa pagiimplementa ng adbokasya ng Fortune Life tulad nina Mrs. Army M. Esteban, Master Teacher,Legarda Elementaty School, Mr Benzon T. German,Principal, East Rembo Elentary School,Mrs. Edna T. Madrid, Supervisor, Division of Pasig,Ms Rosanilia M.Saludo,Principal , GB Lontok Memorial School at Mr. Catalino V. Inovero,Supervisor,Special Events of Division of Bulacan.
“Kahit bumabagyo walang hinihintay na bayad,tinuturuan ng hardwork at discipline, tituturuan ko din ng latest teaching method ang mga teacher at visual art ang mga mag aaral lalo na sa malayong bayan ng Dona Remedios Trinidad” binahagi ni .titser Catalino V. Inovero na isang bulakenyo.
Sa kauna unahang pagkakataon kinanta sa publiko ang “Pangako” ng Fortune Life ni Jessa Zaragosa na komposisyon ni Chit Chua. Nasasaad nga sa lyrics na ‘Kaya sabay sabay natin natin paghandaan ang kinabukasan sa fortune life tapat sa pangako.
Dumalo rin ang mga kawani ng Fortune tulad ng Fortune General President & COO Michael F. Rellosa,, Ms Evelyn T. Carada, EVP & General Manager, Fortune Life Insurance Co, Inc
Tunay talang kahanga hanga ang may dugong Bulakenyo ang certified public accountant at doctor of philosophy at naging Ambassador sa Laos si Chairman Antonio Cabangon na simple at may mababang loob ibahagi ang susi ng tagumpay kahit siya ay isa sa pinakamayaman Pilipino ngayon panahon na makikita sa kanyang mga negosyo tulad ng : ALC Industrial & Commercial Development Corporation, ALC Realty Development Corporation, Aliw Cinema Complex, Inc( Movie houses, Entertainment & shopping malls), Fortune Insurance group( life- non life and HMO), Citystate group ( bank, hotels, real estate & finance), eternal group education, pension & memorial park), Aliw media group (broadcast & print), Gencars Inc. (Isuzu Dealership), Brown Madonna Press & Publishing Inc.
(makikita sa larawan mula sa kaliwa sina Ambassador Antonio L. Cabangon Chua, si Mr. Benzon T. German, Principal ng East Rembo Elementary School, Dep Ed Sec. Bro. Armin Luistro at Mr. Arnold Cabangon, Pangulo ng Fortune Life Co. Inc.)
(nasa video ang panayam kay Ambassador Antonio Cabangon-Chua sa isang mahalagang okasyon sa compound ng Department of Education kamakailan)
———————————————————
Unang Kumperensya sa pagsasaliksik pang Agri-turismo, ginanap at pinangunahan ng SEARCA
Sa nakaraan tatlong araw (Hunyo 27,28,29,2012) naging abala ang Southeast Asian Regional Center for Graduate Study and Research in Agriculture(SEARCA) katuwang ang Tourism Foundation Inc. (TFI), ng University of the Philippines- Asian Institute of Tourism (UP-AIT) sa pag organisa ng isang pangkalahatang komperensya na may temang ‘ Strengthening Agriculture-Tourism Linkages sa pamamagitan ng pagsasaliksik.
Ang nasabing komperensya na isinagawang sa University of the Philippines Los Banos kung saan ang mga nagsidalo na delegado ay buhat sa ibat ibang unibersidad sa bansa, mga kinatawan ng Local Government Units (LGUs), mga negosyante, at investors na maalam sa research and development at sa sektor agri tourism.
“The conference will emphasize agritourism as an important tool to diversify farming and boost rural economies as well. “pahayag ni SEARCA Director Dr. Gil C. Saguiguit Jr. Alinsunod sa House Bill 1808 ng 2010, an act to promote agri tourism in the Philippines and other purposes.
Sa panayam ng Diaryong Tagalog kay Gordon Bell , Managing Director ng Tropical Farm na kasosyo si Juan Jose Reyes sa kanilang 10 hektarya farms sa Bgy. Sampaloc, Tanay Rizal na may konsepto pick your own sa mga prutas na mapipitas sa kanilang farm tulad ng manga. Pinaplano rin ni Bell na magkaroon ng retirement center ang mga dayuhan na mamuhay sa bansa.
ang karugtong ng panayam ng www.diaryongtagalog.com kay G. Bell tungkol sa kanilang farm sa Tanay, Rizal. inaasahang magiging operational ito sa lalong madaling panahon upang magsilbing tourist spot na nakatakdang bisitahin ng mga dayuhan at lokal na turista partikular ang mga amerikano at iba pang dayuhang nakahiligang maglagay ng retirement centers.
Kakaibang biyaheng agri tour 1500 feet about sea level sa Costales Nature Farms Bgy. Gagalot, Majayjay Laguna na may limang hektarya lupain ang mag asawang Ronald at Josephine Costales na pinalilibutan ng herbs and spices, mga high value at lowland na gulay at mga organikong paghahayupan at green architecture amenities.
Sa tulong ng sampung (10) investor mayroong pitumpung (70) empleyado ang farm sa ngayon na nagsimula 2009. Sa pag tour sa amin ni Mr. Harold Ocampo, Managing director “ we don’t plant, we don’t seed unless we have market”. Walang amon ng mga manure ng hayop ang babuyan na may mga ng kusot ang kulungan
Natuklasan din natin ang dahon goto kola sa 3-5 araw araw ay makakatulong bilang memory encancer at natural viagra. Gayundin ang pagngata sa dahon ng espelantes ay nagsisilbing natural anestisya. Mayroon din kaffir lime leaf na 15 pesos ang isa.
Solusyon sa polusyon maari gamitin ang mud ball na panlinis ng ilog na 1 square meter per mud ball na may komposisyon Effective Micro organism (EM) ,putik, at ipa.
Moderno teknolohiya sa pagsasaka sa 8 bayan sa Central Bohol o ang rice greenery ng Bohol na ginagamit ang bibi na magsaka kapalit ng tao kasabay ng pag aalaga ng bibi at pagtanim ng organikong palay. Dahil taon 2011 ay nagkaroon ng ordinansa ang probinsya sa organic agriculture na katulad ng teknolohiya sa Japan at Korea. Ayon kay Joseph F Ygay, opisina sa Lalawigan ng Bohol. Sa 2013 ay magkakaroon ng agri tourism course ang Northern Iloilo Polytechnic State College ayon kay Marissa C. Limson may bahay ni State College president Dr. Joel P. Limson.
Ang agricultural entrepreneurship naman ay 10 taon na kurso sa Partida State University Camarines Sur ayon kay Dr. Flora Buzo, programme director. Ang BS Agri Eco Tourism Management taon 2009 ang Central Bicol State University, University of Agriculture Pili, Camarines Sur.” Training to be entrepreneur, side line lang ang tour guide,hotel and management” Nico Acuna alumni ng Central Bicol.
“Layunin ng kumperensya na magkaroon ng specific research in agri tourism, Agritourism is experience main purpose to help social development” ayon kay Dr. Rico Ancag School of Environmental Science and Management.
———————————————————————————————————————-
Php 800 000 grant ng L’Oreal sa dalawang babae natatanging kabataan aghamista
Hindi alintana ang lakas ng ulan at sungit ng panahon ng L’oreal Philippines ang nangunang cosmetics product company sa ginawa nilang For Women in Science (FWIS) awards na labing apat na taon ng prestiyosong larangan ng siyensiya. Sa 92 bansa katuwang ang UNESCO at Department of Science and Technology (DOST) sa Edsa Shangrila Hotel, dalawang kababaihan aghamista; sina Dr. Ma Cecilia G. Conaco na balik scientist at Dr Aletta T. Yniguez ang pinarangalan.
Sa masusing pagkilatis sa mga qualified na susuportahan mga research papers, pinondahan ang dalawang filipina na marine scientist ng tig P 400,000. ang unang research at pinamagatang ”Dynamic Gene Regulation in marine sponges” ni Dr. Ma Cecilia G. Conaco at “ Enhancing robustness of plankton models and monitoring systems by understanding fine –scale biophysical processes”ni Dr Aletta T. Yniguez.
“FWIS is one of the strongest programs L’oreal has globally today, mainly because it values key components in our company DNA- science in women.” Pahayag ni Luc Olivier- Marquet, Managing Director of L’oreal Philippines.
Sa in demand ng organikong produkto ang L’oreal cosmetic ay may formula sa mga asian beauty skin at mga natural product at tumutulong itaas ang antas ng kababaihan dagdag na pahayag ni Marquet.
Nagsimula ang L’oreal sa hair dye na nadiskobre ng scientist na may 3,500 empleyado sa research at taon taon 650 patent ang nagagawa upang pagyabungin ang research na kailangan sa kagandahan.
Sa kasalukuyan ang FWIS National fellowship ay tumatanggap ng mga aplikante na hindi bababa sa 35 na edad sa post graduate na nagmamasteral o doctoral degrees ng mga research proposal na may kaugnayan sa buhay at material science na mapalad makatatanggap ng Php 400 000 hanggang March 2013 na maaring bumisita sa www.fwis.com.ph at maaring mag email sa FWIS Secretariat sa FWISsecretariat@eon.com.ph o maaring tumawag sa +63 02 893-5642 loc.136.
“ There really lot of room for women in science, we lack and need women scientist” ayon kay Asec. Maria Lourdes M. Orijola- DOST.
Latest Articles
- Traditional Javanese Massage and Beauty Care narito na sa Pilipinas
- IT-BPM Road Map para sa taong 2012 hanggang 2016 inilunsad ng DOST-ICTO IBPAP; Next Wave Cities ng 2012 ipinakilala ng DOST-ICTO, IBPAP at DOST-IBM Supercomputer makapagpapalakas sa R&D capabilities ng bansa
- Maling Impormasyon Binigyan pansin “CREAMSILK COMMERCIAL ni Heart Evangelista”; Stem Cells Therapy Dapat at Epektibo nga ba? at Flagship New Zealand telecoms event set to break all records
- BulSU Technology-based University para sa Bulakenyo; DOST-SEI’s Geo-Marine Science Camp wows 59 students, teachers at Globe Telecom Stays Committed To Corporate Sustainability












