Kuwento
Pekenisis (Palsipikadong Psychic)
Posted on September 20th By Michael Balaguer
MGA katawagan o bansag na katulad ng ”tirador ng kaning tutong”, “balahura”, “mandurugas” at talaga namang ipinanganak na atang mapagsamantala lang talaga itong si Insyong.
Napasok sa bilibid dahil sa panloloko sa kapwa, lumaya rin sa wakas sa kanyang kasong estafa. Ayon sa pinuno ng bilibid noon, mabait daw si Insyong kayat bumaba ang kanyang sintensya.
Bukod pa rito ay natulungan pa raw niya si Warden na makausap ang namayapang ama, na labingwalong taon na ang nakararaan. “Totoo yan! Talagang psychic yan si Insyong kaya pino protektahan namin yan dito, akalain mo bang sa pamamagitan niya, nakausap ko si Itang!!!” Pahayag ni Warden Ariel kay Grace, ka iskwela ni Insyong sa Haiskul na reporter na ngayon.
“Ulul, tanga ka talaga, estapador yan! Baka ini estafa ka lang, hala ka, sure ka bang si Itang yun?” tanong ni Grace “Alam niya lahat pati ng maliliit na detalye, wag ka nang humirit dyan” sagot ni Ariel.
Sabay sabay ang mga preso sa pag awit habang inihahatid palabas ng bilibid si Insyong na naparolan. “paalam na aking mahal masakit isipin, paalam na aking mahal kay hirap sabihin..”
Habang naglalakad palabas ng gate ng “Munti” pasakay ng jitney tuwang tuwa sa isip niya itong si Insyong. “tang ina nyong lahat, mga uto uto!, matalino man ang matsing, mga unggoy pa rin” ayon pa ditto, ngunit sa seryosong mukha nito, ni ang kanyang mga kasabayan sa jitney ay hindi masasabing siya ay masaya at nagdiriwang.
Dahil sa galling magsinunagling ni Insyong at marami siyang nagoyong tao sa loob at labas ng Munti, pati mg kilalang tao sa lipunan, kilala siya, pati ang Mayor ng kanilang bayan. “Simplicio, Simplicio, my friend, try mo nga kung magiging lucky ako this election?”
Nagpahula sa kanya si Mayor Harvey, isang tiwali at magnanakaw. Hinulaan niyang mananalo ito at landslide victory, oo maari nga naman ito dahil tiyak na mamimili ng boto at mandaraya na naman ang itinuturing ng bayan nilang homegrown crocodile.
Matapos ang bilangan noong nakaraang halalan ay nanalo si Mayor at walang sidling tuwa ng pulitikong bugok dahil umano sa prediksyon ni Insyong. Ngunit wala naming kinalaman doon ang Insyong dahil chamba lang ito.
Habang tumatagal, tila dinadalaw na ng mga sariling multo itong si Insyong, nakita niya ang lola niya na nakaupo sa batalan. Pero tatlumpung taon na itong patay. Minsan nakita niyang pugot ang ulo niya habang nakaharap sa salamin habang nasa likod niya ang isang babaeng nakaputi na may hawak na karit sa kaliwang kamay habang ang tangan sa kanan ay ang kanyang ulo na animo’y nakangiti.
Hindi na masyadong nakapanggagago ng tao itong si Insyong, dahil malimit ay walang pagsidlan ang takot na nananalaytay sa kanyang mga balahibo lalo na noong “Pareng Insyong” kumatok sa pinto niya si Bryan, kumpare niya at humihingi ng tulong upang kausapin anito ang espiritu umanong sumasapi sa nobyang si Minerva.
“Pare ikaw lang ang makaktulong sa amin, wala na akong matatakbuhan, ibinenta ko na ang kalabaw ko,kahit 50,000 lang ang pera ko ditto, pagdamutan mo na” pakiusap ni Bryan. Matindi talaga ang kinang ng salapi at dahil nga mukang piso itong si Insyong, sinakyan niya ang kahinaan ng kanyang kapwa at tinanggap ang pera kapalit ang sinasabing tulong upang umano ay mapalayas ang kung sinumang demonyong sumasapi kay Minerva.
Habang papunta si Insyong kina bryan ay may nakasabay siya sa paglalakad sa daan na dalawang lalaki na nagkukuwentuhan kung saan ang sinasabi ng isa ay” Pare may babae dyan sa kanto na inaalihan ng espiritu ni Senior Cuevas” ayon naman sa ikalawa ”Si Senior Cuevas umano ang kilalang mamamatay tao noong panahon ng kastila” Anang isa, “oo at kahit sino nga yata ang magtangkang magpalayas doon ay hindi nagtatagumpay” sagot naman ng isa “ Mayroon daw maaring makapagpalayas doon”
Paliwanag ng isa, ngunit bago pa matapos ng isa ang pinaka kritikal na paliwanag ay kumaripas agad ng takbo itong si Insyong matapos makitang ang dalawang lalaking nakasabay ay naglalakad ngunit hindi sumasayad sa lupa ang mga paa.
“O bakit tumakbo yun?” tanong ng isa “ baka natakot sa iyo, nakakatakot ka kasi” sagot ng isa sabay unti unting naglaho ang dalawa. Ang ibig tukuyin ng mga multo ay ang espiritu ng sinasabing si Senior Cuevas ay tumatalon mula sa isang katawan patungo sa isa pa sa isang iglap lamang.
Samantala, humahangos sa takot dahil tila ba inaani na niya ang mga panggagago niya noon sa kapwa. Ang mga pinagtatawanan niya noon at di pinaniniwalaan, ay mismo niyang nararamdaman ngayon.
Pagdating ni Insyong sa lugar, humahangos bunga ng magkahalong takot at pagod, napansin niya na tila nagtatakbuhang palayo ang mga tao , gagawi sa kanyang direksyon kaya minabuti niyang tanungin ang Aleng nakasalubong.
“Ate bakit kayo tumatakbong palayo? Tanong niya” Si Bebeng, Senior Cuevas daw ho, nagwawala, lumulutang, iba na ang boses” ayon sa aleng may edad sabay takbong palayo. Nakasalubong din ni Insyong si Pastor Lim at Monsignor Ben, kapwa tumatakbo sa takot palayo.
Sa wakas ay dumating na si Insyong sa lugar, kinakabahan, isang lumang bahay kastila na tinatayang itinayo noong 1600. Hindi siya halos pinagbubuksan ng mga nakapinid na mga pinto at bintana. Tila may giyera sa loob ibat ibang tinig ang umaalimpuyo sa loob.
Babae, lalaki, bata, matanda, matapang, kimi at iba pang kahila hilakbot na tunog, ngunit lahat halos ng mga nakasalubong niya ay nagsasabing isang tao lamang ang nasa loob ng nasabing bahay, si Minerva. Hindi n asana tutuloy si Insyong dahil takot na takot na siya, ngunit naisip niyang baka siya naman ang patayin ng mga tao;
Dahil ipinangako niya ang responsibilidad na magpalayas sa multo ni Senior Cuevas sa katauhan ni Minerva. Kahit hindi malaman ni Insyong kung saan siya papasok sa nasabing bahay lalo at puro nakapinid ang mga pinto nito at bintana. Nagawa rin niyang sumingit sa isang maliit na puwang sa isang basag na bahagi ng bintana sa harapang bahagi ng bahay.
Sa loob ay tila iba ang temperature. Malamig, tila ba masikip na animoy nasa gitna ka ng isang pulutong ng tao. Ang nakapagtataka dito ay wala naman siyang nakikitang tao bukod sa kanyang sarili. Tumawag siya, “Minerva!!!! Hoy, nasan ka? “ atungal ni Insyong.
Paglingon niya sag awing kanan tila naaninagniya ng isang musmos na humuhikbi “huhuhu”, nganit ng harapin na niya ay wala naming naroon kahit ano, liban sa mga muwebles na nakabalot ng puting katsa.
Sa nasabing hilakbot na nadama ni Insyong naalala niya ang patuloy niyang panloloko sa kanyang mga kaiskuwela noon sa haiskul habang nasa boy scout jamboree sila, nagsusuot siya ng putting talukbong habang may naka umang na flashlight sa kanyang baba upang takutin ang kanyang mga kamag aral.
Bunsod nito, isang kaklase niya, si Oliver ang inatake sa puso dahil sa kanyang kagaguhan.Pagharap muli ni Insyong nagulat siya sa isang matandang babae “Ingkong, anong ginagawa nyo rito?umalis na kayo habang may panahon pa” pakiusap ng matanda na tila nag iiba ang hitsura ng mukha “bakit ho ba,?lola nakita nyo ho ba si Minerva?pakiusap naman po, kailangan ko siyang maialis dito” pagsasabi ni Insyong nang biglang sumiklab ang galit ng matanda at hinawakan siya sa braso. Habang iba na ang tinig nito.
“lapastangan ka! Isa kang masamang tao, …..kaya gusto mong kunin ditto si Minerva para gahasain mo ano? Hahaha?” sigaw ng matandang babae ,kuba na nagging isang lalaking mistisuhin na nagiging isang batang lalaki
Gustong tumakbo ni Insyong ngunit natagalpo siya, tila di niya maigalaw ang kanyang katawan, ni pati magsalita ay hindi niya magawa, tila tinawag na niya lahat halos ng kilala niyang santo at dioses mula sa pinakamaliit hanggang pinakamalaki ngunit walang epek sa powers ng mestisuhing lalaki, na pakiwari ng ilan ay si Senior Cuevas.
Unti unting inaangat ng multo si Insyong hanggang “hoy, sa ngalan ng Dakilang Lumikha na siyang may ari ng sanlibutang ito at ng lahat ng mga daigdig, ikaw ligaw na kalulwa, lumayas ka sa katawan ng babaeng yan, ngayon na at ibaba mo yang binatilyong yan, walang kasalanan ang mga yan sa iyo, ang nangyari sa iyo ay dapat ibaon mo na sa limot at matuto ka ng magpatawad, kung hindi ay ibubulig kita sa apoy ng impiyerno! Wika ng lalaking tila isang karaniwang Pilipino, naka abitong khaki at may tanikala ang mga paa at may hawak na tila berdeng aklat.
Tila nauupos na kandila ang mestisuhing lalaking may tangan kay Insyong, habang nakaharap sa lalaki’y tila nag iibang muli ang anyo nito, mula sa lalaki, matandang babae, kabataang lalaki hanggang maging si Minerva na tila hapong hapo.
Noo’y Nakagalaw na si Insyong, hindi na siya nagpatumpik tumpik, bumangon siya, tumakbo patungo kay Minerva at agad na binuhat ang dalaga palabas ng nasabing inaalihang bahay sa pamamagitan ng pagsipa sa sinasabing purong narrang front door nito na dinatnan niyang nakapinid nung una.
Isang taon ang nakalipas. Marami nang nangyari, nagmuslim itong si Insyong, tunay na pagbabago na, tinawag siyang Abdul Akmad. Sa isang study tour ng kanilang grupo kasama ang isang guro ay napadaang muli sina Insyong sa pinangyarihan ng pagsapi ni Minerva. Sa bahay na malayo pa lamang ay ballot ng ng tindig balahibo.
“Alam nyo ba kung sino ang may ari ng bahay na yan?” tanong ng guro kina Insyong, na ikinagulat niya. “isang prayleng Pilipino na nagging muslim ang may ari nyan, pinatay siya ng mga kastila noon, sabi, malimit raw siyang nagpapalayas ng masamang espiritu, totoo man o hindi, kanya kanya lang naming paniniwala yan” wika ng guro. “Guro, ano bang pangalan ng may ari ng bahay nay an?” tanong ni Insyong “ si Abdul Hasim, pero noong kristiyano pa siya , siya ay si Senior Cuevas”.end
Tags: Kuwento, pekenisis, psychic
Latest Articles
- IT-BPM Road Map para sa taong 2012 hanggang 2016 inilunsad ng DOST-ICTO IBPAP; Next Wave Cities ng 2012 ipinakilala ng DOST-ICTO, IBPAP at DOST-IBM Supercomputer makapagpapalakas sa R&D capabilities ng bansa
- Maling Impormasyon Binigyan pansin “CREAMSILK COMMERCIAL ni Heart Evangelista”; Stem Cells Therapy Dapat at Epektibo nga ba? at Flagship New Zealand telecoms event set to break all records
- BulSU Technology-based University para sa Bulakenyo; DOST-SEI’s Geo-Marine Science Camp wows 59 students, teachers at Globe Telecom Stays Committed To Corporate Sustainability

