Kuwento
Film Center Pics
Posted on September 20th By Michael Balaguer
NGAYONG panahon ng makabagong teknolohiya, hindi na natin maaring sabihing niloloko lang tayo ng ating paningin. Ang dati kung tawagin ay mga di normal nakikita ay napakadali na lamang manipulahin, ayusin at baguhin sa naisin ng sinuman maging sa pag gawa ng mabuti o panlalamang sa kapwa.
Pero tinitiyak ko sa inyo na ang laman ng larawang na develop noong nagpiktyuran kami ng aking mga kamag aral sa haiskul sa tapat ng Film Center of the Philippines ay hindi gawa ng anumang manipulasyon o camera trick.
Ilang araw na lamang noon bago tuluyang magbakasyon, sina Efren at Bilog ay nagyayang maglakwatsa, natural, ang buong tropa ay na engganyong sumama gawa ng may mga kasamang babae galling sa kabilang section na kapwa dinidiskartehan ng dalawang naunang nagyaya.
Malayo rin naman ang distansya galing sa aming paaralan noon sa Caloocan hanggang sa Roxas Boulevard kung saan naroon ang pamosong Film Center. Maraming kuwentong kababalaghan sa nasabing lugar, di naman kataka taka dahil napakarami naman talagang nagbuwis ng buhay maitayo lamang ito at makapag operate noong taong 1969, humigit kumulang ,di tayo sigurado sa panahon.
Ang tumpak lang ay ang napakaraming buhay na bangkay na nailibing sa mga sahig ng nasabing istrukturang pansining. Nagka yayaan kaming mag ikot ikot sa palibot ng nasabing lugar. Noon ay may mga talahib pa sa kapaligiran at halatang hindi masyado namintina ang kalinisan, sinasabi pa ng ilan na may mga natatgpuang bangkay sa paligid noon mga taong 1993 sa nasabing kapaligiran.
Mga kriminal daw a naka engkwentro ng ilang pulis o mga pulis ang sina salvage at doon isinasalya.Nadama kong sobrang init ng panahon noon, ngunit bakit halos ginawin sa lamig ang mga kasama naming kababaihan lalo noong nakapasok kami sa loob ng gusali.
Medyo marumi rin at abandunado at ayon sa iba ay nilulunggaan na rin raw yun ng mga masamang elemento, lang kaya? O baka pati kakaibang elemento. Maraming garapon na may takip kaming nakita, “wag mong batuhin pare, baka lumabas ang nasa loob nyan” sabi ni Bilog
Ano nga ba ang nasa loob nun? tanong ko sa sarili ko noon hanggang sinagot ako nina Genevive at sinabing yung iba raw kasing nagpapalayas ng espiritu ay ikinukulong sa garapon ang kanilang mga napapalayas.
Tila may kakaibang naramdaman ang grupo sa loob ng gusali kaya nagpasya ang lahat na agad ng lumabas upang anila ay makalanghap na ng sariwang hangin. “para akong iniiri doon” ayon sa isa naming kamag aral na di ko na maalala ang pangalan.
Tandang tanda ko pa ang klasikong pagpo pose n gaming barkada noon sa ika anim na baytang ng hagdan sa tapat ng nasabing gusali, masaya na kami ngunit tila may iba. Ibang ano? Wika ng ilan, tanong ng marami, reaksyon sa mga susunod na pangungusap. Natural, iba ang nararamdaman namin noon bagaman, binalot ng mapagbalatkayong saya ng mga magsyotang naglalampungan at mgkamag aral na nagliligawan,.
May nakatagong takot sa lugar. Ikaw ba naman ang makarinig ng ibat ibang kuwentong kababalaghan tapos ay pinuntahan nyo pa ang lugar at doon pa kayo nagdiwang ng pagtatapos ng mga araw ng pagpasok sa paaralan.
Inihanda na ang tripod, tripod na pagpapatungan ng manual SLR na gamit pa ng ama ni Efren, na ayon sa kanya ay tatlong araw ng hinahanap ng ama niya dahil anila ay nawala ng ilang araw ang nasabing gamit.
Anim kaming lalaki at anim ring babae, tandang tanda ko pa ang araw na yaon, oo nga pala si Ramon ang sinasabi kong kaklase na nakalimutan ko ang pangalan kanina, sa mga unang talata ng kuwentong ito. Si Ramon na ngayon ay isa ng Pulis at nakatalaga sa Malolos City.
Ang grupo namin na iyon ay ang pinakamasaya na barkadang nasamahan ko. Lights, camera and Action! Na, klik!!! . pagpitik ng shutter. Isang malaking liwanag ang sumambulat sa isang natatanging Segundo na iyon. Dahil biglaan at sandali lang ay halos walang nakaramdam, liban sa iilan na may tinatagong agam agam kung mabubuo ang larawan o hindi dahil na expose ng bahagya ang film.
Apat na araw at dalawang lingo ang nakaraan, lumipas na ang huling araw na magkikita kita kami ng aking mga kaibigan. “pare, buti naman nabuo, teka, anu ba namn kayo, sinu sinu namn ang mga isinama natin dyan???” ayon kay Christina, na tila walang alam sa mga nangyari noon.
“Tanga,wala namn yan ah? Di ba labing dalawa lang tayo , noon” ayon kay Efren, paniwala ko rin ay dose lang kami, pero duda ko ay sinamahan nila kami, sinu sila? Di nyo ba sila kilala? Masaya sila kasi, may nakasama silang magpa picture, kahit wala na sila ay mag nagbigay importansya sa kanila.
Kahit, di naming masyado mamukhaan ang mga ito, nakapagtatakang nasa larawan pa ring nadevelop ito hanggang ngayon. Nang nagsusulat na ako sa diyaryo, hinanap ko sila. Diko man nakita o ayaw magpakita, nagawa naman nilang magparamdam na naroon sila, araw araw, nagmamatyag.. kahit lamang sa simpleng Film Center Pics.
Tags: film center pics, lathalian
Latest Articles
- Law to provide better health research and quality service for Filipinos; Clean-up of post election garbage appealed and Solon warns the public from buying imported frozen meat
- BulSU Technology-based University para sa Bulakenyo; DOST-SEI’s Geo-Marine Science Camp wows 59 students, teachers at Globe Telecom Stays Committed To Corporate Sustainability
- Kailan ang Tugon kay PD Tonog?; Liberal Party President May Kinikilingan…

