Palagay

ating LIWANAGIN

Posted on May 4th By noli liwanag (pscijourn megamanila)


noli

PDIC claims settlement for BF underway

Magandang balita sa mga depositor ng nagsarang Banco Filipino Savings and Mortgage Bank (BFSMB)! Sinimulan na ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) ang “Claims Settlement Operations” (CSO) nito.

Nakasaad sa liham ni PDIC Senior Vice-President Sandra Diaz kay Parañaque City Mayor Florencio Bernabe, Jr., na nakatakda ang CSO mula Hunyo 15 hanggang 29, 2011 sa BFSMB-Alabang sa 384 East Service Road sa Lungsod ng Muntinlupa at mula Hulyo 25 hanggang Agosto 10, 2011 sa BFSMB-Parañaque sa Elsie Gatches cor. Elizalde St., BF Homes, sa Lungsod ng Parañaque.

Ang pagbabayad ng mga “claim for insured deposits” ay gaganapin mula ikawalo ng umaga hanggang ikalima ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes (8AM-5PM, Mondays through Fridays) sa mga petsang nabanggit.

Pinapayuhan ang mga depositor na dalhin ang Claims Status Sheet (CSS) na ibinigay sa kanila noong nagsumite sila ng claim kasama ang dalawa (2) nilang “valid IDs,” na nakatala sa application. Kung ang depositor ay  isang menor de edad, kailangan niyang iprisinta ang orihinal na kopya kasama ang isang malinaw na “photocopy” ng kanyang “birth certificate” na inisyu ng National Statistics Office o sertipikadong kopya nito kung nagmula sa local civil registrar. Kung ang nagke-claim ay hindi mismo ang depositor, kinakailang magsumite ito ng isang awtentikado o notarisadong “Special Power of Attorney” ng may-ari ng “bank account”.

Alinsunod sa R.A. 3591 (PDIC Charter), ang dedlayn sa mga depositor ng BFSMB para sa pagsusumite ng claim ay sa Marso 18, 2013.

noliGSIS may P54.9 M dibidendong ipinamahagi

KAHIT SAAN, KAHIT KAILAN, MAAASAHAN, ‘yan ang GSIS o Government Service Insurance System isang social insurance institution created under Commonwealth Act Number 186 na naipasa noong November 14, 1936. Para masiguro ang kinabukasan ng mga manggagawa ng gobyerno. Nakapaloob sa GSIS ang mga benepisyong pension fund ng social security benefits: compulsory life insurance, optional life insurance, retirement benefits at disability benefits for work-related accidents at death benefits.

Ang GSIS ay mula sa General Insurance Fund na mandated ng Republic Act 696 or the Property Insurance Law. At mandated ng  Republic Act No. 8291 noong June 24, 1997.

Kaya naman umaabot na sa P54.92 milyong halaga ng dibidendo ang ibibigay ng Government Service Insurance System (GSIS) sa halos 100,000 manggagawa ng pamahalaan habang patuloy na pinagtutugma at ina-update ang mga talaan nito.

Sinabi ni GSIS President at General Manager Robert G. Vergara na ang halagang dibidendo ay itinala sa mga eCard accounts ng 108,757 kasapi na hindi nakatanggap ng dibidendo mula sa kanilang compulsory at optional life policies para sa taong 2009.

Partikular na inilabas ang P29.65 milyon sa 79,090 Compulsory Life Insurance policyholders habang P25.26 milyon ay inilabas sa 29,667 Optional Life Insurance policyholders.

Sinabi ni Vergara na ang pamamahagi ng dibidendo ay ginawa base sa kita ng life insurance fund ng GSIS sa nakaraang taon na kinuha mula sa pamumuhunang kita ng pondo at savings.

Noong nakaraang taon, namahagi ang state-pension fund ng P908.96 milyon sa dibidendo sa mga karapat dapat na miyembro matapos magrehistro ng sobrang kita mula sa Social Insurance Fund at Optional Life Insurance Fund nito.

Sinabi ni Vergara na sa kabuuan, P828 milyon ang napunta sa Compulsory Life Insurance policyholders habang P80.96 milyonng taunang halagang dibidendo ay ibinayad sa policyholders ng Optional Life Insurance.

Anya ang pamamahagi ng dibidendo “was a result of our prudent management of GSIS funds (ay resulta ng aming masinop na pamamahala ng pondo ng GSIS).”

“Our stakeholders can be assured that we will continue to preserve our funds in order to give our members and pensioners additional benefits and meet our obligations to them as they fall due (Makasisiguro ang ating mga parukyano na patuloy nating pangangalagaan ang ating pondo upang mabigyan ang ating mga kasapi at mga pensiyonado ng karagdagang benepisyo at matugunan ang ating obligasyon sa kanila na nararapat lang),” dagdag niya.

noliLibreng AH1N1 bakuna para sa mga kawani ng P’que LGU

PARA mapanatiling malusog ang mamamayan ng Parañaque City ang “Occupational Health and Safety Program”, ay inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Parañaque sa pamumuno ni City Mayor Florencio Bernabe, Jr. noong Lunes, Mayo 2, 2011 ang proyekto para sa imunisasyon ng mga kawani nito kontra Influenza A H1N1.

Ang AH1N1 ay isang nakamamatay na impeksyon na nagsanhi ng lubos na pag-aalala sa mga pamahalaan sa buong daigdig noong taong 2009 sa pagtawid nito sa mga kontinente tungo sa pagkakaroon ng isang “pandemic”. Bagama’t napigil, naniniwala ang mga dalubhasa na nananatili pa rin ang banta dahil sa kakayahan nitong makabalik (resurge).

Pinangalanang “Sakit-Free, Absent-Free, Empleyadong Bakunado”, sakop ng proyekto ang mahigit-kumulang sa 4,500 permanente, casual at Job order empleyado ng pamahalaang lungsod.

Para sa naturang pagbabakuna, ang Parañaque City Health Office ay gumagamit ng influenza vaccine na tumatalima sa panuntunan para sa World Health Organization (WHO) strains (Southern Hemisphere) para sa Season 2011.

“Itinataguyod ng pamahalaang lungsod ang kapakanan ng kanyang mga kawani. Sa pangangalaga sa kanilang kalusugan lalo silang nagiging mahusay at produktibo sa pagtupad sa tungkulin sa pagsisilbi sa publiko.”, pahayag ni Mayor Bernabe.

Ang proyekto ay inorganisa ng City Health Office sa pamumuno ni Dr. Olga Virtusio at Human Resource Management Office sa ilalim ni G. Dean Calleja.

Ang iba pang regalong pangkalusugan na ibinibibigay ni Mayor Jun Bernabe sa mga kawani ng city hall ay ang patuloy na “Friday morning aerobics” at libreng taunang “Chem 5 diagnostic package” na binubuo ng FBS, Cholesterol, BUN, BUA, CBC at urinalysis para sa mga empleyadong nagdiriwang ng kanilang kaarawan.

Tags: pagliliwanag

Latest Articles

  • banner
  • banner
  • banner
  • banner
  • banner
  • banner
  • banner
  • banner