Agrikultura
si teacher at ang youth, paglingkurang ganap; at A cup of coffee a day drives the doctor away!
Posted on June 4th By michael balaguer, mary jane olvina-balaguer
SI TEACHER AT ANG YOUTH:
“Ang resort na ito ay pam pamilya lang talaga, kasi nag isip lang kami na magtayo ng resort nuong pagkatapos na mamatay ang anak ko, nalunod siya sa Angat river, mula nuon pa lang nagsimulang magkaroon ng swimming pool” ang humigit kumulang bahagi ng panayam ng pahayagang ito ay Gng. Adelaida San Juan, nagma may-ari ng Dad’s Vineyard Resort, Hotel and Retreat House na matatagpuan sa Bgy. Sta Rosa 2 bayan ng Marilao sa Lalawigan ng Bulacan.
Nuong maliit pa raw ang kanilang resort ay isang malaking swimming pool lamang ang naroon ngunit nang lumaon ay dinagdagan ng amenities hanggang sa kasalukuyan nitong kalagayan. Isang ektarya ang lupa na puno ng fruit bearing trees kung saan tunay na nakaka relax ang ambiance. Inabutan naming may isinasagawang kursilyo ang mga kabataan sa Marilao na ginaganap sa kanilang resort.
Isang dating guro si Gng. San Juan at dahil sa siyang retiradong guro, naisip niyang magtayo rin ng paaralan, na ipinangalan niya sa kanyang hinahangaang santo, si Mother Theresa of Calcutta. Siya rin ang founder ng asosasyon ng mga pribadong paaralan sa bayan ng marilao, gayun din siya ang naging interim president at naging pangulo.
30 schools ang miyembro ng samahan na kanyang pinangunahan at naging resulta ng kanilang pagsasama sama ay ang usapin nuon sa mayor’s permit na ngayon raw ay nasa 4000 pesos na lamang. Tunay na Corporate social responsibility na matatawag ni Gng. San Juan ang kanyang adbokasiya tungkol sa pagiging God Centered ng mga kabataan sa paaralan.
Nuong una sabi niya ay nais na lamang nilang paupahan ang nasabing property at gaya ng ibang elderly na kagaya niya, ayon sa kanya ay dapat na nagrerelax na lamang at nagbabakasyon. Dagdag pa niya ay iyon na marahil ang calling sa kanya ni Lord.
Dating chairman ng tourism council ng Marilao, komisyuner siya ng women center ng lalawigan ng Bulacan dahil duon ay naipo promote niya ng husto ang lalawigan sa pamamagitan ng kanyang mga civic actions and endeavors.
Tunay na solusyon sa kasalukuyang suliranin ng kabataan ang pagiging malapit sa Dios ayon kay Gng. San Juan at bilang dating guro nananatili pa ring nagtuturo itong si teacher sa youth, pagtuturo ng mga bagay na di lang pang intelektual kundi pang espiritwal na rin. Isang huwarang ina ng apat na anak, sa kabila ng nauna nang humarap sa Diyos ang kanyang panganay at ang asawa, matatag pa rin si teacher sa kanyang misyon sa buhay, ito ay para mapanuto ang ugali ng kabataan ngayon sa pamamagitan ni Lord.
———————————————————————————————————————-
PAGLINGKURANG GANAP:
Walang makikitang malalaking larawanang nag uugnay sa kanyang pangalan sa tuwing madadaanan ang mga pagawaing bayan sa kanilang munisipyo. Lalo namang wala tayong makikitang ipinagbabando niya na siya ang nasa likod ng samut-saring pagawaing bayang ito. Sabi nga, kung na aprubahan na ang anti-epal bill ni Senator Miriam Defensor-Santiago, tiyak na hindi siya kabilang sa maaring masabing ume epal na pulitiko lalo ngayong malapit na naman muli ang halalan.
Sa loob ng siyam na taong pagiging Punong Bayan ng isang maliit na munisipyong malapit sa Kamaynilaan, tanging Ganap na Paglilingkod sa kanyang mga nasasakupan ang ginawang ialay nitong ating 80 taong gulang na ama ng bayan. Sa edad niyang ito, ang kanyang mga kasabayan ay kung di retirado na at nagpapasarap sa buhay ay inaasikaso na lamang ang pamilya, mga anak at apo habang siya hanggang ngayon ay masipag pa ring lingkod sa bayan at nagtatrabaho sa gobyerno. Kahanga-hanga naman talaga itong si Lolo Panyong.
Sa pagdaan kong madalas sa bayan nila, malimit kong mapansin ang mga karatula sa bawat pagawaing bayan, di alintana ngunit pinagtatakhan na wala ang kanyang pangalan sa karamihan nito sa halip ay mamamalas ang mga katagang ang nasabing pagawain ay buhat sa buwis ng mamamayan. Maaring kataka taka sa ibang nakakakita ngunit sa kanyang mga kababayan ay karaniwan lamang ito.
Larawan ng isang karaniwang taong probinsyano, taga bukid wika nga, isang simpleng mamamayan ang ating punong bayan na halos sa lahat ng okasyong makita ng kanyang mga kababayan, laging naka short pants. hindi naman niya ikinahihiya ang kanyang estilo ng pananamit dahil disente naman ito at para sa klima natin sa bansa na mainit, mapresko sa katawan ang kanyang outfit ayon sa kanyang mga kasama sa trabaho.
Sa buong termino niya sa serbisyo publiko, napakarami na niyang napatunayan. ilan sa mga ito ay kanyang naibahagi sa pahayagang ito at aming napuntahan. Makikita rin ang mga bagong kaganapan sa kanilang pook sa pamamagitan ng kanilang website na www.marilao.gov.ph kung saan tinutulungan siya ng mga kabataan upang maibahagi sa pinakabagong medium ang kanilang mga programa.
Sa paniniwalang ang kayamanan ay tunay ngang nasa lupa, ilang mga proyektong pang agrikultura ang kanyang pinasimulan at ngayon nga ay umaani ng pagkilala at paghanga di lamang sa kanyang mga kababayan kundi pati sa ibang tao sa labas ng kanilang munisipalidad. Napansin ito ng Philippine Council for Agriculture, Aquatic and natural Resources Research and Development (PCAARRD) ng Department of Science and Technology (DOST) sa kanilang FITS (Farmers Information and Technology Service) Center Techno Pinoy program kung saan nagkaroon sila ng magsasaka siyentista na nagpapalaganap ng mga teknolohiyang binahagi ng kagawaran.
Ang Plant Nursery na alay niya sa kanyang mga kababayan na itinayo mismo sa kanyang lupaing pag aari sa Bgy. Sta. Rosa 2, nagpapatubo sila ng mga binhi ng gulay at ipinamamahagi niya sa kanyang mga kababayan sa pamamagitan ng Municipal Agriculture officer nilang si Hilario Francisco. Ayon sa kanya, pati mga taga ibang bayan ay nabibigyan nila ng binhi. Nakakatulong sila upang matugunan ang seguridad sa pagkain ng ibang bayan sa lalawigan ng Bulacan.
Isa ring adbokasiyang maituturing ang pagpapahalaga niya sa edukasyon, patunay nito ay ang pagtatayo ng pamahalaang bayan ng Pambayang dalubhasaan na matatagpuan naman sa Bgy. Abangan di kalayuan ay ang Covention Center na fully airconditioned na matatagpuan naman sa Bgy. Poblacion. may hamon ang mga huling taon sa panunungkulan ng ating Punong Bayan, hamon ng pagbabago at modernisasyon.
Ang tema ng panayam namin sa kanya nuong una ay tungkol sa planong paglipat ng gusaling pampamahalaan ng kanilang munisipyo. lilipat sa lugar kung saan ayon sa kanya ay mas mapaglilingkurang ganap ang kanyang mga kababayan. Sabi niya ay mas kailangan ngayon ang bagong bahay pamahalaan upang makatugon sa makabagong hamon ng panahon.
Nasasakupan ng Bgy. Patubig ang itatayong bagong munisipyo, idinisenyong makabago gamit ang pinaghalong kunsepto ng luntiang teknolohiya, pinagsamang salamin, bakal at simento na mas makapagpapa alala pa rin ng pinamulan ng kanilang bayan at ang mga hangarin nito sa hinaharap. Halos isang daang taon ahumigit kumulang umano ang lumang gusaling lilisanin upang magkaroon ng bagong silbi sa mamamayan.
———————————————————————————————————————-
Kakambal na ng ating kultura ang kape; kaya naman “Its more fun to drink coffee sa 1st Cordillera Coffee Farms and Industry Encounters through the Science and Technology Agenda (FIESTA). Sa dalawang araw na aktibidad na ginanap sa Benguet State University covered court gymnasium;isinaayos sa pamosong imahe ang stage na tila nasa hardin ka sa kabundukan batay sa konsepto ni Armando” Manding” Cabanas nito Hulyo 5-6, 2012.
May tema “ Bringing Cordillera Coffee to greater heights na sinimulan sa rituwal na sayaw at pagbatingting sa gong mula sa school of living traditions. Kahanga hanga ang organiko pagsesertipiko ng Institute of Marketecology (IMO), na nakabase sa Switzerland sa mga grown under Benguet Pines at ang Arabica Coffee beans.
Dapat ay huwag malito sa Benguet coffee, Sagada coffee, Fidelisan coffee, Spanish coffee ay Arabica coffee o mas kilala “native” coffee sa Cordillera ay iisa. Ang pinaka aromatic at may pinakamababang caffeine content.
Ang kape ay may theophylline, ang bronchodilator na bumababa ng 25% sa mga asthmatics na umiinom ng kape. Napag alamin din na bumababa ang panganib sa pagkakaroon ng diabetes,parkinson’s disease,colon kanser, liver cirrhosis, cavities at gallstones.
Sa pagtutulungan ng Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (PCAARRD), Department of Science and Technology (DOST), Highland Agriculture and Resources Research and Development (HARRDEC) at Benguet State University nagkaroon ng Arabica Coffee Producers kabilang ang Rocky Mountain Coffee “Arabica Café na may tatlong variant ng Cordillera Coffee ang 100% Arabica kape, ang 60% robusta at 40% arabica at classic blend 80% robusta at 20% arabica na nakabase sa Camp John Hay na nag ooffer ng free coffee brewer machine sa mga kliyente aabot sa kanilang kota at ilan sa kanilang market ay ang Baguio Country Club” pahayag ni Joemar Simon Marketing Officer ng Rocky Mountain Café, Inc.
Handa rin magbigay ng pautang para sa magsasaka si Gerry Lab-oyan, General Manager ng Cooperative Bank of Benguet at adviser ng Cordillera Regional Arabica Council (CRACC). Benguet Organic Coffee arabica Enterprises Limited (BOCAELI), Kibungan Arabica Coffee Growers MPCI (ARABICAFE), Tuba Benguet Coffee Growers Association, Atok Arabica Coffee Growers Marketing at Sagada Arabica Coffee Council.
“Mga century all tree organic arabica na ngayon pa lang naming hinaharvest sa bata palang ako ay tinanim ng mga residente ng Sagada ang binahagi ni Lola Angela,72 year old ng Sagada Arabica Coffee Council.
Tags: lolo panyong, ma'am dely, pcaarrd, peping guillermo
Latest Articles
- Law to provide better health research and quality service for Filipinos; Clean-up of post election garbage appealed and Solon warns the public from buying imported frozen meat
- BulSU Technology-based University para sa Bulakenyo; DOST-SEI’s Geo-Marine Science Camp wows 59 students, teachers at Globe Telecom Stays Committed To Corporate Sustainability
- Kailan ang Tugon kay PD Tonog?; Liberal Party President May Kinikilingan…

