Palagay

Bagong Student Center sa Pasig na Buksan Ngayon Upang mapigilan ang Pagkalat ng Droga sa Lugar; Walang Iwanan sa Hatian: Ang Balasubasan ng Nueva Camarines partitioning Part 1

Posted on July 13th By mary jane olvina-balaguer


flyers 3 copy

Droga ang numero unong suliranin ng mga mamamayan ng Lungsod ng Pasig. Kaya nga isang non government organization ang nag isip ng paraan upang kung di man tuluyang mawakasan ang suliraning ito sa kanilang lugar ay mabawasan lamang ng bahagya upang maging tun ay na produktibo ang mamamayan at ang kanilang lungsod.

“Barkadahan ng Masa” ang pangalan ng center na bubuksan ngayong araw July 13, 2012 sa barangay Caniogan na inaasahang magiging bantog bilang isang venue kung saan  tunay na magiging halimbawa ng tambayang may katuturan, sa lenggwahe ng karaniwang masa.

Libreng computer education (basic), libreng paggamit ng mga computers para sa mga mag aaral na magtutungo sa kanilang center, isang venue para magdaos ng mga short and free seminars na tunay na makabuluhan at makatutulong ng malaki di lamang sa mga in-school na mga kabataan kundi pati rin sa mga kabataang out-of-school.

Sabi nga ng nagpasimula ng nasabing center, “Makatutulong sa mga kabataang nag aaral ang center naming ito dahil makapagko computer sila ng libre, free wifi at maari pa nilang idaos ang kanilang mga practice na related sa kanilang pag aaral” ayon Kay Mr. Wainwright Rivera, siyang nagpasimula ng nasabing center, layunin din nitong iiwas ang mga kabataan sa banta ng iligal na Droga.

Magkakaroon ng mga libreng seminar ang Philippine Drug Enforcement Agency sa pangunguna ng kanilang pili at ipadadalang mga dalubhasa upang bigyan ng tamang edukasyon ang mga kabataan, nasa paaralan o wala na magtutungo sa center.

Magsisilbing venue rin ang center ng ilang mga training na libre tungkol sa entrepreneurship upang sakaling walang trabaho ang mga tao, magkakaroon naman sila ng ideya upang magsimula ng isang produktibong negosyo.

Layunin ni Mr. Rivera na baguhin ang imahen ng lungsod sa pamamagitan ng positibong mga kaparaanan gaya ng pag iwas sa droga kapwa ng mga kabataan at may edad. Nabatid na isa ang Pasig sa mga notoryus na hot spots ayon sa PDEA kung pag uusapan ay ang iligal na droga sa kabila nang kilala rin itong investment at business hub ng bansa.

————————————————————————————————————

Gaano nga ba kalaki ang lalawigan ng Camarines Sur para hatiin pa upang magbigay daan sa isa muling probinsya na makadaragdag na naman sa lumalaking babadyetan ng sambayanang Pilipino sa pangkalahatan at particular ng mga Bikolano .

Ayon sa isang mapagkakatiwalaang source na nagbigay ng kanyang saloobin sa tinututulang paghahati ng lalawigan, iilang mga pulitiko lamang umano ang makikinabang sa ambisyosong planong ito.

Totoong malaking bahagi ng lalawigan ang masasabing tila napabayaan nga pero ang mas kaunti naman ay nagsasabi pa rin na kaya ayaw nilang hatiin ang kanilang lalawigan ang isa lamang kasing usapan ito ng maling pag pangangasiwa o yaong kung tawagin sa ingles ay “bad management”.

Tatlong pulitiko lamang umano ang lubos na makikinabang sakaling matuloy ang tinututulang hatian; ito ay sina dating Governor at ngayo’y Representative Luis Villafuerte (ang tatay), Representative Rolando Andaya, at Representative Arnulfo Fuentebella.

Ang pangunahing industriya ngayon na pinagkakakitaan raw ng Camarines Sur at nagpapakilala sa kanila sa ibayong dagat ay ang bantog na Camsur Watersports Complex. Sikat ito dahil laging nadadaos rito ang Iron Man triatlon Challenge na talaga namang patok sa dayuhan.

Di nga nakapagtataka na tuwing magagawi sa Camsur ay napakarami nating makikitang turistang dayuhan. Sa isang panayam kay dating Senador Richard Gordon na nagpakilala sa tagline na “Wow Philippines”, wika niya ay “kaya naman nating mabuhay sa domestic tourism” ibig sabihin ay ma-engganyo lang natin ang kapwa natin Pinoy na ikutin ang mga magagandang lugar sa bansa, tiyak na sisigla ang ating ekonomiya.

Dahil nga turismo ang flagship program ng kasalukuyang Gobernador ng Camarines Sur na si Luis Raymond Villafuerte, tila nauuwi sa pagiging tourist attraction na lamang ang kanilang lalawigan at tila kinakalimutan na ang katotohanang sila ay isang agricultural-based province na ang malaking bahagdan ng populasyon ay nabubuhay sa pagsasaka, paghahayupan, pangisdaan at iba pang industriyang tunay na naka angkla sa sector agrikultural.

Iyon ang sinasabi ng source kung bakit itong tatlong promotor sa hatian, naisip na hatiin ang lalawigan upang maki hati sa kikitain ng nasabing paghahati at tuloy di na bayaran ang standing utang ng Camarines Sur ngayon na nag ugat raw sa kanilang vision na maging sentro ng sports tourism.

“ang CWC at ang Caramoan Islands na ngayon ay idini develop bilang tourist spot na naman. Di naman makikinabang ang mga mamamayan kundi sila lang rin” ayon pa sa source na malapit sa nasabing mga pulitiko.

Tags: balasubasan1, student center

Latest Articles