Kuwento

WHEEL CHAIR

Posted on April 10th By michael balaguer


“Naratay ng matagal sa isang malubhang karamdaman ang may ari ng silyang yan” pahayag ni Bea, isang Nurse sa ospital na pinagkuhanan nila ng lumang silyang yun. Silyang parang laging may pasahero. Pasaherong mukang di sa langit dinadala ng silyang yun kundi sa impiyerno. Naalala ko yung isinugod na nasaksak, ilinagay muna sa wheelchair para dalhin sa emergency roon, nag cardiac arrest. “kitang-kita kong parang may madilim na aninong humahatak sa kalulwa ng sasakay doon” sabi ni Spencer, hospital attendant na sabi nila ay bukas daw ang Third Eye.

Di rin nila batid kung saan buhat ang upuan na yun, maaring ang una o ilang nag may ari nito noon ay mga namatay din pero sa hitsura ng nasabing silyang de gulong, masasabing may katandaan na ito. “mabigat pa pare, di katulad ng mga ginagamit naming ngayon na light weight” ayon kay Jerome, isang paralitikong  atleta, naka wheelchair siya at nagtrabaho bilang taga gawa ng mga silyang de gulong sa Tahanang Walang hagdanan.

Madilim kagabi sa ospital, generator lang ang pinagana sa ilang mahalagang bahagi ng nasabing pagamutan, sabi ng night shift nurses at mga attendants, tila nagpapa ikot ikot ang nasabing wheelchair sa morgue. Wala naman silang nakikitang tao, liban sa tila aninong bumabalot sa nasabing sasakyan. Kabado na ang ibang  intern kaya yung iba ay nagdadahilan na lamang at di na tinatapos ang kanilang duty, layas na. Parang ito ang ipinahihiwatig ng nasabing sasakyan.

Minsan daw ay naglalakad ang ilang bantay sa intensive care unit upang kumuha ng tubig sa fountain malapit sa pinaggagarahihan ng nasabing sasakyan malapit sa morgue nang biglang nakitang lumulutang ang nasabing gamit sa gitna ng mga patay habang ang mga naka takip ng kumot na puti ay kitang kita nilang bumabangon.

Tinanggal ang mga yon, ang mga saksi na nakakita, sinisiraan daw nila ang pamunuan ng pagamutan na isa ring paaralan sa medisina. Di natin alam kung ano ang tunay na agenda ng mga workers na yun pero isa lamang ang tiyak, ito ay hindi sila nagsisinungaling sa pagkakataong ito. “bakit? Noon bang unang sinabi nila ang mga bagay na yan ay nanggagago lang sila?” tanong si Dr. Chari sa akin ng magkausap kami tungkol sa nasabing mga pangitaing umano ay nakikita sa pagamutang pinamamahalaan niya. Sabi ko ay noon pa man totoo na yun.

Unang narinig iyon ng may nakakitang mga mag aaral na nagtago sa likod ng gusali malapit sa pagamutan, salaysay nila noon na may nakita umanong isang usok na nag aanyong tila tao o halos anino na naka upo sa nasabing silyang de gulong . iba iba ang mga interpretasyon tungkol sa nasabing pagpaparamdam ngunit isang araw. May isang exsorcist na binalak umanong I cast out ang demonyo sa nasabing upuan nuon dekada sitenta, ngunit sa halip na umalis ang kung anu mang nasa upuang iyon ay ang exsorcist pa ang na possessed ng nasabing multo.

Ayon kay aling Inday, 30 taon ng tindera sa karinderia na halos tabi lamang ng pagamutan, hindi lang niya maalala ang sinabi ng pari na inalihan ng espiritu ngunit alam niyang isa rin itong doctor, doctor ang multo na nagmamay ari ng wheelchair, o isa sa nag may ari nito, tila sa paki wari ng ilan ay halos kasing tanda na ang Pilipinas ang nasabing gamit.

Ilang pagkakataon na rin itong ipinamigay sa mga mediacal missions ngunit kakatwang muli itong nagbabalik sa pagamutan na may dalang patay. May dalang sugatan, malubhang sugatan na halos patay na. Buo pa sa ala ala ni Capt. Geraldo ng V Luna Hospital, dinala nila sa Mindanao ang nasabing gamit upang makatulong sa mga sundalong tinamaan ng bala. Naiwan sa parang ang nasabing gamit at inupuan ng isang sundalo habang nililinis nito ang kanyang ripple.

Kakatwa at walang anu ano ay sumalakay ang Moro National Liberatiuon Front noon at pinaulanan ng bala ang  batalyon kasama ang mga nasa medical, ngunit kakatwang hindi man lang nasugatan ang lahat ng sundalo liban kay PFC. Santos na umupo sa nasabing wheelchair upang maglinis ng kanyang ripple. Binurdahan ng bala ang katawan ng nasabing sundalo ng araw na iyon. Ayon sa ilang saksi, hindi raw naka alis ang sundalo sa kanyang pagkaka upo na tila may nakahawak na kung ano sa mga balikat nito.

Iniwan na nila ang nasabing gamit nuon dahil nasabugan rin ito ng mina. Ngunit ng pagbalik ng Maynila ay nanindig ang kanilang mga balahibo ng makitang naroon na ito sa pagamutan at ni hindi man lang nagalusan kahit bahagya. Ayon kay Ninang Jane, dating administrador ng nasabing pagamutan, bago umano siya na promote noon ay may sinundan siyang nagging administrador ng nasabing pagamutan, si Dr. Cruz. Ang nasabing doctor ay isang mountaineer, mahilig sa outdoor activity at physically fit. Walang anumang sakit ngunit noong sumama sa isang medical mission sa Sagada ay nahulog sa bangin. Sumailalim naman sa x ray pagkatapos at ang  na dis locate na mga buto ni Doc ay naayos na.

Rehabilitation na lang ang dahilan kung kaya kailangan niyang gumamit ng wheelchair, ngunit laking gulat ng kanyang mga kaanak ng unti unti itong namamatay habang lulan ng nasabing gamit, dito nakikitang nangayayat si Doc, nagmistulang bangkay, para umanong hinigop ayon kay Ninang. “dalaga pa ako noon, intern pa lang, parang OJT, night shift ako, nakita kong iniwan si Doc sandali ng asawa niya sa kanyang tanggapan, naka upo sa wheelchair, may tila aninong parang humihigop sa  buhay ni Doc.” Ayon kay Ninang Jane.

Dahil daw sa trauma noon, panandaliang hinikayat niya ang kanyang mga magulang na ilipat siya ng paaralan, at nang matapos ang pagdodoktor ay nagtungo siya sa abroad para makalimot, di niya alam na pagbalik niya sa bansa ay aabutan pa rin niya ang nasabing wheelchair. May isa pang kakatwang katangian ang nasabing gamit na talagang nakahihilakbot.

Hindi ito tinatalaban ng litrato, maka ilang bese ng kinunan ng litrato ni Mang Ben, isang Press Photographer ang nasabing wheelchair, lulan ang kung sinumang pasyente ditto ngunit tila kung ito lang ang kinukunan ay nasisira ang film at kung may mabuo man ay distorted, pag may sakay naman ay wala ang gamit na tila isang taong naka squat lang ang nai print.

“Hindi maaring photo magic jan dahil noon wala pang ganoon, manual kami at hindi digital, sira yun pag ganun, alam mo bang ilang rolyo rin ng film ang naubos ko dyan?” reklamo ni mang Ben ng minsan ay maikuwento niya ang tungkol sa wheelchair ng magkita kita sila nina Ninang Jane sa bahay nito ng birthday ko. Maraming bese na ring tinangkang idispatsa ang nasabing wheelchair, ipinamigay bumalik uli at ang pinaka huli ay ang binalak nina Dr. Cruz na ipadala sa Iraq ang nasabing gamit na ngayon ay naroon pa rin sa ospital hanggang ngayon sa awa ng Diyos.

Kamakailan, ang classmate kong si Menchie, naging care giver sa Canada, ay bumalik kasama nag kanyang asawang Matanda, naospital ang asawa niya na sabi ay lubhang napaka hina na. Natural buhat sa sasakyan ay susunduin ng attendant at isasakay sa wheelchair, tila kakatwa talaga dahil ayon kay Jerome, isang Nurse doon sa pagamutan, tila nagpi prisinta ang wheelchair na sakyan siya sa tuwina at namamatay kadalasan ang pasyenteng lumululan doon.

“Howard is so sickly that he can’t even move some parts of his body without the aid of someone” ayon kay Menchie ngunit tila lumakas ang Canadian nang sumakay sa nasabing silyang de gulong at nang magpa check up ay negative sa mga sakit at nagging healthy bigla. Oo di na nga siya makalakad ngunit tila nag iba umano ang aura nito.

Ilang lingo ring nanatili sa bansa hanggang umuwi itong mag asawa sa kanilang bagong bahay sa Pasay. Ngunit wala na ring balita kay Menchie mula noon. Sabi ay bumalik na raw ng Canada, sabi ay nag hiwalay, di ko alam ang tunay na nangyari, wala ring kahit anong clue sa kung ano na ang nangyari sa wheelchair. Ang pasilidad na pinaglalagakan ng mga wheelchair sa pagamutan ay ginawa ng mga kuwarto ng charity ward at halos puno ng tao araw araw.

Nagka shota ako sa Mandaluyong, isang Psychiatrist at may ipinakita siya sa akin na kanilang bagong pasyente, isang babaeng tisay na tila lagi hinahanap ang sarili, panay ang pagsasalita ng wikang ingles at tila hindi marunong magtagalog. Namataan raw nila ito  sa kahabaan ng nueve de pebrero na naglalakad at nagsasalita mag isa at tila balisang balisa at takot, naawa ang mga residente dahil di naman nananakit kaya dinala sa Mental.

Minukaan ko ang babae at nagulat ako na si Menchie ito, hanggang ngayon ay di pa siya maka usap ng matino at kasalukuyang ginagamot. May balita sa Canada, nakita ko sa internet, lalaki, nahulog sa bangin lulan ng kotse, sabog ang sasakyan, di makilala ang biktima, total wreck at sunog ang kotse, ngunit may survivor.. isang lumang wheelchair na may tatak ng pagamutan.end,

Latest Articles