Agrikultura
SULIRANIN PANGHIMPAPAWID, TINALAKAY SA ISANG BROADCASTERS FORUM
Posted on August 23rd By ike s. nodalo
Pagpasok ng sobrang imported na mga manok sa lokal na pamilihan ang dahilan umano upang malugi ang mga lokal na prodyuser at grower sa bansa, pahayag ng isang konresista, pinapatay nito ang industriya ng export na native at organic chicken at halal foods ng bansa ngayon kayat nararapat itong agad na mapigilan.
Ayon kay Agham Party list Representative Angelo Palmones, isang dating mamamahayag, nakababahala ang maramihang pagpasok ng mga inangkat na dressed chicken sa bansa buhat sa ibayong dagat, bagaman lehitimo at legal ang paraan ng pagpasok nito sa ating bayan, unit unting pinapatay naman nito ang lokal na industriya.
Bagaman marami sa mga manukan sa bansa ay maliitan o backyard farms, aminado ang mga growers na malaki ang nababawas nito sa kanilang kinikita sapagkat ang iba sa mga naturang inangkat na produkto ay naibebenta ng mas mura kaysa sa kanilang itinitinda, bagay na naka aaapektong malaki sa lokal na ekonomiya.
Inaalam ng kongresista ang legal na kaparaanan upang mapigilan ang nasabing talamak na pagpasok ng inangkat na mga produktong manok para na rin sa ikabubuti ng lokal na industriya. Samantala, problema sa talamak na pangangahoy ng mga piyesa ng mga sasakyan ng Philippine air Force ang isinangguning hinaing ng isang ginang na asawa ng isang Kawal ng Hukbong Himpapawid na sa kabila ng naging Whistle Blower at ibinulgar ang talamak na korapsyon sa nasabing institusyon ay ikinulong pa at ngayon umano ay unti unting pinapatay.
Ayon kay Gng. Cris Pogoy, butihing maybahay ni Air Force Captain Joenel Pogoy na ngayon ay nakapiit sa kasong paglabag sa Articles of War 64,96 at 97 dahil lamang sa kanyang ibinulgar ang canibalisation ng mga spare parts ng mga eroplano ng hukbo at sinasabi na bumibili umano ang mga ito ng mga bagong piyesa at hayagang pinagsisinungalinagn ang pamahalaan ng mga tinukoy niyang mga mataas na opisyales.
Ito umano ang dahilan kung bakit tinaguriang mga widow maker at flying coffins ang ating mga helicopter at eroplano dahil bukod sa wala ng piyesa ay kinakahuyan pa ang ilang sirang eroplano at sinasabing bumibili sila ng bago samantalang buhat lamang ang nasabing mga piyesa sa mga sira ring sasakyan, maari naman umanong ideklarang kinahoy lamang ang nasabing mga piyesa subalit sa halip na maging tapat ay sinasabi pang bago ang mga ito kuntodo de resibo pa.
Nitong nakaraang mga araw ay lumabas rin ang isang expose na nagsasabing may biniling mga bagong eroplano at helicopters ang air force ngunit ni anino ng mga ito ay hindi man lamang maipakita sa media kaya hinala tuloy ng ilan na nakapag cover ng expose na ito ng may bahay ni Capt. Pogoy na bahagi iyon ng kasinungalingan ng Air Force upang takpan ang talamak na korapsyon sa kanilang hanay.
Ang huling balita kay Capt. Pogoy, unti unti umano itong nagkakasakit at hinala ng mga kaanak ay nilalason ito dahil ng ipakain sa aso at pusa ang pagkaing rasyon sa kapitan ay agad binawian ng buhay ang nasabing mga hayop. Kaugnay nito, palaki na ng palaki ang bilang ng mga nagkakasakit ng Dengue sa lungsod Quezon, dahilan kung bakit ang Principal ng Rosa Susano Elementary School sa Novaliches na si Dr. Elvira Dumlao ay gumawa ng paraan upang hindi magkaroon ng nasabing sakit ang kanyang nasasakupan.
Pinagsusuot ni Dr. Dumlao ng long pants at long sleeves kapalit ng tradisyunal na uniporme ang mga bata lalo ngayong panay ang ulan at malimit basa ang kapaligiran upang maka iwas sa sakit na Dengue sa bahagi naman ng Department Of Health National Epidemiology Center sa pamamagitan ng kanilang representante na si Dr. Vito Roque, Medical Specialist 4 dahilan sa napakarami ng kaso ng Dengue sa bansa ngayon ay pinag aaralan ng kagawaran ang pag implementa sa dati na ipinaiiral na pag spray ng DDT dahil epektibo nga umano itong pamatay ng lamok ang iniintindi lamang umano nila ngayon ay ang kaligtasan ng mga mamamayan dahil sa mga lumabas na ulat tungkol sa nasabing kemikal noong mga nakaraang panahon na napatunayan naman ng mga dalubhasa sa ibayong dagat na hindi totoo.
Latest Articles
- DOST developed immersion freezer to help food industry, Reducing dependence on fossil fuels essential for sustainable progress in small island developing states, says UN Secretary-General and UNDP’s Himalayan Meltdown wins top prize at International Film Festival
- Firm that started work on corn hybrids pushes durable corn varieties, DOST’s First Tuklas Lunas Center and DOST Makibayan to raise the productivity of the metals industry
- SSS bares guidelines of P7-B educational loan facility, PhilMech to commercialize soon organic solution to banana crown rot and Stop the Hacking of Foreign Websites Frowned Upon by Government
- Kakayahan ng Kabikulan bilang “producer” ng niyog pinahusay ng pamahalaan, DOST installs new Doppler radar in Catanduanes and DOST’s MakiBayan program to raise PH productivity










