Kuwento

CASA BLANCO

Posted on April 10th By michael balaguer


“Ano ba ang mas magandang puntahan/, mag beach o umakyat ng bundok?” sabi ni Sarah. “Sa tingin ko, mag beach, kasi may alam akong magandang lugar na di pa masyadong nakikita ng mga turista” sabad ni Angel. “Ako, kung tatanungin nyo ako ng ganyan, mas maigi sigurong mamundok na lang tayo!, kasi hindi ako marunong lumangoy e” pahayag ni Asiong. “O kung okey lang sa inyo e maaring mag ghost hunting na lang kaya tayo? Doon sa province naming?” singit ni Maricar na tila inayunan naming lahat ng mga oras na iyon sa ilalim ng punong mangga sa may sunken garden sa UP.

Halos graduation na kaya, kung matatapos ang graduation rites ay nag iisip ang barkada ng saan maaring mag celebrate. Boring sa beach, maraming tao, nakakahiyang magbikini sabi ng mga babae, dahil wala naman silang ipapakitang magandang katawan,ang mga lalaki naman ay tila mga butete na malalaki ang tiyan at payat na parang mga malnourished children. Ayaw rin ng tropa mag mountain climbing, kasi fresh pa sa alaala nila ang mga mountaineers na di agad nakababa dahil nasabat ng mga taong labas sa bundok, threatened pa ang siguridad, matagal din ang rescue, medyo may pagkasosyal pa mandin ang iba naming kamag aral.

Sa lahat ng options na nailatag ng tropa ay ang ghost hunting option lang ang tila nagustuhan ng lahat, hindi naman purong bilib ang mga barkada sa mga ganoong bagay pero at least they have an open mind, yung iba nga ay palsipikadong psychic pa o pekenis dahil nagkukunwang may dual personality magkaminsan, just to attract attention.

“So final na ba yan? Baka naman pag handa na kami lahat e sasabihin nyo di kayo pinayagan ni fafa at momo?putris, bibigyan ko kayo ng ST, sipa at tadyak..”paalala ko sa kanila noon bago pagdesisyunan ni Maricar na all systems go na. So nagtungo na nga kami sa bahay ni Asiong sa Taguig, at doon ang nagsilbing tagpuan. Sina Asiong kasi ay may FX na ibinibiyahe at sinula ng nag abroad ang tatay niya ay  siya na ang nagmana nito.

Dumating ang lahat, Si Maricar, si Angel, si Sarah, ang nakababatang kapatid nitong si Gustavo, si Toti, si Baldomero at ako. Todo full battle gear ang tropa noon, si Gustavo na kapatid ni sarah ay isang Seminarista, pari na yata siya ngayon, si Baldomero ay medyo may alam daw sa mga espiritu, si Angel, Toti at ako ay wala lang, mga miron o mga tagapagmasid lang samantalang si Asiong ang piloto at si Maricar na kanina pa ay walang kibo at tila nag iisip, ganun talaga yan, tahimik na tao.

Nakasampa na ang lahat sa FX taxi. Actually hindi naman iyon FX talaga o Tamaraw FX, FX lang ang tawag kasi Isuzu Crosswind yun na  may kapasidad na magsakay ng kanggang 13 katao, at pito lang kami so maluwag pa para sa mga kargamento kung may madadaanan sa daan. “So saan ang punta natin ngayon, pa south o pa north?” tanong ni Angel kay Maricar, magkatabi sila sa likod ng drayber na si Asiong. “Pa south tayo natural, pa Bicol, dun tayo sa birthplace ng mommy ko sa Magallanes, Sorsogon” sagot ng Maricar.

“Gaano kaya katagal ang biyahe, bestfriend, kasi ako lang ang drayber, ar der eniwan hu ken drayb bak der?haha” tanong ni Asiong kay Maricar at sa amin nina Gustavo,Toti at Baldo na noon ay abala sa pagkukuwentuhan tungkol sa ghost sightings na na witness ni Gustavo sa Seminaryo. “Ako, wag kang mag alala, pag napagod ka na o inantok, magsabi ka lang” sagot ko kay Asiong. Di naman gaanong tahimik si Maricar, madaldal nga yon at talagang matalino rin dahil siya ang nagpapakopya sa amin tuwing di kami nakapagre review. Naikuwento niyang napakabait ng kanyang mga lola at lolo, yung pupuntahan naming may ari ng bahay nilang kulay puti.

Bakit puti? Sabi ko pa na tila may kaunting pang aasar, at ang salaysay niya ay iskayola daw ang ipinintura o apog, lime, calcium carbonate dahil noong panahon pa ng kastila ng maitayo ang nasabing bahay. Ilang henerasyon na rin ang natira doon at ilang digmaan na rin ang nalagpasan ng sinasabing istrukturang maaring maituring na ancestral house ng mga Walter. Walter kasi ang apelyido nina Maricar sa nanay at ang pupuntahan naming kaanak niya ay ang mga magulang ng kanyang ina.

Katakut takot na kuwento ang mayroon sa bahay na iyon ayon sa ilang kaanak ni Maricar, naalala ko ng mag group study kami sa kanila, kung paano nagtayuan ang balahibo nina Angel sa salaysay ng Ina niya tungkol sa lumulutang na kandelyero sa may balkon ng bahay at isang gumulong na ulo sa may tarangkahan noon. Sabi pa ay marami ng naibuwis na buhay sa nasabing bahay na minsan na ring nagamit bilang garisson ng hapon nang pansamantalang iwan ng pamilya ang bahay noong WWII at magpunta ng Legaspi Albay para magtago.

Nang magbalik naman ay samut saring ingay ang naririnig at kung anu anong pagpaparamdam ang sinasabing napapansin ng mga kapitbahay o yaong mga nadadaan sa harapan ng tahanan ngunit ang lahat daw ng ito ay wala lang sa ama at ina ng ina ni Maricar. Patay malisya lamang sina lolo at lola sampu ng kanilang mga manok at baboy sa pagpaparamdam ng kung sinu sinong impakto sa kanilang bahay. Noong giyera nga raw ay halos hatakin na ng mga kapatid ng ina ni Maricar ang lolo at lola dahil sa kahit nagbobombahan na ay ayaw pa ring lisanin ang kanilang tahanan.

Malayo ang biyahe, at marami sa mga nadaanang lugar ay walang signal ng cellphone, gustuhin naming tumawag sa aming mga kaibigan at kaanak sa Maynila ngunit tila papugak pugak ang signal. Nakatulog at nagising ako, nasa Quezon pa lang kami. Tila may humahatak sa amin pabalik at nagsasabing huwag ng tumuloy. Nasiraan kami, isang piyesa yata ang tumalsik ng humarurot ang sasakyan. Tigil kami sa gawi ng di malaman kung saan. Sa tabi lang kami ng daan nagpalipas ng gabi habang pinag iisipan kung paano ire repair ang sira.

Mabuti na lang nakisama ang panahon. Natulog sa loob ng sasakyan ang mga babae at kaming mga boys ay sa labas. Nakabibingi ang katahimikan sa lugar na natigilan namin tanging kuliglig lamang ang musikang naririnig ngunit tila lumalabas na ang nakatagong betrud ni Baldomero. “Mga kapatid, brother Gustavo, siguro dapat ipag pray mo na tayo ngayon, tingin ko lang” wika niya ng pautal utal habang palinga linga sa paligid “Naku ha? Buti tulog na yung mga babae, ngayon mo pa naisipang manakot!” sabi ni Toti. “Ganun,? Sige ikutan natin at mag darasal tayo” sinimulan na ni Gustavo ang pag antanda ng crus at ang pagdarasal habang iniikutran naming apat ang sasakyan.

Kinaumagahan ay binagtas na muli naming pito ang mahabang lakbayin. Tila nagdahilan lamang ang sasakyan nang Makita ko ang sinasabing tumalsik na piyesa sa kabila ng kalye sa balunbon ng talahib, kumikinang kasi ito, stainless. Pagkabit ay arya na kami. “Pare ano ba yung naramdaman mo kagabi?” tanong ni Toti kay Baldo. “Pare, may mga nakatingin sa atin, di sila tao, tas nung nagdasal si Bro medyo umiwas lang pero alam ko naroon pa sila kaya dapat lagi tayong magdarasal pag ganun” sagot ni Baldo, “So dapat pala, nagdala ako ng Holy water, nakalimutan ko kasi yun, tsk tsk..” panghihinayang nasagot ni Gustavo.

Nagulat rin ang mga babae nang marinig ang kuwento. Tulog mantika silang tatlo pati si Asiong sa loob ng sasakyan habang kaming apat ang nasa labas at pinapapak ng mga lamok na kasing laki ng ibon halos. Nasa Camarines Sur na kami  at sa haba ng biyahe at di namin malaman kung dapat pa bang tumuloy o maglubay na at bumalik na lang. Natuyuan ng tubig ang radiator, nag over heat sa init kaya nang hapong iyon ay tigil na naman  kami sa tabing daan sa di malaman kung sang bahagi ng Albay. Puro bukid doon at wala namang irrigation na makita saan man, kaya ang naging suhestiyon ko ay I filter ang aming jingle at iyon ang ibuhos sa radiator na milagrong gumana.

Dis oras ng gabi ay bumibiyahe kami sa mga kabundukan, kapatagan, at mga tuyong kailugan at kaparangan hanggang sa wakas ay narrating na rin namin ang lugar nina Maricar, naligaw pa nga kami noong una at tila umiikot lamang kami sa iisang lugar hanggang naglakas loob si Sarah at si maricar na rin na magtanong sa isang matandang mangangahoy at itinuro nga nito kami.

Aakyat ng bundok o nasa isang mataas na lugar ngunit tago ang tila lumang village ng mga lola ni Maricar. Walang pangalan ito ngunit ang landmark lamang na dapat itanong ay ang mga kabahayang parang panahon ng kastila, alam na ng mga tao yun. Doon raw nakatira ang mga matatandang angkan sa kanilang lugar at lalo yaong may mga lahi ng Kastila at Amerikano o Briton.

Hinanap naming pito at ni Asiong ang bahay ng mga kaanak ni Maricar hanggang sa di kalayuan ay namataan naming lahat ang dalawang mag asawang matanda na nag aantay sa tarangkahan ng isang magandang bahay. “Hayun, hayun, sina lolo at lola!!!! Dali baba tayo dun bilisan mo..” napasigaw si Maricar sa tuwa na tila di na tatawa bukas, masayang masaya ang aming kamag aral at kaibigan na tila matagal niyang di nakita ng mga magulang ng ina.

Sa huli ay bumaba na kaming lahat ngunit ipinarada lamang ang sasakyan sa tapat ng bahay gawa ng walang mapag paparadahan na loob at tanging pang tao lamang ang tarangkahan. Pinapasok kami sa isang antigong bahay na tila halaw sa isang historical na pangyayari, lahat ng muwebles ay antigo at pati ang mga kagamitan, walang kuryente kundi lampara lamang ang nagsisilbing liwanag na bumabasag sa kadiliman ng gabi.

Ipinakilala kami ni Maricar sa kanyang lolo at lola na nakilala naming sina Lola ising at Lolo Art. “Lolo, Lola, ang mga kaklase ko po, sina Asiong, Angel, Sarah, ang kapatid niyang si Gustavo, Toti, Baldomero at Bonay” nakangiting pagpapakilala ni Maricar. Dapat paghihiwalayin kami ng silid ngunit naisip nilang mas maigi kung dalawa na lamang, magkakasama ang mga babae at ang mga lalaki. Napaka relihiyoso ng mga lolo at lola ni Maricar at ng nalaman na magpapari itong si Gustavo ay inanyayahan pa siya sa silid nilang punong puno ng life sized na mga imahen ng Mahal na Birhen, Hesukristo atbp. At nag Misa kami. Mabuti na lang at marunong si Gustavo kung hindi ay napahiya na kami at si Maricar sa kanyang lolo at lola na katabi pa niya sa pagtulog.

Mukhang nakakatakot ang lugar ngunit wala naman kaming napansing kakaiba. Si Baldo ay hindi nagpapakita ng mga sinyales ng mga maligno o kung numang impakto sa paligid at lalong ang Aura ng lugar ay magaan at pang babalik balikan mo. Lagi lang masaya ang usapan at nagiging malungkot lang ang dalawang matanda kung naiisip nilang ni hindi na sila nadadalaw ng kaniulang mga nak na halos ang karamihan ay nasa Maynila gaya ng Ina ni Maricar at ang mga kapatid nito na nasa iba pang pook ng bansa,

Nalaman kong lima pala ang mga anak nina Lolo Art at Lola Ising at ang pinaka paborito nila ay si Aling Edad, ang nanay ni Maricar na siyang panganay, Aling Edad kasi di na raw maari ang Soledad na tunay na pangalan ng ina ni Maricar dahil matanda na at may “edad” na kaya dapat palitan na ang pangalan, biro ni Lolo Art na nakapagpatawa sa aming lahat ng huling gai naming iyon.

“Apo, nyata ta kamo ng mga kaiskwela mo ang nagdidi?hain sina mama at papa mo, nyata ta nalipngan na ninda kami? (apo,  bakit kayo ng mga kaklase mo ang nagpunta dito? Sina mama at papa mo nakalimutan na ba nila kami?)” tanong ni Lola Ising kay Maricar habang yakap niya ito sa may balkonahe. Sa pakiwari ko ay ikinatwiran ni Maricar na abala ang kanyang mga magulang sa tindahan nila sa palengke at iba pang mga negosyo kaya ni hindi man lang mapuntahan ang mga magulang na nangungulila sa kanila.

Si Asiong, Toti at Angel ay nagpaalam upang mag yosi sa labas at upang Makita din ang kabuuan ng kabahayan mula sa kalsada ng umagang iyon, isang araw bago sila muling bumiyahe pabalik ng Maynila. “Okey din tong lakad natin ano? Sa daan may multo, may maligno at may impakto, pero dito wala, dito, langit pero ang daraanan mo impiyerno, para lang tayong namasyal” pabirong kumento ni Asiong. “Ayaw mo nun? Walang takutan?” sagot ni Toti.”Sana ganyan din mga lolo at lola ko, nakaka inggit si Maricar at may grandparents pa, ako wala na e” pahatag ni Angel nang biglang may sumulpot mula sa likuran nilang di nila namamalayan, isang payat na ale “Noy, Nene, kamo ba ang mga aqui nan Soledad? So aqui kan Arturo at Isabel? Nata ta ngunyan lang kamo nagkadi, dugay na, dae na sinda (nonoy, nene, kayo ba ang mga anak ni soledad yung anak ni Arturo at Isabel, bakit ngayon lang kayo nagpunta huli na wala na sila) sabi ng ale, nagitla si Angel at nakapagsabi ng “hindi po ako marunong mag bicol ano po ibig nyong sabihin?”

Blangko si Asiong at Angel tanging si Toti lamang ang naka unawa sa sinabi ng ale na nakapagpaisip sa kanya ng malalim hanggang sa huling hapunan nila kasama ang mga matatanda. Kinaumagahan, isinasalansan na nina Asiong at Gustavo ang mga bagahe, ibinigay nina lolo Art at lola Ising kay Maricar ang kanilang larawang kupas na kung saan si Maricar ay kamukhang kamukha ng kanyang lola nuong bata pa ito, isang black and white photo na naka wood laminated.

Biyahe na sila pabalik ng Maynila, maluha luha si maricar na hindi iniiwanan ng tingin ang kanyang mga grandparents habang minamaneho ni Gustavo ang FX palayo. Sa Sosogon City, kumain sila sa Chowking at nakapagkuwentuhan ng kanilang mga magandang karanasan tungkol sa kanilang halos isang linggong pasyal. Mag si CR si Maricar pupunta ng kubeta, sinundan ni Toti at nag usap sila bago pumasok ng CR ang dalaga, “Maricar, kagabi may babae, tinanong kami kung kami daw yung mga anak ng nanay mo at kung bakit ngayon lang daw tayo, kasi huli na raw at wala na raw sina lola at lolo, naku ha, creepy talaga, kinabahan ako nun ha” sabi ni Toti. “Ulul, baka baliw lang yun!” sagot ni Maricar.

Hatidan ang nangyari, si sarah, Gustavo ay taga Bicutan lang malapit kina Asiong kaya ang pinakamalayo ang unang ihahatid sa bahay. Diretso kami sa San Andres, kina Maricar, bumaba kami, naroon lahat ng mga kaanak nito ang mga pinsan, tiyahin at tiyuhin, may inarkilang Victory Liner upang umalis sa kung saan na tila blangko pa kami. Sabado kami ng gabi umalis ng Maynila, biyernes kami bumalik. Linggo kami dumating ng Magallanes, ano ang significance nito?

“Anak handa na ang mga gamit mo uuwi tayo sa Sorsogon at aayusin natin ang libing ng mga lola at lolo mo” sabi ni Aling Edad na lubhang ikinagulat naming lahat na magkakabarkada at sabay sabay kaming napa “Ano ho???” sabi ay lingo ng gabi ng masunog ang mansion ng mga Walter (Lolo Art at Lola Ising) kung saan nagmula daw ang apoy sa nahulog na lampara, tinangka raw iligtas ng isang Ale, isang mangangahoy ang mga matatanda ngunit pati siya ay nasunog. Sa huli nakilala ang Ale na si Aling Cufradia, malayong kamag anak ng mga Walter.

Bumalik uli ang grupo sa mansion at nakita namin ang tunay na itsura nito, guho sa halip na ganda ang tumambad sa amin, batay rin sa mga larawan na dala ng mga kaanak ni maricar ng nasa burol ng mga Lolo at Lola sa kabayanan ng Magallanes, kinilala nina Asiong, Toti at Angel ang si Aling Cufradia na siyang nakipag usap sa kanila ng huling gabi nila sa mansion, mansion na nagpakita lamang ng magandang larawan ng pangungulila ng mga magulang sa kanilang anak na nasa malayong pook. Huli na nga sila sa pagdating, dahil wala na ang lolo at lola nang dumating sila bagaman nakita at nakasama rin nila. End

Latest Articles