Nukleyar
ORIENTATION SEMINAR SA BATAAN NUCLEAR POWER PLANT ginanap kasama ang media
Posted on May 24th By mike balaguer
PAGBISITA SA PLANTANG NUKLEYAR SA BATAAN
Marahil upang mapamalian ang mga ipinahahayag na pampalito ng mga kritiko ng enerhiyang nukleyar sa bansa, particular na ang mga kumunistang grupo kasabwat ang simbahang katoliko, nag anyaya ng pagbisita sa ilang mga mamamahayag na nagkokober ng agham ang Department of Energy (DOE)- National Power Corporation (NPC) at kabalikat ang Philippine Nuclear Research Institute (PNRI)- Department of Science and Technology (DOST) sa pasilidad ng kontrobersyal na white elephant ng gobyerno, ang dapat nang buksang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) sa Morong Bataan.
Ang dalawang araw na Media Orientation Seminar ay pinangunahan ng NPC sa pamamagitan ng kanilang Manager for Corporate Communications na si Mr. Dennis Gana. Ang seminar ay ginanap sa NPC complex sa Bagac, Bataan kung saan dalawang dalubhasa sa nuclear energy ang nagbigay linaw sa mga agam agam patungkol sa nasabing source na enerhiya. Sila ay sina Ms. Estelita G. Cabalfin, consultant buhat sa Philippine Nuclear Research Institute-Department of Science and Technology sa kanyang Nuclear Technology Application in the Philippines bahagi ng Nuclear Technology 101 seminar, ikalawa ay si Mr. Mauro L. Marcelo Jr.. Manager for asset Preservation ng NPC na tinalakay ang Nuclear Energy for power Generation. 
Ayon sa mga dalubhasa sa Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) sa isa nilang forum na ginanap noong nakaraang taon, kaalinsabay ng balitang nabayaran na ng rehimeng Arroyo ang pagkakautang ng bansa sa Westinghouse Corporation (ang nagtayo ng Bataan Nuclear Power Plant), hindi mga siyentista ang nagpasara ng nasabing planta, kundi mga pulitiko, mga abugado at ang mga paring katoliko na walang alam sa kabutihang idudulot ng noon ay pinakamakabagong pagmumulan ng tunay na renewable na enerhiya ng bansa.
Dinaan sa mga samut saring pananakot, mga imahinasyong napaka imposible, sa superstisyon at sa katwirang bunga umano ito ng pag iisip ng noon ay Pangulong Ferdinand E. Marcos na kanilang itinuturing na diktador at ang lahat ng mga plano ng “Macoy” ay dapat lamang na ibasura kahit hayagang may maitutulong na malaki sa ikabubuti ng nakararaming Pilipino lalo yaong mga mahihirap.
Ayon sa kasaysayan, pagkaraang ipasara ang nasabing planta (BNPP) ay agad na nagtayuan ng mga kaparehong planta (Generation 3) ang ibat ibang bansa sa asya, kabilang ang bansang Hapon (umaabot sa labindalwa+ ang naitayo), China (humigit kumulang sa 10+), Taiwan (7 planta ang naitayo), India, Pakistan, Iran atbpa. Lumalabas na nauna ang bansa sa karera ng pagtatayo ng noon ay bagong “Upgrade” matapos ang pagsabog ng dilapidated na teknolohiyang Ruso sa Chernobyl, Ukraine.
Lumalabas na kung natuloy sana ang operation ng BNPP, maaring hindi natin naranasan ang humigit kumulang sa 24 oras na nationwide black out noong Ramos Administrasyon dahil sa kakulangan ng pagkukunan ng kuryente, sana ay matagal nang naging energy independent ang bansa kagaya ng “pangarap ng dating Energy Secretary Angelo Reyes” na kanyang ipinagwawagwagan noong nakapuwesto pa siya.
Maaring din na wala ng isla dito sa bansa na walang supply ng kuryente dahil maaring ipag ugnay ang mga sources gaya ng Geothermal, Hydro, Thermal, mga fossil fueled generators at ng BNPP upang suplayan ng kuryente kahit ang maliliit na pueblo at pook sa mga singit singit ng bansa. Maari sanang maranasan na ng mga mahihirap ang tunay at unlimited supply ng kuryente lalo at kasama sa plano noon ang expansion ng nasabing pinahintong proyekto.
Ayon sa ilang dalubhasa sa America at Europa, mahalaga ang kuryente sa kaunlaran ng isang bansa, kapag may sapat na supply ng kuryente, may paraan upang kahit ang mga taga bundok ay magkaroon ang access sa maayos na edukasyon, magkaroon ng maayos at episyenteng paraan ng transportasyon, abot kaya ngunit makabagong serbisyong medical, makabago at malinis na tubig inumin at irigasyon, sanitasyon at dahil sa pasilidad na kung tawagin ay state-of-the-art, maari ding mapangalagaan ang kalikasan.
Ang mga nabanggit ay matagal na din na nanatiling pangarap at inakala ng marami, lalo ng mga advocate ng re opening ng BNPP na isa na lamang na panaginip hanggang dumating ang kongresista buhat sa Pangasinan na si Mark Cojuangco na nag lagak ng panukala na buksan ang nasabing kung tawagin ay White Elephant upang makatulong sa suliraning pang enerhiya ng bansa, bunbsod nito ay matupad ang tunay na planong “Pro-People” at “Pro-Science” na kabilang sa adbokasiya ng marami sa nagsusulong noon para mabuksan ang BNPP sa kabila ng ilang kumakandidato sa pagka Pangulo nitong nakaraang halalan ang tila iwas pusoy sa isyung ito liban kay dating DND Sec. Gilbert Teodoro at dating pangulong Joseph Estrada na hayagang pumapabor na buksan ang nasabing planta.
Ayon sa pagsisiyasat ng pahayagang ito, nabatid namin na ilan sa mga dalubhasang iniimport ng mga bansang may nuclear plant sa mundo ay ang ating mga matatalinong siyentista. Napipilitan silang lisanin ang bansa dahil wala naman nang mapaggagamitan ng kanilang kasanayan sa sarili nilang lupa, bukod pa sa di kawasang bentahe sa magiging antas ng pamumuhay nila pag tinanggap nilang magtrabaho sa ibayong dagat.
Maaring kakaunti pa lamang ang alam ng madla sa kabutihan ng nuclear technology, at dahil sa mga “anti-people, anti-science, back-to-the-caves” na preaching ng mga magkakasabwat na puwersang kinabibilangan ng simbahang katoliko at mga grupong kumunista na patuloy na nagpapabobo sa ating mga kababayan at nagpapasok ng basura sa kanilang mga kukote, sa layuning ilugmok ang ating nasa sa burak ng kahirapan habambuhay na magpa alila sa mga interes ng oligarkiyang uri, patuloy nilang pipigilan lahat ng paraan upang umasenso ang bansa, mananaliling mahirap ang dukha dahil walang kuryente.
Ngayong ika 28-29 ng Mayo, magtutungo sa Bagac, Bataan ang mga mamamahayag, dadalo sa isang Orientation Seminar at bibisitahin ang plantang sana at nagging solusyon nang magal sa suriranin pang enerhiya ng bansa. Maaring ilahad ng mga doon ay dadalong dalubhasang aghamista, buhat sa Philippine Nuclear Research Institute (PNRI-DOST) Department Of Science and Technology ang ng Department of Energy (DOE) ang tunay na kalagayan ng klimang pang enerhiya ng bansa na magdala sa muling pagbubukas ng BNPP. Lulan ng sasakyang buhat sa punong tanggapan ng Pambansang Korporasyon pang Elektrisidad o National Power Corporation (NAPOCOR), ang matututunan ng mga mamamahayag buhat sa Pahayagan, Radyo, Telebisyon at Internet ang makapagdadala ng tamang balita patungkol sa BNPP.(larawan: buhat kina Cathy Cruz at Theresa Alpa Rreyes)
Tags: Department of Science and Technology, larouche
Latest Articles
- DOST developed immersion freezer to help food industry, Reducing dependence on fossil fuels essential for sustainable progress in small island developing states, says UN Secretary-General and UNDP’s Himalayan Meltdown wins top prize at International Film Festival
- Firm that started work on corn hybrids pushes durable corn varieties, DOST’s First Tuklas Lunas Center and DOST Makibayan to raise the productivity of the metals industry
- SSS bares guidelines of P7-B educational loan facility, PhilMech to commercialize soon organic solution to banana crown rot and Stop the Hacking of Foreign Websites Frowned Upon by Government
- Kakayahan ng Kabikulan bilang “producer” ng niyog pinahusay ng pamahalaan, DOST installs new Doppler radar in Catanduanes and DOST’s MakiBayan program to raise PH productivity










