Kuwento
HUSTISYA SA SIM
Posted on March 20th By
Michael Balaguer
isa sa dahilan ng napakaraming aksidente sa daan ay ang pagpapatakbo ng mabilis. Kahit anong sasakyan ay guilty sa kasalanang ito, ngunit ang maaksidente ka ay isa ng kasalanan, mabagal ka man o hindi mas kasalanan ang naaksidente ka na ay sinalbahe ka pa sa halip na tulungan.
Ito ang humigit kumulang buod ng isang kuwentong naulinigan ko sa bulung bulungan ng mga rescuers, attendants, pulis at sa pagamutan mismo sa ilan –ilang kasong ang nagpaparamdam ay ang hustisya ng makina. Ayon sa pulis, may aksidente sa commonwealth avenue. Lagi naman e, accident prone yang lugar na yan. Walang oras at araw na dumaan na hindi nabahiran ng dugo ang kalsadang yan, kaya matibay e, biro ng isang MMDA enforcer.
Nagresponde sila at nakitang nagkarambola ang ilang kotse, bus, jeepney at sa dulong bahagi ay isang tumimbuwang na trak kung saan pisak ang isang lalaki na lulan ng isang Honda XRM. Isang distorted picture na kapwa karimarimarim at nakaka awa ang hitsura ng biktima habang isang jewel of the junk shop na nag kanyang Honda motorcycle.
Galos, pasa, bukol, pilay at yupi naman ang dulot sa mga kasunod na sasakyan pati ang mga lulan nito. Ang masama pa ay ang tsuper ng trak na lasing umano sabi ng mga saksi ay agad tumalilis at sumakay ng jip palayo sa pinangyarihan ng krimen. Iniwan ang resulta ng kanyang kawalang hiyaan at kabarumbaduhan sa daan.
Bago umalis si Melo dakong alas siete ng gabi ay nagpaalam ito sa kanyang maybahay na si Trina upang pumasok sa trabaho sa Eastwood bilang call center agent. Kahit tila malayo ang dapat bagtasin patungong trabaho ay okey lamang ito kay Melo, dahil may sasakyan naman siya. Ito ang kanyang Honda XRM. Mula Pandi Bulacan hanggang Eeastwood city sa Libis ay binabagtas niya araw –araw o bagi-gabi.
Hindi alintana ang mga nakakasabay na mga barumbado sa kalsada liban ng gabing tila hinahatak na siya sa hukay ng tila kung anong nilalang. “nabanggit na kay Trina ng kanyang asawa ang nasabing bagay, maka ilang ulit na, ang wika ay sa panaginip niya lamang ito o tila panaginip umano” pahayag ni Badong, kasama sa trabaho sa call center ni Melo, na tila inaasahan na nito ang kanyang kahahantungan.
Sa kabilang banda, nagdiriwang itong sina Baston at ang kanyang grupo Tau Omega, dahil sila ang notoryus na mga gang na nagra riot noon sa pinangyarihan ng insidente sa commonwealth. “swerte tayo mga tol, mahal tong ganitong cellphone, at ang laki ng perang laman ng wallet pare” wika nina Baston habang nag iinuman sa kanilang safehouse sa batasan hills.
“putris, kawawa naman ang isang ito, wala man lang mapagkakakilanlan, naku paano natin ipaa alam sa kaanak nito ang sinapit niya” tanong ni P01 Santosa kina Bernie at Moy, mga MMDA rescuers na nagresponde sa karambola. “naku chief, yan nga ang problema sa atin minsan mga pinoy, di tayo mahilig magsuot ng ID, kaya pag dumating ang mga ganitong sitwasyon lagi tayong nangangawawa” buntong hininga ng operatiba. Di nila alam na kumpleto sa ID ang biktima, sinikwat lamang ng mga oportunista.
May nagriring sa teleponong nasikwat nina Baston, ang naka register ay private number, sinagot ni Baston “hello?” isang lalaking tila naghihirap huminga ang nasa kabilang linya na nagsasabi “ipaalam nyo na sa pamilya ko ang nangyari sa akin” gulat ngunit nahintakutan ng bahagya itong si Baston at ang wika “ano? Anong sinasabi mo, akin to ano? Sino ka ba? Di kita maintindihan” sumagot ang nasa kabilang linya ng ganito “utang na loob, kailangan malaman ng pamilya ko ang nangyari sa akin” takot na ngunit matigas pa rin ang wannabe gangster at ang wika ay “putris ka, sabihin mong mag isa mo, papalitan ko na ang simcard mo!”. At kinalas ni Baston ang telepono, binuksan, at gulat ito nang makitang wala naming simcard ang cellphone.
Kaugnay nito, sa Pandi Bulacan, alalalang alala na si trina. Iniisip kung nasaan na ang kanyang asawa dahil magdamag itong hindi umuwi. Sinubukang tumawag sa tanggapan nito sa Eastwood ngunit ang wika ay nakauwi na umano ang esposo at nagtataka rin dahil hindi ito nagsabing liliban sa trabaho ngayong gabi. Samantalang si Badong ay balisa, wala ang kanyang sparring partner, kalagitnaan ng shift, bumaba muna ito sa ika anim na palapag ng kanilang gusali, pumunta siya sa kubeta para umihi nang..
“o? andito ka pala? I thought di ka papasok ngayon? Shocks, Ms. Liz is getting on my nerves pare, at saka, your wife called up a while ago at saying na di ka raw umuwi… uy? Chicks ba ya..an” pabirong kuwento ni Badong habang kaharap ang kaibigan ngunit ni imik ay hindi ito sumagot, ni hindi nagpakita ng emosyon. Nagulat si Badong,ngun it dahil ipinanganak na bungangero ay hindi pinansin ang pagkakaiba sa pag uugali ng kaibigang dati ay madaldal at ma kuwento.
Sandaling tumalikod ang kaibigan at pumasok sa isang cubicle na taehan, napansin ni badong na dila may mapula sa likuran ng kaibigan. Tapos nang umihi itong si Badong at nagdadadaldal pa. Inaantay ata kung anong oras lalabas ng cubicle ang kaibigan. “hoya tagal mo dyan ha” inip na wika ni Badong kaya nagpasya na siyang silipin ang tropa at noon din ay nagtaasan ang kanyang mga balahibo, sabay takbo palabas ng kubeta. Lahat ng makasalubong ay nagulat sa kanyang hitsura.
Samantala, “pare, ano, bakit mukang takot na takot ka dyan ha? Sino ba ang kausap mo?” tanong ng mga ka frat ni Baston dahil namutla ito habang nakikipag usap sa cellphone at habang kinakalas ito. Sabay tayo ng binata, kinuha ang pitakang kanilang sinikwat sa aksidente. Kinuha ang pera, lahat ng pera pati ang mga credit card at dahil ang safehouse nila ay malapit sa ilog pasig, itinapon doon ang wallet.
Sa morgue, gawing Cubao “sino kaya ang bangkay na ito ano?” wika ng embalsamador na lalaking binata “kawawa naman, nagkaluray luray na e tila pinagnakawan pa” wika naman ng matandang embalsamador “ano? San nyo nalaman ang info niyan? Sabi e wala raw ID yan?” sabad ni P03 Bong Tecson, isang imbestigador, “sabi po ng isang vendor doon sa commonwealth, nung kunukuha na ng aming funerarya ang bangkay, naulinigan ko lang sa kanila, sir I check nyo, baka naghahanap na ang mga kaanak nito, sige baka multihin tayo nyan?” biro pa ng embalsamador “putris ka wag mo kong takutin, takot ako sa mumu!” kaya nagpunta sa crime scene si Tecson ng gabi ding iyon.
“Badong, nice hair you got there gay guy! You found time to re touch in this hectic schedule? How nice naman my boy!” patuyang pagsabon ni Ms. Liz, ang supervisor ni Badong. Kulot si Badong, Afro, ngunit nang Makita ng kaibigan na biglang nawala sa kubeta, sa takot ay naunat ang buhok ang nagging spike. Dahil may takot pa rin biglang nasabi nitong “madam, uwi na po ako?” “English please, stupid!” sagot ni Ms. Liz at sabay sigaw ni Badong habang tumatakbong palabas ng gusali “uwi na ko!!”
Akala ng iba ay iniwanan na ng bait itong si Badong, maaring di niya nakayanan ang pagpapakita ng kaibigan. Nagring ang cell ni Trina, ang numero ni Melo “hello? Bakit di ka pa umuuwi? Nasan ka? Nag aalala ako sa yo naku, tumawag ako sa trabaho mo “ walang sagot liban sa ungol na tila galling sa ilalim ng lupa. Kinabahan si Trina. Nabisto ni Tecson na totoong ninakawan ang biktima ng aksidente sa commonwealth, di pa rin nila nalalaman ang pagkakakilanlan ng biktima. Pauwina si Tecson at naisip niyang dumaan sa himpilan ng pulisya. Tabi ito ng ilog pasig, nakita niya ang isang batang basing basa tila umahon mula sa ilog.
“O ne? anong ginagawa mo dyan, kumain ka na ba? San ang magulang mo? Pinababayaan ka? Letse talagang mga tao ngayon, kung wala akong anak na marami inampon na kita, ano yan” tanong ni Tecson sa batang tila may ibinibigay sa kanyang wallet, basing basa at puro ID. Pagtanggap niya ng nasabing bagay, ilang kisap mata lamang ay naglaho ang bata. Nagulantang si Bong Tecson sa nangyari ngunit dahil pagod na rin ay iniwan na lamang niya sa kanyang drawer ang wallet.
Sa kuta nina Baston patuloy pa rin sa pagri ring ang cellphone at iyon pa rin ang sinasabi, makailang beses na niyang palitan ng sim ay tila ulit lamang ng ulit na parang sirang plaka, natakot ang mga ka frat ni Baston at agad kanya kanyang takbuhan palayo. Tumakbo din si baston palayo, ngunit gulat siya nang Makapa ang bulsa at nang buksan ay naroon muli ang wallet. Nagtatatakbo ang grupo nang masabat ng isang nagrorondang Bgy. Patrol at dinampot silang lahat at isinalya sa kulungan. Sabi ay lasing umano at banggag ang grupo ni Baston.
Pagdating sa sarhento-de-mesa ng pulisya, nalamang mga kawatan ang grupo at may mga nakuha na wallet at cellphone sa kanila. Tinawagan ang mga ito ngunit di pa natutunton si Trina. Kinaumagahan, may nagpuntang pulis sa bahay nina trina at ibinigay ang mga gamit ng asawa, nalamang si ang kanyang asawa ang nasawi sa karambola sa commonwealth kamakailan. Sa Laguna, “anak, bumili ka nga ng Simcard dyan sa kanto at kailangan kong tumawag ke bossing, baka sakaling makuha ko pa yung huling sahod ko” utos ni Tasyo sa kanyang anak dahil na block ang simcard nito kamakailan. “ tay, sarado na sina Aling Tale, at ano sa sta. Cuz pa tayo bibili ngayon? Gabi na bukas na yan?… oo nga pala nung labhan ko ang pantaloon mo may Sim doon, try mong isaksak dyan sa cell mo baka gumana pa di ko naman binasa, iningatan ko” wika ni Jen, anak ni Tasyong trak diver.
Kinuha niya ng simcard at ilinagay sa cellphone at nagulat siya dahil agad itong nag ring “Kaibigan, utang na loob, sabihin mo sa pamilya ko ang nangyari sa akin, hindi ako matahimik, maawa ka na sa kanila” takot ngunit napaluha si Tasyo at nagwika “natakot akong makulong, maliit pa ang mga nak ko.. patawarin mo ako”. Kinaumagahan, sa himpilan ng pulisya may lalaking nagpunta para magpakulong “sir, ako po ang nakasagasa dun sa naka motor, sumusuko na po ako”. end
Latest Articles
- Traditional Javanese Massage and Beauty Care narito na sa Pilipinas
- IT-BPM Road Map para sa taong 2012 hanggang 2016 inilunsad ng DOST-ICTO IBPAP; Next Wave Cities ng 2012 ipinakilala ng DOST-ICTO, IBPAP at DOST-IBM Supercomputer makapagpapalakas sa R&D capabilities ng bansa
- Maling Impormasyon Binigyan pansin “CREAMSILK COMMERCIAL ni Heart Evangelista”; Stem Cells Therapy Dapat at Epektibo nga ba? at Flagship New Zealand telecoms event set to break all records
- BulSU Technology-based University para sa Bulakenyo; DOST-SEI’s Geo-Marine Science Camp wows 59 students, teachers at Globe Telecom Stays Committed To Corporate Sustainability

